Ang bilis ng panahon 3rd year college na akoooooo! Of course unti-unti na ding humihirap ang mga subjects nung 2nd year ako wala naman masyadong espesyal guys puro aral at duty lang ako sa library. Si abugada naman ganon pa rin naman medyo nag uusap na din kami minsan kaso hindi lang talaga nagtutugma oras at araw namin kasi training at aral siya ako naman SA at aral. At tsaka guys oo crush ko pa rin naman siya hehe. Hindi niya nga lang alam pero mas okay na din yun masaya na akong nakikita siya minsan minsan.
Si Royse naman graduating this year. Busy din tong babaeng to pero mas nagkaka oras at nagkaka bonding kami. Napunta na din siya sa bahay minsan natutuwa nga sila Mama eh kasi marami na daw akong kaibigan.
Si Jeya naman ayun senior high na. Mas naging madalang ang bonding namin gawa ng busy din siya sa mga friends niya at sa school pero okay lang naman naiintindihan ko. Naririnig ko pa din siyang umiiyak. Pero hangang ngayong wala pa din akong alam kung bakit. Hays.
Si Rae eto..
"Hoy! Jhoana tulala ka diyan kanina pa kita tinatanong bess ano ba mas magandang suotin ito ba o ito?" Rae tapos may pinakitang dalawang dress
"May pinagkaiba ba yan? Mukhang wala naman Rae" Ako tapos pumasok sa walk-in closet niya.
Hanap ako ng hanap tapos yun!
"Oh! Eto maganda to Rae tapos ito pa oh dapat yung mga ganitong dress suotin mo" Ako
Para naman siyang nainis sa binigay ko.
"Long sleeves? Mainit sa Pilipinas Jho gusto mo ba akong masuffocate diyan?" Rae
"Itong isa hindi naman long sleeves ah? At isa pa wala bang aircon dun sa pupuntahan niyo?" Ako
Pumunta naman siya sa kabilang side ng closet niya naghahanap pa din
"Gusto ko sana, kaso baka di daw niya afford eh? Sabi ko naman okay lang sa akin no na ako muna first date kaya namin to" Rae
Pinuntahan ko siya at pinaharap sa akin
"Okay lang yan atleast diba gusto niya siya mag effort para sa'yo kahit naman hindi mo yun nakasanayan alam ko naman marunong ka mag appreciate eh." Ako tapos inabot sa kanya ang sure akong pasok sa date nila ..
"This beige croptop shirt and a pair of short shorts ito ang bagay sa lakad at date niyo Rae tapos ito ang bag at shoes mo kung gusto ka niya talaga kahit gaano kasimple yang suot mo gugustohin ka pa din niya" nakangiti kong sabi
Tinanggap naman niya at ngumiti ng napakalaki tapos nagmadaling magbihis opo sa harap ko po siya nagbibihis sanay na kami sa ganyan.
Natapos na siyang mag ayos at yun ang ganda ng bestfriend ko! . Naka ponytail lang siya tapos simple accessories ..
"See? Kahit ang simple ng suot mo ang yaman at elegante mo pa din tignan kasi nga maganda ka hindi mo kailangan yung mga damit na halos nakikita na kaluluwa mo sa sobrang kulang sa tela" Ako habang inaayos ang necklace niya na bigay ko nung birthday niya last year hehe.
"Opo lola Jho. Ang agang sermon naman po niyan haha" Rae
"Lol! Sige na lakad ka na uuwi na din ako may tatapusin pa akong project" Ako
Pumunta lang talaga ako dito para suportahan anh bestfriend ko sa unang date nila ng manliligaw niya.
Umalis na kami. Hinatid muna ako ni Rae bago siya pumunta sa date niya sana all talaga may ka date. Nakilala ko na din naman yung dinedate niya okay naman mukhang mabait at bagay sila ni Rae.
