"Hoy! Jhoana Lou! May utang ka sa akin!" Rae
"Luh? Diba sabi mo hindi utang yun. Sabi mo libre na yun Rachel?" Ako
"Kaloka ka! Hindi yung potato fries yung nangyari kagabi! Bakit hindi mo kinuwento agad sa akin?!" Rae
"Ahh kasi hindi ka nagtanong?" Ako
Nabatukan tuloy ako.
"Aray ko naman! Bakit kailangan pa ba yun?" Ako himas-himas ang ulo ko
"Of course no! So ano nga? What happened bakit ka napunta sa house nila and bati na kayo?" Rae
Flashback kagabi
Habang nag dadrive si Bea ay katext ko si Mama at Papa nagpaalam ako na hindi ako sa bahay kakain pumayag naman agad si Mama ko na kina Bea ako maghahaponan si Papa naman ayun todo habilin na kesyo bata pa daw ako dapat aral muna unahin okay lang naman daw humanga. Diyos ko pa maghahaponan lang ako sa bahay nila Bea Papa haha pero pumayag din naman siya. haha
Tapos napansin ko naman na nilampasan lang ni Bea ang daanan papunta sa kanila
"Diba doon bahay niyo abugada?" Ako
"Bakit mo alam? Did you stalked me?" Bea na sa daan naman nakatingin
"Luh? Feeling mo nasabi lang ni Rae sa akin" Ako
Para naman akong nabilaukan sa sarili kong laway. Hindi ko naman talaga alam tinuro lang ni Rae sa akin.
"Whatever we're here" Bea tapos bumaba na .
"Palengke?" Ako at nagtatakang lumabas ng sasakyan niya
Sumunod lang ako sa kung saan siya .. hindi naman ako bago dito kasi minsan ako namamalengke o sasama ako kay mama pag napunta siya dito
Huminto sa may mga karne ng baboy .
"Magandang hapon po Tatay Roel pabili po dalawang kilo yung wala masyadong taba po please" Bea
Nangmatapos na magtimbang ay binigay agad ni Bea
"Eto Bea. Pasensya ka na Bea huh kung hindi pa ako nakakabayad inuna ko kasi yung gamot ng Nanay Rosa mo eh" tatay Roel
"Naku! Okay lang po yun punta po kayo bukas sa clinic ako po bahala sainyo doon huh? Wag niyo muna po isipin ang renta" Bea
Aba? Ano tong mga nangyayari bakit parang hindi ako na inform na may ganitong side si Bea at renta? Sa kaniya tong palengke? .
Natapos na kami doon at may mga iba pang binili si Bea at opo halos kilala siya ng lahat dito. Hmmmp
Nilagay niya ang kanyang mga pinambili sa compartment niya at nagsimula na din mag drive.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan napagod din kasi ako kakasunod sa kanya eh haha. Kaya nawala ang kakulitan ko
"Sorry napagod ka ata?" Bea
"Naku! Hindi okay lang ako" Ako
Tapos huminto siya sa napakalaking bahay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay sa probinsyang ito well malaki naman ang bahay nila Rae pero parang x3 ata itong bahay nila Bea.
"Let's go." Bea
Kahit nalula ako at namamahangha sa bahay nila ay sumunod na rin ako sa kanya