Chapter 21

121 7 2
                                    

"Ms. Jhoana?"



"Yes po Ms. Amie?" Ako




"Dahil sa sunod-sunod na pag absent mo as SA aalisin ka na muna namin Ms. Jhoana okay? Para din naman to sa kalusugan mo, pero wag ka mag-alala kasi bibigyan ka pa din namin ng scholarship hanggang makapagtapos ka you're a good and reliable student assistant it's just that kailangan mo din alagaan ang health mo Jho okay? If gusto mo pa din naman tumulong sa library wala namang problema basta unahin mo ang sarili mo okay?"

"Pasensya na po talaga Miss gagalingan ko pa din po para di masayang ang scholarship. Salamat na din po sa konsidirasyon" Ako

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na din ako

"Kamusta Jho?" Rae

"Are you okay?" Bea

Hinintay pala nila ako

"Ayun, tanggal sa pagiging SA pero okay lang binigyan pa din naman nila ako ng scholarship hanggang makatapos ako, sayang lang talaga pero pwede pa din naman daw ako tumulong sa library hindi lang talaga pwede mapagod at ma stress" Ako

Lumapit si Rae at hinawakan ang kamay ko

"Okay lang yan bes ang importante you can rest everytime may vacant tayo" nakangiting sabi ni Rae

"Yes Psych.. and diba kakalabas mo lang ng hospital? Pahinga ka muna." Bea

Opo I was rushed again for the nth time pagkatapos ng kaguluhan sa bahay nahimatay ako ng tumawag si Bea. Pagkagising ko si Bea, Rae at Mama ang kasama ko. Sabi ni Rae sumagot daw ako sa tawag ni Bea tapos narinig niya lang daw ako nagsabi ng "tulong" at nagmadali daw si Bea na pumunta sa bahay sinabi daw niya kina Mama kaya ayun nakita ako nila Mama na nakadapa sa sahig ...

"Alam niyo pang ilang balik ko na sa hospital pero ang sabi lang sakin ay dahil hirap akong etolerate ang stress sa katawan ko kaya hilohin ako. Hindi ba nakaka alarma na pag nasestress ako palagi akong nahohospital?" Tanong ko medyo nagulat naman si Rae sa tanong ko.

"Oo nga.. pero you know Psych there some people na low tolerance sa stress may iba nga dumudugo ang ilong kaya nga you have to take care and please umiwas ka muna sa mga situation that it'll lead you to stress" Bea

"Aah.. ahmm ... O... Oo nga Jho baka ganon lang din yun. You naman kasi alam mo naman na sakitin ka pumapatol pa dun sa kapatid mong matigas ang ulo" Rae

Napaisip naman ko.. baka nga talaga pero wala naman kasi to nung nasa Manila pa kami.






Pagkauwi ko sa bahay ay andun si Jeya at may kasamang lalaki hindi man lang tumingin si Jeya sa kung saan ako hays..





Dumeretso ako sa kusina at hinanap si Mama




"Oh? Anak kamusta?" Mama

"Okay lang naman ma pero hays tanggal ako sa pagiging S.A ma nakakalungkot nga eh.. sabi kasi ni Miss Amie baka maka epekto pa sa health ko if nagpatuloy ako .. pero may scholarship pa din naman ako Ma need ko lang po mag maintain ng grades hanggang sa makapagtapos ako" Ako

"Hahays.. sabi naman kasi sayo anak umiwas ka sa stress alam mo naman na bawal sayo diba?" Mama at hinawi ang buhok ko

Hinawakan ko ang mukha ni Mama

"Parang ikaw ang mas kailangang umiwas sa stress Ma. Alam ko pong nahihirapan ka Ma please wag niyo na pong tiisin" Ako

Naiiyak si Mama pero ngumiti pa din sya sa akin

"Maiintindihan mo din pag naging magulang ka Jho" nakangiting sabi ni Mama


"Maaaaaa! May pagkain na ba? Gutom na si Anton!!!" Sigaw ng magaling kong kapatid ..

A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now