Chapter 8

96 4 1
                                    


"So class since I already announced yesterday ang by pair na reporting... today ibibigay ko naman ang topics niyo for nextweek.. so yung mga magkakapartner na nakabunot ng 6 to 15 will report on midterm" Ms. Sanchez




Hindi ko pa din alam sino ang kapares ko. Itong si Rae may pa thrill thrill pang nalalaman pwede naman kasi niyang sabihin sa akin kung sino eh.

"Rae and Kurt come here" Ms. Sanchez


Lumingon naman si Rae sa akin na tumatawa. Sh*t! So sino kapares ko?
Iniisip ko pa lang na hindi si Rae kasama kong gumawa ng report baka tamang tango lang ako nito. Hays


Pagkabalik ni Rae


"Rae.. so sino ba kapares ko?!" Ako pero pabulong lang yan baka mapagalitan kami ni Ms. Sanchez

Ngumiti lang siya ng nakakaloko at nakinig na uli kami.

Si abugada naman ayun tamang tango lang.





Pagkatapos ng dalawang subjects ko ay pumunta na agad ako sa library.


"Good morning Sir Marquez at Royse" Ako at lumapit na sa may book rack dito kasi nilalagay yung mga book na hindi pa na aarrange .. at para makapagsimula nang mag arrange..


"Uy! Jho ako na niyan ..diyan ka nalang sa front desk eencode mo tong mga name of students na may borrowed book" Royse

Lumapit agad siya sa akin at inagaw ang book rack. Papalag pa sana ako kaso naagaw na niya kaya lumapit na ako sa may computer at nagsimula nang mag encode.

"Miss Psych"

Kilala ko na kung sino to. Napaangat ako ng tingin at yun si abugada nga.

"Hmm?" Ako at tumayo sa upuan ko

"How are you? You okay na?" Bea

Kahit poker face tong babaeng to makikita mo naman sa kanya na may concern din pala siya. Nakikita ko sa mata niya.


"Ahm.. oo sa sobrang stress daw sabi ng doctor but I'm fine na" Ako at ngumiti sa kanya

Tumango lang siya at umupo na para magbasa.


"Jho okay ka na ba talaga?" Royse

Lumingon ako sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko


"Oo naman Royse." Ako at ngumiti sa kanya



Fast Forward


Last day sa exam week.

Sa whole week simula nang exam grabi ang busy. Sa library at sa mga subjects.

Pag wala naman akong exam dito ako sa library kasi need din ni Royse mag focus sa mga subjects niya kaya salitan kami at tulungan.


"Kaya mo pa Jho? Pahinga ka muna hayaan mo muna yang mga books diyan" Royse



"Okay lang ako Royse ano ka ba nasanay na ako mas mahirap nung monday noh! haha"

Nagtawanan kami at hinayaan na din niya ako mag arrange ng books.


Habang papunta ako sa last part na shelves at dahil may nakaharang na book ay hindi ko namalayan na may tao pala kaya ayun nabunggo ko at nahulog lahat ng mga books na dala ko


"Aray!"

"Naku!!! Hala! Sorry po sorry"Ako at nilapitan ang nabunggo ko

Humarap siya at ayun isang nerd na abugada na may hawak na napakakapal na libro.



"Abugada?!!! Ay Bea?" Ako medyo pabulong na sigaw yan.. pwede ba yon? Oo pwede at kaya ko haha.


"Ang clumsy mo naman" Siya pabulong din at binitawan ang book na hawak niya at yumuko

Isa isa niyang pinulot ang mga books na nahulog ko


"Uy! Ako na niyan! Pasensya ka na huh ang dami kasi eh.. sorry talaga" Ako habang nagpupulot na din ng libro

"You should be careful next time and pwede mo naman konti kontiin feeling malakas ka din eh" Siya na ibinabalik ang mga books sa shelves nila


"Hoy! Ako na kasi niyan! At ang harsh mo po magsalita malakas naman talaga ako nakaharang ka lang talaga sa daan" Ako

Huminto naman siya at lumapit sa akin as in ang lapit niya kaya napaatras ako at inilayo ang sarili sa kanya



"Let me remind you Ms. Psych library to hindi kalsada" Bea


Nakipagtitigan pa siya at lumayo din para tulongan akong ibalik ang mga books. Ako? Parang nahinto sandali ang paghinga ko sa ginawa niya


"Hoy! Hindi ako SA dito" Bea

Kaya dali dali akong napabalik sa wisyo ko at tumulong na din sa pagbalik ng books.



Pagkatapos naming mabalik lahat ay bumalik na si Bea sa pagbabasa pero bago paman siya magsimula ay hinawakan niya ako sa balikat, lumingon naman ako sa kanya


"Oh? Bakit?" Ako

Inulit nanaman niya. Napaatras naman ako sa ginawa niya.

"H...ho...hoy.. ahmm.. hoy Bea ano ba?" Ako . Agad din akong lumayo pero sadyang may nakaharang . Kaya yumuko nalang ako .


"Ms. Psych" tawag niya

Napaangat ako at nakatitig lang siya sa akin

"An..ano ba Bea?!" Ako


Tapang tapangan tayo kahit parang natutunaw na ako sa titig niya

"You owe me one. Ikaw naman sisingilin ko" Siya tapos lumayo na at bumalik sa pagbabasa niya

bumalik na ako sa front desk. Medyo konti na lang din ang mga student dito.



"Okay ka lang Jho? Ang tagal mo ata?" Royse



"You're sweating Jhoana okay ka lang huh? May masakit ba sayo?" Rae agad siyang lumapit sa akin para e check ako halata sa mukha niya ang pag aalala

Hindi ko namalayan nandito pala si Rae.



"Ahm.. ahh . O..oo Rae at Royse okay lang ako nauuhaw lang" Ako


Binigay naman agad ni Royse ang tubig ko.


"What happen to her Rae?"



Para akong nastatwa sa boses na yun. Sh*t lubayan mo na ako parang awa mo na bakulawng abugada ka.

"Calm down Jho. C'mon dalhin kita sa clinic" Rae



Kinalma ko ang sarili ko at uminom ng maraming tubig .

"Hindi na Rae .. ahm ano ahh okay na ako magpapahinga lang ako sandali, Royse okay lang ba uupo muna ako?" Ako

"Oo naman wala naman masyadong studyante" Royse


"Do you need something Jho? I'll get it for you" Bea




Napalingon naman ako sa kanya. Ngumiti ako kahit siya naman talaga rason kung bakit ganito ka o.a ang sistema ko



"Okay na ako Bea ipapahinga ko nalang to" Ako

Sumandal na ako at pumikit

Relax Jho, si Bea lang yan ano ka ba hindi naman yan si Jericho Rosales para magkaganyan ka! Umayos ka! Umayos ka Jhoana Lou!







Naging okay na din ako at tinapos na ang mga dapat tapusin nakapag exam na din ako sa ibang subjects at nakapag ayos na din sa library.








Exam week done!

See you midterm!!








A/N


Yan na muna ngayon guys ang lutang ko sobra haha sana excited kayo sa mga susunod na chapter kasi ako? Excited akong e share sa inyo... 😍

A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now