CHAPTER 8

348 11 2
                                    

Felicia

ILANG linggo na ang nakakalipas simula nong muntik na akong kunin o ibalik ni daddy sa mansion na yon. Naging ok naman ang lahat hindi narin ako hinayaan na magisa nila Levin. Hindi na rin sila umaalis pa ng sabay sabay.

Kung aalis ang isa o dalawa dapat na may isa na maiwan para bantayan ako. Sinabi ko naman sa pamamagitan ng papel na hindi na kailangan pero nagpumilit parin sila kaya wala na akong nagawa.

Si Lewis ang nagbabantay sakin ngayon dahil nasa school raw sina Lexus at Levin. Graduating students sila kaya nagiging busy na raw sila sa school. Pero nagagawa parin nila akong alagaan at bantayan.

"Anong gusto mong gawin natin? Para hindi ka maboring, my little bunny." Tanong ni Lewis habang nasa likuran ko siya at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Kakatapos ko lang maligo kanina.

"Do you want to watch a movie?" Naramdaman ko naman na tapos na siyang suklayan ang buhok ko at ngayon naman ay nakabaon na ang mukha sa may bandang leeg ko. Nakakaramdam ako ng kakaiba dahil sa tumatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

Mukhang maganda ngang manood. Tumango naman ako sa kaniya. "Ok, what do you want to watch?" Sabi niya at tumayo para iopen yong malaking tv na nasa harapan namin. Bumalik rin naman siya sa may likod ko habang dala dala ang remote.

"Here, pumili kana ng panonoodin natin." Inabot niya sakin yung remote kaya kinuha ko ito at naghanap ng pwedeng panoodin. Netflix ang pinagpipiliin ko ng panonoodin kaya nong nakita ko yung Jack the giant slayer ay agad ko itong pinindot.

"Wait me here, kukuha lang ako ng snacks." Sabi niya at tumayo. Naglakad naman siya papunta sa kusina kaya tinuon ko na lang ang attention ko sa pinapanood. Pagkabalik niya at may dala dala na siyang chips at kung ano ano pa.

Puwesto uli siya sa may likod ko. Hinila niya naman ako palapit sa katawan niya kaya nakasandal ako sa matipuno niyang dibdib. Binigay niya rin sakin yung isang bowl ng chips. Pinagpatuloy na namin ang panonood. Tunog ng tv at pagnguya lang naming dalawa ang naririnig sa buong kwarto.

Habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ay bigla na lang may kumatok sa may pintuan. "Who's that!?" Sigaw na tanong ni Lewis habang hinahaplos ang buhok ko. "It's me, can I come in? I have something important to tell you." Rinig kong sagot ng tao sa may labas.

"Yes tito, come in!" Sigaw muli ni Lewis bumukas naman ang pinto at iniluwal non ang doctor ko. Nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya ng tipid.

"Stop smiling at her, tito, just tell us what is it." Iritang sabi ni Lewis. Natawa lang ng mahina yong doctor. Kinuha ko naman yung remote at pinause ko muna yung pinapanood namin.

"Tsk, possessive. Anyway, I come here to tell you that pwede ng makalabas ng hospital si miss felicia bukas." Natigilan naman ako sa sinabi ng doctor. Makakalabas na ako ng hospital?

"Really, tito?" Galak na tanong ni Lewis at saglit pa akong tinignan. "Yes, nitong nakaraang araw kase naging mabuti na ang kalusugan niya. Bumabalik na rin ang stamina sa katawan niya." Sagot ng doctor napangiti naman ako dahil sa narinig.

"You hear that, my little bunny? Makakalabas kana raw bukas." Nakangiting sabi ni Lewis at hinarap ako sa kaniya. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti at tumango. Lalo siyang napangiti at namumula na rin ang tenga niya.

"Yan lang ang gusto kong sabihin. Aalis na rin agad ako dahil may mga pasyente pa akong naiwan." Paalam ng doctor bago tumingin sakin. Nag sign language naman ako sa kaniya kaya napakunot siya ng noo.

"She said thank you, tito." Nakatingin ako dahil sa sinabi ni Lewis. Pano niya alam? Diba hindi nila alam ang sign language kaya pano niya namalan ang ibig kong iparating.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon