Disclaimer: The last part of this chapter may be sensitive to some readers .. you can skip that part and wait for the next chapter.. thank you.
"Happy Birthday Det Hi Elmer sorry ito lang talaga kaya naming ibigay pasensya na huh" Mama
Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.. ay ang daming pagkain parang isang barangay inimbitahan ni Tita Det ..
"Naku! Thank you for this cassava cake Lovel .. ano ka ba this is yummy no!"
"Happy Birthday Tita" Ako at nag beso kay Tita
At nag beso din ako kay Tito Elmer ..
Dios ko po parang magkapatid lang si Bea at mommy niya sobrang ganda ni Tita kahit ang simple lang ng suot niya elegante pa din ..
"Bea anak the Martinez are here join us" Tito
Kaya napatingin kami sa kung saan si Bea may saklay siya at paika ikang bumaba
Lumapit siya kina Mama at Papa para mag mano .. tapos humalik din siya sa mga magulang nya ..
"Kamusta ka na Bea?" Papa
"Okay na po recovering pa din po ang tuhod ko but all is well" Bea
"Oh! the Garcia's are here" Tita
"Hi Tita and Tito ! Hi Bea!"
Alam na kung sino ..
Nag usap muna sila pakilala and all .. parang nawalan na ako ng gana ang sakit sa mata nitong dalawa ..
"Com'on! Let's eat" Tita
Umupo na kami katabi ko si Papa at katabi ni Papa si Mama . Sa kabilang side ko naman ay ang kapatid ni Kate.
Mabuti pa tung kapatid ni Kate parang ang ayos kausap .. itong si Kate parang naka energy drink palagi ..
"So you're taking Psychology huh?" Kian
"Oo ikaw ba?" Tanong ko naman
"I graduated last year, took up Business Management you know na need to handle family's businesses" Kian
Tumango tango naman ako ..
Habang nag uusap kami ni Kian ay nagulat ako ng may pumatid sa paa ko sa ilalim
"Aray!!"
"Ouch!!"
Sabay na sigaw namin ng kumag na abugada na to ...
"You guys are okay?" Tito Elmer
"Opo Dad I stretched my legs I accidentally kicked Jhoana.. sorry" sabi niya
Accidentally? Halata namang sinadya niya .. tsk ..
"You okay Jho?" Kian
"Oo okay lang Kian" Ako ..
Tiningnan ko ng masama si Bea at siya pa talaga tung galit no? .. well yung facial expression niya palagi namang parang galit ..
Natapos na kaming kumain nasa garden kami nila Bea nagsimula na ding magbukas ng mga regalo si Tita Det ..
Hindi ko akalain na may humor din pala tung si Kian hindi halata sa seryoso niyang aura .. yung dalawa ayun panay harutan sa swing .. pag itong kumag na abugadang to matamaan ang tuhon tatawanan ko talaga ang harot din eh ..
"Jho? Are you even listening?"
Napabalik ang atensyon ko dito sa kausap ko ..