Chapter 20

141 7 2
                                    

"Dami naman nito anak, inubos mo naman ata allowance mo dito?" Papa




Inaayos ko na ang mesa habang yung isa naliligo




"Naku! Pa hindi si Lou ang gumastos diyan si Bea maaga yan si Bea namalengke at dumating dito ang daming dala" Mama tinutulungan din ako sa pag aayos

"Hmmm.. malayo layo pa ang tatahakin ng manliligaw mo anak kulang pa hehe" natatawang sabi ni Papa

"Papa talaga baka nag bibiro lang po sila Pa napressure ata sa tanong mo.." Ako

"Parang hindi naman, anak magulang kami at dumaan na din kami diyan kaya alam namin kung nagbibiro o hindi nararamdaman na namin simula pa lang at wala namang problema kahit babae o lalaki basta lang matino at aalagaan ka ng maayos" Papa at hinaplos ang pisngi ko

Naiiyak naman ako sa sinabi ng Papa . Swerte ko sa mga magulang ko. Ewan ko ba kay Jeya bakit nagagawa niyang pahirapan sila Mama hays.

"Tama na nga yan Pa naiiyak naman ako, nga pala anak pupuntahan namin si Jeya mamaya dadalhan namin siya ng pagkain" Mama lumungkot nanaman ang mukha nila ni Papa

"Sige po Mama pakumusta naman po ako Ma namimiss ko na siya dito sa bahay" Ako

Maya-maya lang ay bumaba na si Bea bagong ligo, naka t-shirt ng white at nakashort lang. Simple lang pero mayaman pa din tingnan


"Anak matunaw" bulong ni Mama



Kaya napabalikwas ako at pumasok sa kusina kunwari may kukunin .. si Mama naman eeeeeehhhhhh!




"Halika na Lou!!! Wala ka nang kukunin diyan nandito na lahat" rinig kong sigaw ni Papa




Aaaarrrrrrgghhh! Napaka talaga nila Mama





"Naghuhugas lang naman ng kamay Pa" Ako pagkaupo sa tabi ni Bea





"Sige na kain na" Mama


Si Bea naglalagay ng kanin at ulam sa akin at si Mama naman ang nagbibigay ng tubig isa-isa sa amin ..

"Nga pala Bea bago ko lang nalaman na Tatay mo pala ang may ari ng kumpanyang pinagtatrabahoan ko" panimula ni Papa


Nagulat naman ako sa sinabi ni Papa


"Talaga po ba? Minsanan nalang po kasi kami nagkikita ni Daddy kasi panay out of town or out of the country po sila ni Mommy" Bea

Napatingin ako kay Bea. Mayaman nga sila wala siyang poproblemahin sa kahit na ano pero nakikita ko sa kanyang malungkot pa din siya .



"Okay lang yan anak para din naman yan sainyo ang ginagawa ng mga magulang niyo" Mama at hinawakan ang kamay ni Bea



"Oo naman po Tita minsan nakakatampo but I'll always think na mas nalulungkot silang iniiwan kami sa bahay" Bea



Tumingin siya sa akin kaya nginitian ko nalang ..


Natapos na kaming kumain at tumambay muna sa may mini garden ni Mama.



"Nga pala Psych? Kilala mo pala yung team captain ng St. Benedict?" Bea


Nagulat naman ako sa tanong niya ..


"Bakit mo natanong yan?" Ako


"Nakita kasi kitang nakatitig sa kanya at pagkatapos ng laro bago kayo pumunta sa akin nagpapicture ka pa sa kanya" Bea



A Twist In My StoryWhere stories live. Discover now