Chapter 3

123 5 1
                                    

"Okay Miss Martinez you can start your training today sa library ka ma aassign at may kasama ka doon si Miss Tubino at yung Librarian natin si Sir Marquez halika at ipapakilala kita si Royse magtuturo sayo sa mga task niyo doon" Sir Lim ..



At yun pumunta na kami sa library .. ang working hours ko ay during free time ko at days na wala akong pasok at kasali na din ang saturdays pero half day nga lang kasi hanggang 12nn lang naman daw ang library pag sabado.


"Mr.Marquez and Royse this is Jhoana siya ang bagong kasama niyo dito sa library" Sir Lim


"Hi Jhoana" nakangiting bati nila

"Hello po" at nagkamayan kami

"Oh sige na simulan niyo na at babalik na ako sa office Jho pag may tanong at kailangan ka pumunta ka lang sa office huh" Sir Lim

"Sir e totour ko muna si Jhoana sa shelves natin dito" Royse at tumango na nakangiti naman si Sir Marquez

"So Jhoana halika ituturo ko sa yo ang mga book placement each shelves" Royse


"Kasi pag may kukuha or hihiram ng libro at di nila nasauli ay dapat natin ibalik pag hindi masyadong marami ang studyante dito" dugtong pa niya

At ayun tinuro niya sa akin medyo mahirap kasi kailangan kong kabisaduhin at dpat nakasunod sunod din ang book numbers ..



At pagkatapos naman ay tinuruan niya ako ano ang gagawin pag may maghihiram ng libro at iuuwi sa bahay may limit kasi yun ng ilang araw at yung mag sasauli din  ..

"Ayan Jho madali lang naman sa simula lang naman yan mahirap at tsaka tuwing exam week lang naman busy dito kasi yan yung panahon na madami ang nag aaral dito madami din nag hihiram at nagsasauli ng libro" .. Royse

Okay kaya ko to ..

Nang matapos na ang training ko ay bukas magsisimula na talaga ako .. kampante naman ako kasi sobrang bait at aalalayan naman daw ako ni Royse hangang sa makabisado ko na ..


Nandito ako ngayon sa room namin sa Psych 101 wala pa namang time si Rae may binili lang daw sa labas papunta na din kaya dito na muna ako nag antay.

Habang nagsusulat at nag aaral ako sa lesson namin .. nakita ko si Miss abugada naka sandal sa railings ang dalawang kamay niya at nakatingin lang sa field ..


"Babae ka naman babae din ako pero bakit ang lakas ng dating mo para sa akin?" Sabi ko sa sarili ko


Nang bigla siyang tumingin sa kinaroroonan ko kaya dali dali akong yumuko at umaaktong parang nag iisip ..

Sh*t bakit ba naman kasi lumingon ka eh!!

Mabuti nalang dumating na si Rae at iba naming kaklase ..


"Pssst! Jho"

"Oh bakit? Rae tapos ka na?" Ako




May pinagawa lang kasi ang prof namin dahil may meeting daw sila

"Kamusta nga pala training mo?" Rae

"Okay lang naman mahirap kaso nakakaexcite makakapag basa ako ng books pag hindi busy madaming magagandang books doon" ako

"Balita ko magandang gwapo daw ang isang SA doon totoo ba ?" Rae

"Hoy! Ikaw Rachel Palma nadadalas na yang pag chichismis mo huh saan mo nanaman ba yan narinig? Wag mong sabihin na sa bulletin board mo din yan nabasa?" Ako


A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now