Third Person
NAKATAYO ang tatlo sa isang kwarto kung saan andon lahat ng malalapit sa pamilya nila. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng party dahil may mga armadong lalaki ang nagpaulan ng bala sa mismong pamamahay ng mga Santillian.
Kagagawan yun ng kamatinding kalaban ng pamilya nila. Ngayon na lang ulit ito nagparamdam pagkaraan ng limang taon. Ngayon ay bigla bigla na lang silang sumusugod at mamamaril sa mismong mansion pa.
Nanonood lang ang tatlo na kausapin ang babaeng bumihag sa Quadruplets nilang kapatid, Her name is Amara, maganda naman ang dalaga pero sa paningin nilang tatlo ay mas maganda parin ang dalagang nasa hospital ngayon.
Gustong gusto na nilang bumalik at matitigan uli ang dalaga pero hindi pa pwede dahil kailangan pa sila rito sa mansion. Sabik na sabik na silang mahawakan ang dalaga pero kailangan muna nilang magtiis. Sinisigurado nila pag balik nila ay hindi hindi nila iiwan ang dalaga ng isang araw.
Dumating rin ang Tito Raizel nila na siyang doctor din ng dalagang ninanais nila. Agad itong dumating at ginamot si Amara sa may balikat dahil may daplis ito ng bala. Saglit pang nakipag kwentohan ang doctor bago napagpasiyahan na bumalik dahil may naiwan itong operation.
Napagpasiyahan na rin ng tatlo na sumabay na sa tito nila kaya nagpaalam na sila sa kanilang lahat at sabay sabay silang apat na lumisan sa mansion. Nakisakay ang kanilang tito sa kotse nila para daw mas mabilis siyang makarating sa hospital.
Pagkarating nila sa hospital ay nagtaka sila ng mapansin nilang balisa ang mga nurse at doctor pati na rin ang mga gwardiya. "Nurse Ann, what happened?" Tanong ni Doc Raizel sa isang nurse malapit sa kanila.
Kitang kita sa mukha ng nurse ang pagkabalisa at lalo pa itong lumala ng makita niya ang triplet's pati na ang nagmamayari ng hospital na ito. "K-kase po doc.." napakunot noo sila dahil sa kinikilos ng nurse.
"K-kase po yung pasyente sa vip room na room number 267 ay nagising na pero nawawala po siya, doc." Maluha luha sabi ng nurse dahil alam nila kong sino ang pasyente yun sa tatlong santillian na nasa harap niya.
Gulat na gulat naman silang apat lalo na ang triplet's. "What the fuck? Pano siya nawawala?" Galit na bulyaw ni Lexus, masaya silang malaman na gising na ito pero nawawala naman. Agad na nagpunta ang tatlo sa kwarto ng dalaga at sumunod naman si Doc Raizel pati na si Nurse Ann.
Marahas nilang binuksan ang pinto at napamura na lang ng makita wala na ang dalagang nakahiga sa malaking kama. Napatiim baga pa sila ng makita ang dextrose na may bahid pa ng dugo ang karayom rito pati na ang bed sheets at sahig may dugo rin.
"Putangina! Pano siya nawawala? Samantalang may nagbabantay naman na Nurse!" Galit na sigaw ni Lexus, si Lexus ang tipo ng taong mabilis magalit at mawalan ng pasensya.
"S-sorry po sir. Ang sabi ng nagbabantay na Nurse ay nagcr lang daw ito sandali pero pagbalik niya ay nawawala na ang pasyente. Tinignan na namin ang cctv at nakita namin siyang lumabas ng hospital." Aniya ni Nurse Ann at yumuko, muntik ng mapatay ni Lexus ang nurse kong hindi lang siya pinigilan ni Levin.
"Let's go, let's look for her outside, maybe she hasn't gone far yet." Kalmadong sabi ni Levin pero nababakasan ng lamig ang bawat salitang binibigkas niya, kaya umalis na sila sa hospital para hanapin ang dalaga. Natatakot silang baka kung anong mangyare sa dalaga, baka may makasalubong siyang masamang tao.
Alam rin nilang nanghihina pa ang dalaga dahil sa tagal nitong pagkakatulog. Mag isa pa naman itong lumabas ng hospital. Ano ba naman kaseng naisip ng dalaga at bakit pa siya lumabas?
"Damn, we're are you baby." Mahinang anas ni Levin, dahan dahan lang siyang nagmamaniho at sinuri nilang tatlo ang bawat nadaanan nila baka andon ang dalaga pero bigo sila wala silang makitang dalaha ni ano man nito.
BINABASA MO ANG
Can't Get Away From Them | ✓
Ngẫu nhiênMeet Felicia Addison, a girl of the darkness. She lived full of fear of other people. She grew up afraid of other people, especially her parents. All she thinks about is living so that her parents will hurt her. But one day she found that truth so s...