"Abugada galit ka ba? Hoooooy! Sorry na kasi!" Ako
"I'm not I'll go na I have practice pa" Bea tapos umalis na
Napaupo nalang ako dito sa bench. Hays ang tampuhin naman non napakalaking tao matampuhin hmp!
"Jhoana Lou!"
"Bakit Rachel?!"
"Ay? Bakit ang init naman ata ng ulo mo bes? Ito oh ice cream" Rae sabay abot ng cornetto na ice cream
"Salamat Rae. Eh! Kasi naman yung abugada na yun nag sosorry na nga galit pa din" Ako habang kinakain na ang ice cream
"Hahahah ang cute niyo dalawa" Rae
Kaya siguro talaga bestfriend ko to.
"Anong cute ka diyan! Ang laking tao niya apaka tampuhin naman" Ako
"Eh kasi naman Jho kahit ako naman diba nga nauna mo siyang pangakuan then eventually hindi mo tinuloy because you took care other people tapos the worst thing is kasama pa siya! Ang harsh mo sa kanya alam mo yun?" Rae
Flashback
"Royse sino kasama mo dito sa bahay niyo bakit parang wala namang tao?" Ako nang inalalayan ko si Royse makahiga sa couch nila
"Nasa Maynila sila Mama baka bukas pa uuwi" nanghihina na sabi ni Royse
"Bea hindi natin siya pwede iwan dito baka mapano siya walang mag aalaga" Ako
Umirap naman si Bea at naglakad papunta kung saan
"Hoy! Saan ka pupunta?" Ako
Hindi man lang lumingon?
"Jho? Okay na ako dito magpapahinga na lang ako pwede niyo na ako iwan may pagkain naman ako sa ref" nakapikit na sabi niya pero nanginginig siya pero sobrang init naman niya
"Hindi pwede Royse baka mapano ka mag isa ka lang no? Asan na ba yung si Bea" Ako habang palinga linga kung saan siya naglakad kanina
"Baka nasa kusina Jho familiar naman siya dito" sagot ni Royse
Familiar siya sa bahay ni Royse?
Maya-maya lang ay bumalik na si Bea may dalang timba ng tubig at tray na may baso ng tubig at gamot.
"Royse inomin mo to. I'll cook soup so you'll get better" Bea tapos inilagay ang tray sa center table
"Jho wipe her with this towel na may ice cold water para bumaba ang temperature niya. Magluluto muna ako" Bea tapos inabot ang timba na may tubig at towel
Bago pa man siya tumalikod ay hinawakan ko ang braso niya
"Salamat abugada" Ako at nakangiti
Tumango lang siya at naglakad na papuntang kusina
Pinaupo ko muna si Royse para makainom ng gamot nang tapos na siya ay pinunasan ko naman ang mukha at braso niya ..
"Naku! Royse basa ka ng pawis saan ba kwarto mo kukuha kita ng damit?" Ako
Bigla namang sumulpot si Bea
