Felicia
BIGLA akong mapabangon sa kama ng dahil sa panaginip ko. Ang napaginipan ko lang naman ay may dalawang tao na nakaupo sa upuan at may tatlong tao na pinapahirapan yung dalawang tao na nakaupo sa upuan.
Hinabol ko ang hininga ko dahil pakiramdam ko isang buwan akong hindi huminga. Anong klaseng panaginip yon? Nawala na isip ko yung panaginip ko ng mapansin kong nasa isang kwarto ako. Kulay puti at itim ang theme ng kwarto.
Tumayo naman ako sa kama at nilibot ang tingin. Kusa ring gumalaw yung paa ko at naglakad sa kama. Ang lawak ng kwarto ang linis rin. Mukha ring mamahalin lahat ng gamit. Asan kaya ako?
"Ahhhhhhhh!!!"Biglang sigaw ko ng wala na akong matapakan na kama at nasagilid na pala ako ng kama kaya ang ending nahulog ako sa kama. "A-aray k-ko! A-ang s-sakit!." Aniya ko at hinawakan ang parte ng katawan ko kong saan may mga sugat.
Natigilan ako ng marealize kong may lumabas na nasalita sa bibig ko.
Nagsalita ako! Totoo ba yon o namali lang ako ng rinig. Napahawak ako sa bibig ko at sinubukan ulit magsalita. "Ah eh ih oh uh, anak ka ng manok." Lalong akong napanganga ng marinig ko mismo ang boses ko. Nakakapagsalita nako!!
Nakaupo parin ako sa malamig na sahig. Natigilan naman ako ng bigla nalang bumukas ng malakas yung pinto at bumungad sakin ang nagaalalang mga mukha nila Levin.
"Shit! Mi Reina, are you ok?"
"Damn in, ayos ka lang ba. Baby?"
"What happened, my little bunny?" Sunod sunod na tanong nila at agad akong dinaluhan pinantayan din nila ako. Bigla naman pumasok sa alala ko yung nangyare sakin at kung bakit ako andito.
"Hey!" Tawag pansin nila sakin. Inalalayan naman nila akong tumayo at pinaupo ako sa kama. Naupo si Lewis sa likuran ko sabay yakap ng bewang ko at binaon niya rin ang mukha niya sa may batok ko. May naramdaman akong kakaiba parang nakikiliti ako.
"Ahm L-lewis." Utal na sabi ko. Pansin ko naman na nanigas siya sa kinauupuan niya. Pansin ko rin yung dalawa na natulala sakin. Ito kase ang kauna unahang nagsalita ako. "W-what did you say, my little bunny? A-are you just call me by my name." Nauutal na bulong sakin ni Lewis.
"N-nagsalita ka, right?" Nauutal rin na sabi ni Lexus at nilapitan ako. "Y-yes." Utal na sabi ko tinignan ko naman si Levin at nakita ko siyang nakangiti sakin. Naalala kong tinawag ko rin siya kanina sa pangalan niya.
Napakunot noo naman ako ng mapansin ko ang t-shirt ni Lexus na may bahid ng mga dugo napansin pansin rin ang malaking eye bags nila mukha silang zombie, Hindi ba sila natutulog? "L-lexus, ayos ka lang ba? B-bakit ka may dugo sa katawan?" Nauutal na sabi ko at hinawakan ang damit niyang may mga dugo. Naramdaman ko rin na nanigas rin siya katulad ni Lewis.
"Fuck! Your speaking." Natutuwang sabi ni Lexus at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. Napansin ko naman na halos maiyak na siya dahil nagtutubig yung mga mata niya.
"Y-your speaking." Nauutal na bulong ni Lewis sa tenga ko. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nakakapagsalita lang. Parang nong huli naming pagkikita ay hindi ako makapagsalita.
"Enough fuckers." Aniya naman ni Levin at lumapit rin sakin. Napasigaw naman ako ng mahina ng bigla na lang niya akong buhatin na parang bata. "L-levin." Mahinang sabi ko at kumapit sa batok niya.
"Shit! It's like music to my ears every time you call my name." Aniya niya kaya naramdaman ko naman na uminit ang magkabilang pisnge ko. Napansin ko rin na namumula na ang dalawang tenga niya parang si Lewis lang nong hinalikan ko siya sa ilong.
Naglakad naman ito papunta sa banyo kaya humigpit ang kapit ko sa kaniya at binaon ang mukha sa leeg niya. Baka kase mahulog ako ehh. Pagkapasok namin ay pinaupo niya ako sa tabi ng lababo. "Clean your self before we sleep. Hihintayin kita sa labas." Nakangiting sabi niya kaya tumango ako. Lumabas naman siya ng banyo at siya na rin ang nagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
Can't Get Away From Them | ✓
De TodoMeet Felicia Addison, a girl of the darkness. She lived full of fear of other people. She grew up afraid of other people, especially her parents. All she thinks about is living so that her parents will hurt her. But one day she found that truth so s...