CHAPTER 17

270 14 2
                                    

Felicia

Busy kaming lahat sa pagluluto ng kakainin mamaya. May kaniya kaniya kaming ginagawa. Hanggang ngayon rin ay hindi parin bumabalik sina Lewis mula sa pagkuha ng mga kahoy. Nagluluto ako ngayon ng barbecue kasama sina Amara, Cass, Claire, Xy at Alora.

Medyo marami kase kaya dalawang lutuan ang ginagamit namin. Ako at si Amara nag papaypay habang yung apat naman ay nagtutusok ng mga karne. Kakaligo ko lang pero pinagpapawisan nako agad at amoy usok na rin.

Hindi nga pumayag kanina si Levin na tumulong ako pero nagpumilit ako hanggang sa pumayag na siya. Hindi naman kase pwedeng wala akong gawin ayoko naman na walang ambag. Nakakahiya eh.

Napatingin ako kay Levin at nakita ko itong nakatingin sakin. Nang magtama ang mata namin ay ngumiti ako ganon rin siya pero tipid lang. Inaayos nila yung nga tent na gagamitin namin mamaya.

Sa labas daw kaming lahat matutulog kaya maraming tent ang binili nila kanina.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at binaliktan ang nakasalang na barbecue.

"Girls, dali samahan nyo ako maligo!" Aya ni Zib kaya napatingin kami sa kaniya. Naka swimsuit siya na gulay red.

"Ano kaba Zib! May ginagawa pa tayo! Maya kana maligo at tulungan mo na lang kami sa pagtusok ng mga karne!" Nakabusangot na sigaw ni Cass.

"Mamaya na yan!" Muling sigaw ni Zib. "Zib! Tumulong ka muna kaya." Aniya ni Tito Louis sa kaniya.

"No, kakatapos ko lang kaya balatan yung mga gulay. Sige kung ayaw niyo ako na lang!" Sigaw niya at kumaripas na ng takbo papunta sa dagat. Gusto ko na rin maligo pero may ginagawa pako kaya mamaya na lang.

"Hay! Gusto ko na din maligo. Bwesit kaseng karne to." Reklamo ni Cass, naka swimsuit na siya kanina at ready na rin maligo pero nautusan naman kami.

"Sige na, pumunta kana. Kami ng bahala rito" Nakangiting sabi ni Claire. Agad naman na lumiwanag ng mukha ni Cass.

"Really!?" Excited na sigaw niya kaya napatango tango kami. Nagsisigaw naman siya ng thank you at agad na dinaluhan si Cass na maligo sa dagat.

"I'm out now!" Sigaw ni Alora at kumaripas rin ng takbo papunta sa dagat.

"Umitim sana kayo." Rinig kong zabi ni Xy kaya napatawa kaming tatlo.

"Anyway! Ilang taon kana Felicia?" Biglang tanong ni Amara kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'm 19 year's old." I answered.

"Mas matanda ka pala samin ng isang taon." Aniya ni Amara habang binabaliktad yung mga barbeque.

"Dapat pala ate ang itawag namin sayo." Sabi naman ni Claire.

"No, it's fine with me na Felicia na lang isang taon lang naman ang agwat." Tanggi ko, ayokong tawagin nila akong ate parang ang tanda ko na non. Tumango naman sila bilang sagot at pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Hay! Nakabalik rin!" Napatingin kami sa bigla na lang dumating. Dumating na sila Lewis galing sa pagkuha ng kahoy. Lahat sila may mga dala dalang kahoy.

"Mabuti naman at nakabalik na kayo. Akala namin nilapa na kayo ng kung anong hayop sa gubat" Sabi ni Tito Wilfred (father of Klent).

"Ito kaseng bobong lalaking to. Walang ibang ginawa kundi ang magreklamo." Inis na sabi ni Kyuso.

"Mas bobo ka kung hindi mo lang hinulog yung bahay ng mga bubuyog di hindi sana tayo hahabulin!!" Inis rin na sigaw ni Silas.

"Hindi niyo kase ako pinigilan!"

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon