Chapter 18

132 5 3
                                        

Isang buwan na makalipas nang makalabas ako sa ospital. Medyo okay naman na ako paminsan minsan nga lang sumasakit ang ulo ko kaya eto ako ngayon papunta kay Dra. for follow up check up.



"Anak okay ka lang ba?" Mama


"Ahmm oo naman Ma . Iniisip ko lang si Jeya namimiss ko na siya sa bahay" Ako

Lumungkot naman si Mama . Simula kasi nung nagkasagutan kami hindi na siya umuwi. Doon siya umuuwi sa kaibigan niya nakakatext at tawag naman niya sila Mama pero ayaw pa talaga niyang umuwi. Pinuntahan din siya nila Papa pero ayaw talaga niya kaya hinayaan na muna namin siya.


"Ako nga rin anak eh. Pero bigyan na muna natin ng panahon si Jeya hindi naman namin siya pinapabayaan ng papa mo anak sa ngayon unahin muna natin yang ulo mo okay?" Mama


Tumango ako at pumasok na sa clinic ni Dra.











Kinabukasan

"Jho? Kamusta ?"

"Ayun. Kailangan mag ingat kasi sumasakit pa din kasi ang ulo ko minsan minsan Royse. Ikaw kamusta ka? Mukhang busy ang graduating student ah?" Ako habang tinutulungan siya sa mga libro.




"Okay lang Jho nakakayanan naman.. ahm Hindi naman ganon ka delikado yan diba?" Royse



"Si Mama ang kausap ni Doc eh.. sabi lang ni Dra. sa akin ay sa ngayon mas habaan ko ang pagpapahinga ko tapos bawal daw ma stress" Ako at tinapos na ang pagbabalik ng mga libro.




"Jho? Royse?"




Napalingon kami sa likod nang may tumawag sa amin



"Oh Bea?" Royse



Lumapit siya sa amin. Una tumingin siya kay Royse at sa akin naman.



"How's your head Psych? Masakit pa ba? I saw you and Rae lastweek pumasok kayo sa clinic nakahawak ka sa ulo mo" Bea



"Ahh yun ba sumakit lang siguro dahil sa init tapos ang tagal kong nakaharap sa computer may ginagawa lang kaya ayun" Ako



Halata sa mukha niya ang pag aalala

Lumapit pa siya kay Royse na may inis sa mukha. Problema nito?



"Where were you huh? You left her here? Alone? You know her condition for sure!" Bea mahina pero halatang may diin sa sinabi niya ..




Hinawakan ko agad siya.



"Bea.. ahmm ano busy si Royse lastweek kailangan niyang tapusin ang Thesis at ibang Research papers niya nagpaalam naman siya sa amin eh." Ako

Pumagitna ako sa kanila si Bea naiinis habang si Royse ay kalmado lang..




Tumingin siya kay Royse na may init at tumingin sa akin na may pag aalala .. hay nako Abugada pinapakilig mo ako.  Ay Jho! Naku! Wag ngayon baka magkagulo tung dalawa na to.








"From now on Jho pag wala si Royse I'll be the one to help you here sa library okay? No buts Jho and I don't take a No as an answer okay?" Bea


Sasagot na sana ako nang sumingit si Royse.

"From now on din Bea ay hindi ko hahayan si Jho mag isa dito. Kaya wag kana mag abala ako na bahala kay Jho dito sa library" Royse



Susugod na sana si Bea pero pinigilan ko na.



"Guys! Wait! Ano ba hindi sa pag-aaral at trabaho dito sa library sasakit ang ulo ko eh! Sainyong dalawa sasakit ang ulo ko" Ako .


A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now