"Ibibili ko to dahil gusto ko to para sayo"
Sh*t! Bakit hindi mawala sa isip ko yun! ..
"Ganyan na pala magbasa ng libro ngayon?"
Nagulat ako sa nagsalita. Sobrang titig ko kasi sa book na binili ni abugada kanina
"Oh? Jana" ako at umayos ng upo
."Dito ka lang Jho? Acquaintance party magbabasa ka ng libro? Ang ingay ingay na nga oh" natatawang sabi ni Jana
"Naku hindi! Hinihintay ko lang si Rae wala kasi siya dito pagbalik ko eh" Ako
"Nandun si Rachel kausap mga friends niya sa engineering department" Jana at may tinuro sa katabi ng booth ng BS PolSci ..
"Ahh okay .. salamat Jana aalis ka na?" Ako
"Pupunta ako sa mga friends ko tapos na din naman ang presentation of booths mag eenjoy na ako hehe.. ikaw ba dito ka lang?" Jana habang nag aayos ng mga gamit niya
"Oo pahinga muna ako masakit paa ko eh. Hihintayin ko nalang din si Rae dito" Ako
"Naku! Sayang ganda mo Jho kung hindi mo erarampa" Jana
"Ewan ko sayo Jana sige na bye!" Ako
Umalis na din siya habang natatawa ..
Patingin tingin lang ako sa paligid nang maisipan kong mag check mg socials. Well hindi naman ako ma IG.. facebook lang tamang scroll..
"So this is how you party huh?"
"Uy? Bakit ka nandito?" Ako
bakit napadpad nanaman tong abugada na to dito .
Take note! Hindi pa kami friends . Nagfefeeling close naman to.
"Can I?" Bea at tinuro ang upuan sa tabi ko hindi naman masyadong malapit sakto lang na naaamoy ko ang pabango niya kanina pa yan ang sosyal kasi ng amoy niya halatang mayaman ..
Tumango lang ako at naupo naman siya agad .
"Bakit ka napadpad dito?" Ako
"Sumasayaw na silang lahat eh wala akong kausap sa booth sakto I saw you mag isa kaya I came here nalang" Bea
Tumataas na talaga sentence nito.
"Ahh .. eh.. bakit hindi ka nalang din sumali sa kanila?" Ako at tumingin saglit sa kanya at humarap uli sa mga nagsasayaw ..
"Eh bakit ikaw hindi ka din sumali sa kanila your friend is there din sumasayaw" sabi niya ate tinuro si Rae na kasama ang mga kaibigan niya sa ibang department
"Wala lang. Hindi ako sanay" ako
"Same.. so can I ask you something?" Bea
napatingin naman ako sa kanya at siya nakatingin lang sa book na hawak ko ..
"Ahm.. a..an..ano yun?" Ako
nauutal ako sa titig niya sa hawak ko
"Why do you like that book?" Bea
Umayos siya ng upo at humarap sa akin .. para naman akong na statwa sa titig niya.. sh*t! Jhoana Lou umayos ka!