Midterm?
Tapos naaaaaaaaaa
"Oh Jho? Kamusta ulo natin?" Rae habang nakasandal sa balikat ko
Same kami drain sobraaaaaaang drain dahil sa sobrang hirap ng mga exams namin ..
"Naiiyak ako Rae baka ito na ang katapusan ng scholarship ko" sagot ko at sumandal din sa ulo niya
"Hahays!" Sabay naming sabi .
"Oh? Tawagan mo na prince charming mo alam ko naman na siya lang magpapa okay sayo" Ako
"Luh? Anong prince charming? issue ka din eh" Rae at umupo ng maayos
"Sus! Okay lang yan Rae sige na tawagan mo na" Ako at siniko pa siya dahil parang kinilig na tong bestfriend ko eh haha
"Ikaw din! Tawagan mo din yung abugada mo nang ma comfort ka din niya. Oh baka gusto ako na tumawag ?" Siya at nag akto talaga na tatawagan niya ..
Pinigilan ko siya at parang sumakit ang tiyan ko na ewan nang marinig ko pangalan niya ..
"Teka nga Jho? What's wrong?" Rae
What's wrong nga ba Jho? Tsk
"Wala naman napagod lang talaga ako sa exam.. ahm tara Rae sleepover ako sa inyo pero punta muna tayo sa bahay" Ako at hinila siya patayo ..
Habang naglalakad kami palabas ay sa di inaasahan, kung kailan umiiwas ako ay sadya talagang mapaglaro ang tandahan ... Ay ang drama!!
"Hey! Jho and Rae wait!"
Nagpatuloy akong maglakad pero itong si Rae hindi talaga makaramdam eh!
"Si Bea! Hi Bea ... Ano ka ba Jho.. Hoy!" Tawag niya sa akin dahil nga nagpatuloy pa din akong maglakad ..
Narinig kong may humahabol sa akin ..
"Jhoana sandali nga?" Rae at hinawakan ako
Nakita ko naman si Bea na nakasunod sa kanya ..
"What's wrong Jho? May masakit ba sa'yo?" Bea
"Wala naman.. ahm.." di ko natapos ang sasabihin ko nang may impaktang ay este may babaeng tumawag kay Bea
"Bei!! Saan ka??"
"Uy Kate? Ah nakita ko lang sila Jho" Sagot ni Bea
"Okay.. ah Bei can you help me with this.. para makahabol ako sa ibang subjects natin" Yung Kate
Tsk ..
"Ahh.. ano sure wait Jho where...." Hindi ko na pinatapos si Bea
"Tara na Rae natatae na ako" sabi ko at hinila si Rae
Nakita ko namang natawa yung Kate na yun sa sinabi ko .. arte! Para namang hindi tumatae ah.. tss!
Pumasok na kami sa kotse ni Rae .. ako magda drive siyempre ako nagyaya eh ..
"Natatae ka nga no? Ok natatae ka" Rae na may halong pagka sarcastic ..
"Natatae nga ako sumakit tyan ko dun sa carbonara kanina" Ako at humawak sa tyan ko .. para maniwala siya
