CHAPTER 2

502 12 2
                                    

Felicia

"FELICIA!" Nangamba ako ng marinig ko ang sigaw ni mama sa ibaba. Nagmadali akong bumaba at baka paginitan na naman niya ako. Naabotan ko siya sa sala na naka upo habang tinitignan lahat ng dala dala niyang paper bag na alam kong mga luho niya ang laman.

"Ma." Aniya ko upang makuha ko ang attention niya.

"Gutom nako, asan na ang pagkain ko?" Aniya kaya nagmadali naman akong pumunta sa kusina at kinuha lahat ng niluto ko kanina. Hindi pako kumakain dahil yun ang rules sa bahay na ito, huwag akong kakain hanggat hindi pa sila ni papa kumakain.

Parang hindi nila ako anak diba? Hahaha.

Agad naman siyang kumain. Nakatayo lang ako sa may gilid niya para hintayin kong ano pang iuutos niya. Hindi ako kasambahay kundi anak nila ako pero kung ituring ako ay parang kasambahay.

Pagkatapos niyang kumain ay niligpit ko na. Pagkatapos kong iligpit ay nagsimula naman akong hugasan lahat ng ginamit niyang utensils habang nag huhugas ako ay nakarinig naman ako ng ugong ng sasakyan na alam kong si papa yun.

Pagkatapos kong maghugas at maglinis ng kusina ay lalabas na sana ako ng kusina ng hindi ko sinasadyang napukaw ng attention ko ang pinag uusapan nila.

"Kailan mo ba balak palayasin ang anak mong yan, Alejandro?" Rinig kong sabi ni mama. Ako ba ang pinaguusapan nila?

"Pwede ba, Emelia, tumahimik ka. Maghintay ka hindi ko pa nakukuha ang mga pamana sa kaniya ng kaniyang lolo. Makikinabag ka naman kaya magtiis ka, huwag kang atat." Diing sagot ni papa kaya lalo akong nagka interest sa pinag uusapan nila.

Ako ba ang pinaguusapan nila? Wala namang ibang anak si papa.

"16 years old na yang anak mo pero hanggang ngayon ay wala paring nangyayare. Ilang taon akong nagtiis alejandro para lang pakisamahan yang anak mo sa labas." Galit na sabi ni mama.

Nangunot ang noo ko sa narinig. Teka anak sa labas? Nagtiis si mama sa anak sa labas ni papa pero dito naman siya tumitira at umuuwi?

"Alam ko emelia alam ko. Wag kang atat dahil isang taon na lang ay makukuha na natin ang dapat na makuha." Makahulugang sabi ni papa. Ano ba ang pinaguusapan nila? Hindi ko sila maintindihan.

"Bawat araw nasusuka ako sa pagmumukha ni Felicia. Nangangalait ako sa tuwing tinatawag niya akong mama kahit na hindi ko naman siya anak!!" Halos tumigil ang mundo ko sa mga narinig.

Ako? Hindi ko anak ni mama? Pero bakit? Pano? Hindi maaari.

"Anong ibig niyong sabihin?" Hindi ko na napigilan ang hindi sumabat. Gulat naman silang napatingin sakin. Sinamaan ako ng tingin ni mama kaya nakaramdam ako ng takot.

"Pinapakinggan mo ba ang pinaguusapan namin Felicia Addison!?" Maoturidad na sigaw ni mama, nanginig ako sa takot pero nanaig ang pagnanais kong maliwanagan at malaman ang totoo.

"T-tama po ba ang mga narinig ko?" Kahit na natatakot ay nagawa ko parin silang tanungin.

"Bwesit ka talagang babae ka! Oo totoo lahat ng narinig mo hindi kita anak!" Madiing sigaw niya. Nagunahang nagbagsakan ang mga luha ko sa mata.

"P-papa." Tumingin ako kay papa gaya ng inaasahan ko blangko siyang nakatingin sakin at wala man lang bahid ng pagmamahal o kung ano man. "Hindi kita anak! At kahit kailangan hinding hindi kita magiging anak dahil anak ka sa labas ni Alejandro! Ayaw kitang maging anak!" Muling sigaw ni mama kaya napatingin uli ako sa kaniya.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon