Masaya na ako na masaya ka. Hindi ko lang kasi akalain na mahahantong tayo sa ganito. Siguro tama nga sila na hindi lahat ng taong nakilala mo at mahal mo ay panghabang buhay kundi may mga taong parang panahon.. seasonal at hindi magtatagal."Hoy! Jhoana tulala ka diyan! Ano ka ba tara na ma lalate tayo"
Hi po! I'm Jhoana Lou Martinez, 26 years old okay naman ako humihinga, lumalaban sa buhay kasi kailangan.. kahit hindi naman ako pinaglaban ng taong mahal ko
. Ay hugot na te!"Ano ba Jho ang bagal bagal mo naman pag talaga tayo malalate sayo ko ipapabawas ang penalty ko" Rae
"Sorry na Rae masama nga pakiramdam ko. Ayaw mo naman ako mag absent oh edi malalate talaga tayo"
Nakapasok na kami sa faculty at guess what? on time lang kami haha ..
Agad agad naman kami nag ayos para makapasok kami sa kanya kanya naming first subject.
Pagkapasok ko sa room ay agad naman silang tumayo
"Good morning Miss Martinez!" Bati ng mga studyante ko
Yes po I am a college instructor dito sa St. John Paul University.
"Who's the assigned reporter today?" Tanong ko
"Kami na miss!" At tumayo silang dalawa
"Ayiiiiieeeeh! Kailan lang?" Sigaw ng mga kaklase nila
Halata namang nagulat yung isa sa nasabi niya ..
"Oo nga kailan lang?" Pakikisabay ko sa trip nila
Namula naman yung isa sa nasabi ng kabuddy niya sa report
"I mean kami po ang assigned reporters today" nahihiyang sabi niya
"Okay proceed" sabi ko
At nahihiya naman silang lumapit sa harapan
Ganyan na ganyan din kami dati eh .. hays
Year 2015
First day of school ..
"Ahm kuya guard saan po ba dito ang Room A34?" Tanong ko sa guard
"Ahh pumunta ka sa building na yan tapos sa 3rd floor Miss sa kanan ka"
"Salamat po!"
Excited ako na kinakabahan
. Nahanap ko na at pumasok na akoKanya kanyang ganap wala naman akong kilala may napapatingin yung iba naman busy sa tawanan at usapan ..
Naupo ako sa pinaka gilid malapit sa pintuan .. mas gusto ko kasi talagang malapit sa pintuan dahil sabi ni Papa pag may emergency daw mas madaling makakalabas.
Halatang magkakilala na yung iba habang ako eto mag isa sa gilid. Transferee kasi ako galing Maynila.
Maya maya lang ay pumasok na isang babae at umupo sa harapan..
"Good morning class!"
Tumayo naman kami at bumati din
"Good morning Miss!"
"Okay so this subject is Philippine History to those who don't know me I am Miss Sanya Sanchez just call me Miss Sanchez or pwede din naman Miss Sanya.. since nagpakilala na ako kayo naman.. let's start here state your name age and your course"
So ayun isa isa nang nagpakilala
May isang babae naman akong napansin sa pinaka gilid din sa kabilang banda para din siyang walang kilala
