CHAPTER 7

348 15 1
                                    

Felicia

MAG isa ko ulit rito sa kwarto dahil umalis na naman ang tatlo. Pero ang sabi nila ay babalik rin sila agad. Kanina pa ako na boboring rito sa kwarto hindi naman ako pwedeng lumabas dahil yun ang bilin nila sakin.

Wag na wag akong lalabas ng kwarto hanggang sa hindi pa sila bumabalik. May inutusan rin silang mga lalaki na mag bantay sa harap ng pintuan. Kaya hindi rin ako basta basta makaalis. Tsaka ayoko na ring umalis ng walang paalam. Na giguilty ako baka mag alala na naman sila sakin gaya kahapon.

Nabalik na naman ako sa realidad ng makarinig ako ng nagsisigaw sa labas. Dahan dahan akong bumaba ng kama at lumapit sa pinto. Binuksan ko ng kaunti ang pinto.

Bigla naman akong nanginig ng makita ko kung sino ang nasa harapan ng kwartong ito. Napaatras din ako ng makita kong papalapit ito sa pinto. Nakita ko rin na nakahandusay na sa sahig yung mga lalaking nagbabantay sa labas.

Napapitlang ako ng bumukas ng malakas yung pinto at bumungad sakin ang lalaking hindi ko na ninais pang makita. "Felicia." Banggit niya sa pangalan ko, nakaramdam ako ng takot ng makita kong andami niyang kasamang nga lalaki puro sila nakaitim.

"Gising kana pala. Ilang taon rin kitang hindi nakita, kaya ngayon ay i-uuwi na kita." Nakangising sabi niya sakin. Napaatras naman ako hanggang sa mabangga ang likuran ko sa kama. Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang tanungin kong anong ginagawa niya rito, gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa dahil sa pipi nako. Asan naba ang asawa niyang si Emelia?

"Uuwi na tayo." Mautoridad na sabi niya, pero mabilis akong umiling kahit pa nanginginig na ang buong katawan ko. Ayoko! Ayoko ng bumalik pa sa impyernong lugar na yon! Hindi hindi nako babalik roon!

Nataranta naman ako ng nagsimula na siyang lumapit sakin hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sakin. Nagpumiglas naman ako ng hawakan niya ang pala pulsuhan ko. Nagsimula na rinh bumagsak ang luha ko sa mata.

Ayoko! Ayokong sumama sayong demonyo ka! Bakit ba kase hindi ako makapagsalita! Nanonood lang samin ang mga tauhan niya. Patuloy rin akong nagpumiglas kahit na naglalakad na kami palabas ng kwarto.

Pagkalabas namin ay napansin kong wala man lang katao tao sa hallway. Sa muling pagpumiglas ko ay nabitawan niya ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago tumakbo ng mabilis. Rinig ko naman ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan ng may bigla na lang humawak sa kamay ko at muli na naman akong hinila pabalik. Isa sa mga tauhan niya ang nakahabol sakin at ngayon ay hawak hawak niya ako.

Napahagulgol na lang ako ng mahawakan na naman ako ni daddy. Oo, si daddy lang naman ang pilit akong pinapabalik sa bahay ng mga demonyo. "Wag kang mag inarte, Felicia! I-uuwi kita. Kay tagal akong naghintay ng pagkakataon na iwan ka kahit sandali ng mga santillian na yon!" Galit na sigaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit pa puno ng luha ang mata ko. Magsisimula na sana silang maglakad ng bigla na lang may mga lumabas na nakaitim rin at tinutukan kami ng baril. Ano na naman ba ito?

"And who the fuck are you para hawakan ang babaeng pag aari namin." Napatingin ako sa kadadating na sila Levin, Lexus at Lewis na pari parihong may hawak na baril at madidilim rin ang anyo na anytime ay makakapatay sila.

"Santillian!" Galit na sigaw ni daddy. Hawak hawak parin ako hanggang ngayon nong lalaki. Sinubukan kong alisin pero lalo niya lang itong hinigpitan. Alam kong mag iiwan ito ng pulang marka dahil sa puti ng balat ko.

"Don't fucking touch her." Madiing sabi ni Lexus habang nakatingin ng masama sa lalaking nakahawak sakin. Hindi naman nagpatinag yung lalaki at lalaking hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na ikina daing ko.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon