Chapter 11

95 6 2
                                    



"Ate?"


Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Jeya na nakadungaw. Ako naman nasa study table ko pinag aaralan ko ang report namin ni Bea kasi sa makalawa na kasi to.



"Oh? Jeya halika" ako




"Busy ka ba? Mamaya na lang" Jeya aalis na sana siya ng pigilan ko



"Hindi naman nag rereview lang ako sa report namin ni Bea may kailangan ka ba?" Ako



"Ahmm. Ano ate pwede bang ikaw ang pagpraktisan ko sa bagong hairstyle at make up na nakita ko sa youtube?" Jeya na parang nahihiya pa .




Masaya naman ako kasi first niya akong ayain sa ganito alam niya kasing hindi talaga ako mahilig sa make up.



"Oo naman, saan ba ako pupwesto dito?" Ako at tinuro ang higaan ko



"Diyan nalang ate may salamin ka naman diyan" Jeya



Tumango naman ako at nagsimula na siyang mag ayos ng mga gamit niya. Uunahin daw muna niya ang make up ko. Tahimik lang siya pero nang may nilalagay siya sa mata ko bigla siyang nagsalita




"Ate okay ka lang?" Jeya



Akala ko naman tungkol sa make up

"Oo naman ngayon mo lang ako aayusan eh" ako




"Ahh okay.." Jeya


"Ikaw ba? Kamusta pag aaral mo? Wala ka pa atang dinala na mga kaibigan dito sa bahay" Ako




Ngunit tahimik pa din siya ...

"Ay sorry baka mawala ka sa concentration mo" Ako




Hindi rin nagtagal ay sumagot siya



"Okay lang naman ako sa school. May mga kaibigan naman ako wala lang talaga akong sobrang close di tulad ng sainyo ni Ate Rae" Jeya




At natapos na din ang make up sa buhok naman daw siya



"Ahh, hindi ka ba nahihirapan mag adjust sa school mo?" Ako


"Hindi naman" Jeya




Maya maya lang ay natapos na din niya .



"Ang ganda mo ate" Jeya


Para naman akong maiiyak ngayon ko lang narinig yan sa kanya simula nang lumipat kami dito hindi na kasi kami masyadong nag uusap o nag bobonding.



"Magaling ka kasi. Alam mo pag nakita to ni Rae hahanga yun sayo" Ako




Tumango naman siya at nagsimula nang mag ayos ng mga gamit niya dahil tapos na rin naman

Habang busy akong nag picture sa sarili ko kasi ipapakita ko kay Rae matutuwa kasi yun.



"Sniff! Sniff!"


Napalingon ako kay Jeya nang marinig kong humihikbi siya.




"Jeya? Uy? Bakit ka umiiyak?" Ako


Nilapitan ko kaagad siya at niyakap. Yumakap din siya sa akin nang sobrang higpit




"Sorry ..sniff! Sorry... sniff! ate" Jeya




"Bakit ka naman nagsosorry eh maganda nga ang gawa mo oh" Ako



Hindi ko kasi maintindihan bakit. Iyak lang siya ng iyak. Pinahiga ko siya sa higaan nang kumalma siya pero nakayakap pa din sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya na parang mawawala ako.



A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now