Chapter 4

127 3 1
                                    

"Good morning Jho" Royse



"Good morning din Royse ako na mag aarrange nito" ngumiti ako sa kanya at inisa isa ko nang ibalik ang mga books sa shelves nila

It's been 2 weeks since nag start ako sa pagiging SA.. so far na eenjoy ko na rin. Alam na din nila Mama at Papa ayaw sana ni Papa kaso I insisted gusto ko din kasi eh tapos hindi naman gaano kahirap kasi tinutulungan naman ako ni Royse. Tapos wala na akong babayaran may allowance pa ako. Tumatambay din si Rae minsan dito kaya kilala na din siya nila Royse at Sir Marquez. Para na din siyang SA dito kasi tumutulong siya minsan.


"Jho pwede ako makisuyo?" Sir Marquez

"Yes po ano po yun Sir?" Ako at lumapit sa table niya

"Pwede bang pakibigay to kay Sir Ivan sa Sports Club kailangan niya to pirmahan eh huwag mo nang antayin siya na bahala dito" Sir Marquez kaya kinuha ko na ang folder at aalis na sana

"Ako nalang Sir mainit sa labas Jho dito ka nalang ako na bahala diyan" Royse ..




Kita ko namang natawa si Sir Marquez ..

"Royse okay lang ano ka ba.. may payong naman ako at tsaka para na din makapunta ako doon hindi pa ako napadpad doon eh" ako

Aangal pa sana siya pero hinayaan niya na rin ako .. nagpadala pa talaga ng bimpo baka daw mapawisan ako .. ang caring naman ng co-SA ko ..



Papasok muna ako ng gym bago ako makapasok sa office ni Sir Ivan..

"Ang tatangkad naman nila" sabi ko sa sarili ko

Nag papractice kasi ang women's volleyball team.

Dumaan ako sa gilid .. at....

Booom!

"Aray!"

Natamaan lang naman ako ng bola mabuti nalang sa braso sinangga ko kasi baka sa ulo ko pa tumama ..

Kaya napatakbo ang isang babae sa akin

"Okay ka lang Miss? De Leon ang lakas ng palo mo!!!"

De Leon?! Siya nanaman? Teka? Player siya?

"What are you doing here ba kasi?!" Galit na sigaw niya ..

"May ibibigay kasi ako kay Sir Ivan napag-utusan lang!" sagot ko naman at inirapan siya ..

Bwesit tung babaeng to.. siya na nga nakatama siya pa galit! Lalayo na ako sa bakulaw na to nadidisgrasya ako lagi..



Tumayo na ako at tiningnan ang babae na lumapit at tumulong sa akin ..

"Okay lang ako salamat huh .. pakisabi diyan sa kasama mo na sobrang galing niya" ako na may pagka sarcastic. Ka bwesit nakakasira ng araw tung babaeng to




Natawa naman siya at tumango nalang

Pumasok na din ako sa office ni Sir Ivan at naibigay ko na din ang folder .. nagtanong pa siya kung bagong SA ba ako..


Dumaan uli ako sa gym at sakto nagpapahinga sila nakaupo sila sa sahig at hinihingal.

Mabilis akong naglakad ayaw kong makita yung bakulaw na abugada na yun baka mapahamak nanaman ako.

Narinig ko namang may tumatakbo sa likod ko



"Miss Psych!" Walang ibang tumatawag sa akin niyan

Mas binilisan ko pa ang lakad ko pero dahil sa ang taas ng biyas niya at tumatakbo pa naabutan pa din ako. Hays!

"Miss Psych!" At hinawakan niya ang braso ko na natamaan kanina

A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now