"Yes po!"
Nagpabaling baling ang tingin namin sa kanilang dalawa
"Hmmm! Sige may the best manliligaw wins" nakangiting nakakaloko si Papa.
"Ms. Martinez? Mind to share your thoughts?" Ms. Fajardo
Napabalik naman ako sa wisyo .. at lahat sila nakatingin sa akin na parang naghihintay sa kung ano man ang sabihin ko
"Are you with us Ms. Martinez? Are you okay?" Dagdag pa ni Miss
"Ahh.. ahm okay lang po ako Miss nagugutom lang po" pagsisinungaling ko
Sana makalusot ka girl. Tulaley kasi!
Natapos na ang class namin sa Psych 208.
"Okay ka lang ba talaga Jho?" Rae
"Oo naman gutom lang talaga" sagot ko
Pagkalabas namin ng room laking gulat ko sa taong nakatayo sa labas
"Abugada?" Tawag ko sa kanya naka sandal lang kasi siya sa railing habang may hawak na makakapal na libro.
"Let's go gutom na ako Jho" Bea at kinuha ang bag ko at sinabit sa balikat niya
"Hoy! Ako na kaya ko naman dalhin yan" Ako
Seryoso ba tong babaeng to?
"I insist dali na Jho gutom na talaga ako" Bea at kinaladkad ako
"Ehem! Ehem! Kasama ba ako diyan De leon?" Rae
"Yeah! Let's go" Rae
Habang kaladkad niya ako ay nakasalubong namin si Royse.
"Saan kayo?" Tanong niya kaya napahinto kami
Kita ko naman ang pag irap ng abugada na to.
"Eat" simpleng sagot niya at kinaladkad uli ako
Nakasunod sila at sa wakas nasa cafeteria na kami
"Stay there, I'll buy our food what do you guys like?" Bea
"Diba Jho sabi mo kanina you want to eat chicken in white sauce and mango float?" Rae
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
"Hoy! Wag kang imbento Rachel Palma.. kahit ano naman Bea okay lang sa akin" nahihiyang sabi ko letse talaga tong si Rae!
"Sige ako na bahala just wait here" Bea
"Samahan na kita Bei hindi mo kaya yan" Royse
Aangal pa sana si Bea pero siguro narealize niya na tama si Royse hindi niya kayang mag isa ang oorderen niya
Pagka alis ng dalawa ay kinurot ko agad si Rae pero mahina lang naman
"Ang imbento mo alam mo yun?!" Gigil na sabi ko
Tawang tawa naman tung isa bakit ko ba to naging bestfriend?
.
"Ganda naman ng bff ko pinag aagawan ng dalawa sa mga poganda sa school" Rae
![](https://img.wattpad.com/cover/364363936-288-k613005.jpg)