CHAPTER 16

281 9 2
                                    

Felicia

PUMASOK ang sinasakyan naming van sa isang malaking gate. Ito din ang gate na inakyan ko noon para umalis rito. Bahay pala ito ng mga magulang nila ang lawak ng lupain. Sa kanila ba talaga ang lumapang to? Para itong syudad sa lawak. Subrang yaman pala talaga nila.

Katabi ko sina Levin habang sila Owen naman at sa may likuran namin. Si kuya Asher ang nagmamaneho ng van. Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok ulit kami sa isang gate at bumungad ang malawak na harden. Nang makapark ang van ay agad rin kaming bumaba. Naunang bumaba si Lexus sunod ako inalalayan naman ako ni Lexus habang si Lewis naman ay sa likuran ko.

Parang nasasanay na ako sa pag aalaga nila sakin. Nang makababa kaming lahat ay hinawakan ni Lexus ang bewang ko habang si Lewis naman ay sa kamay naglakad na kami papunta sa bukana ng malaking bahay o mansion.

Isang besis na akong nakapunta rito. Nang makapasok kami ay hindi ko alam kung ano ang bubungad damin. Dahil nga asa likuran kami at asa harap sila kuya Lincoln ay hindi ko makita kong ano ang meron sa harapan. Ang tatangkad ba naman kase nila hanggang kili kili lang nila akong lahat.

"Hey! Boys! Ang tagal niyo naman." Rinig kong sabi ng isang boses babae. Napatingin ako kay Lexus at nakita ko itong nakatingin sakin. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

"Yes, mom. Natagalan lang kami dahil may importante kaming ginawa." Sagot ni Kuya Leo.

"Triplets! Where's Felicia?! Ang sabi ni Zib ay hinarangan niyo ang sasakyan nila kanina!" Napakagat ako ng labi ng marinig ko ang sigaw ng isang babae. Binanggit niya rin ang pangalan ko? Siya naba ang mommy nila Levin?

"Yes mom. She never say to us first." Inis na sagot ni Lewis. "Tsk! Where is she? I want to see her and meet her?" Tama nga ako mommy nila. Lumingon naman sila Kuya Lincoln sakin pero tipid na ngiti lng ang binigay ko.

Napakurap kurap ako ng tatlong besis ng bigla na lang silang gumilid kaya bumungad sakin ang madaming tao. Napaatras ako dahil sa dami nila. May nakikita rin akong kaedad ko lang na nakatingin sakin. Lahat sila nakatingin sakin.

"Omg! Is that you Felicia?!" Muli akong napaatras pero pinigilan ako nila Lexus. "Mom, easy. You know her condition, right?" Malamig na sabi ni Levin sa likuran namin.

"Yes! I'm sorry iha. Natuwa lang ako ng makita na kitang gising. Mas lalo kang gumanda nong huli kitang nakita sa hospital." Nakangiting sabi ng isang ginang na magulang nina Levin. "Is that her? She's pretty, ha?" Sabi naman ng isang pang ginang.

"Naks! Ganda ng nangiti natin, kuyang triplets." Nakangising sabi naman nong isang lalaki na mukhang kaedad ko lang. "Siya naba yung sinasabi niyo, kuya Levin?" Tanong naman ng isang babae habang may katabi itong apat na lalaking magkakamukha. Kamukha rin nila Levin. Ito ba ang pamilya nila Levin? Ang dami nilang lahat.

"She is." Rinig ko naman na sabi ni Lewis.

•••••

NAKASAKAY na ako ngayon sa isang kotse kasama ko ang triplet's. Hindi na kase kasiya yung van kaya naman dito na lang raw kami sumakay. Pagkatapos nilang magpakilala sakin ay umalis na kami agad dahil late na raw ang dapat na oras na alis namin.

Kaibigan pala ni Tita Zarina ang mga kaedad na kasama namin habang si tito lucifer at dalawang kambal niya ay naman ay kaibigan nito ang mga asawa ng kaibigan ni tita Zarina. Isang taon lang pala ang agwat sa edad nila Amara.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon