CHAPTER 11

358 10 2
                                    

THIRD PERSON

NAPAMURA na lang ng sunod sunod si Levin ng mawalan ng malay ang babaeng isang linggo na nilang hinahanap. Kinuha niya ang telepono at may tinawagan na kung sino.

"Damn Davidson. Get this two bullshit. Ipapadala ko na lang ang saktong address." Aniya niya at pinatay agad ang tawag. Agad na pinaandar ni Levin ang kotse pauwi sa mansion nilang magkakapatid upang magamot na agad ito. May sarili naman silang doctor sa mansion kaya don na lang niya ito dadalhin.

Masaya siyang makita muli si Felicia pero labis ang galit na nararamdaman niya dahil sa kalagayan ngayon ni Felicia. Hindi pa siya kuntinto sa ginawa niya sa dalawang taong humahabol sa dalaga. Binugbog niya lang naman ito pero hindi lang yon ang malalasap nilang dalawa.

Pagkagising ng mga ito ay mabubungaran niya at tatlong demonyo. Maghihirap sila sa mga kamay ng tatlong magkakapatid. Kung sana lang ay hindi nila ginalaw ang dalaga hindi sana sila hahantong sa gantong sitwasyon. May mapaglalaruan na naman ang mga kamay niya mamaya.

Saglit na napasulyap si Levin sa dalaga na mahimbing na natutulog sa katabing upuan niya. Napangiti na lang siya sa kadahilanan na hawak hawak na naman niya ang dalaga. Isang linggo silang nagdusa sa pagkawala ng dalaga.

Ginawa na nila ang lahat pero hindi parin nila ito nahahanap. Mabuti na lang at naisipan niyang lumabas muna ng mansion para magaliw aliw pero hindi niya inaakala na makikita na niya ang dalaga pero sa ganong sitwasyon pa.

Rinig na rinig niya ang malaanghel nitong boses kanina nong tawagin ng dalaga ang pangalan niya. Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi siya makapaniwala na narinig niya ang boses niya. Ang boses na narinig niya ay may labis na takot at panginginig na hindi niya nagustuhan.

Alam niya rin na matutuwa ang dalawang kapatid niya na ngayon ay nagpapakalasing sa mansion nilang tatlo. Ngayong nahanap na nila muli ang dalaga sinisigurado nilang hindi na ito mawawala pa sa paningin nila kahit kailan. Hindi na niya hahayaan pang umalis ang dalaga.

They own her simula ng masilayan nila ang maamo nitong mukha sa hospital 3 years ago. Simula nong gabing iyon ay pinangako na nila na sa kanila lang ang dalaga. Walang kahit na sino man ang pwedeng mang angkin sa dalaga kundi silang tatlo lang. Magbabayad ang kung sino man ang magtangkang kumuha ng pag aari nila.

Maingat na binuhat ni Levin ang dalaga pagkapark niya ng kotse sa garahe ng mansion nila. Agad niya itong pinasok sa loob pagkapasok niya pa lang ay bumungad na sa harapan niya ang dalawang umiinom parin ng alak.

"Where the hell did you go, Levin?" Malamig na tanong ni Lexus habang hindi nakatingin kay Levin. Lumagok ito ng bote ng alak na agad na naubos. Napangisi na lang si Levin. "Somewhere." Nakangising sabi ni Levin.

"Tsk, Did you already find her? Damn I fucking miss her." Umiiyak na sabi ni Lewis habang nakayuko. May hawak hawak rin itong bote ng alak habang nakaupo sa malamig na sahig. Nagkalat sa buong sala ang mga bote ng alak na ilang araw na nilang inipon.

"You miss her? I fucking miss her to! Now she's stay with us forever." Nakangising sabi ni Levin. Ayaw niya munang sabihin sa dalawang kapatid niya na hawak hawak na niya ang dalaga. Gusto niya munang paglaruan ang dalawang kapatid nito.

"Fucking shit! Bakit ba kase umalis siya ng mansion?! Damn I what to be with her again." Nagsimula na ring umiyak ni Lexus. Ang isang Lexus Santillian na madami ng pinaiyak na babae ay iiyak lang sa babaeng nangangalang Felicia Addison?

"Tskk, look at me bustard!" Bagot na sabi ni Levin. Nagtaka yong dalawa dahil sa sinabi ng katapid nila. Naunang umangat ang ulo ni Lewis bubulyawan na sana niya ang kapatid pero napatigil ito ng makita king sino ang buhat buhat ng kapatid.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon