CHAPTER 5

401 14 2
                                    

Felicia

TATLONG araw na ang nakalipas simula ng magising ako. Sa tatlong araw na yon ay hindi man lang umalis ang tatlo sa tabi ko. Ang sabi nila nag aaral sila pero hindi naman pumapasok.

Ginagawa naman nila ang mga gawain na binibigay sa kanila ng guro. Parang ngayon busy silang tatlo na nakaupo sa sofa habang nag titipa sa kaniya kaniya nilang loptop.

Napapansin ko rin minsan na panay ang nakaw nila ng tingin sakin. Sa tatlong araw na yon kinakausap nila ako kahit na hindi ako sumasagot. Ang kukulit din nilang tatlo pag kami kami lang pero pag may ibang tao katulad na lang ng nurse ay nananahimik sila at nakapirmi lang. Lalo na si levin.

Bumaba naman ako sa kama. "Hey, where are you going?" Tanong ni Levin at lumapit sakin sabay alalay. Hindi naman ako nabaldado ah. Suminyas ako ng nauuhaw ako. Mukha naman nitong nakuha ang ibig kong gawin.

"Alright, go back to the bed. Ako na ang kukuha." Bago pa ako makaangal ay namaalis na siya. Napatingin naman ako sa dalawa at nakita kong nakatitig lang sila sakin. Pero ng magtama ang mga mata namin ay ngumiti sila ng pagkalawak lawak.

Hindi ko talaga alam kong bakit sila andito. Hindi nila sinasabi sakin. Siguro naawa lang sila kaya nila ako tinutulungan. Siguro pag labas ko ng hospital ay hihiwalay rin ako sa kanila. Hindi naman pwedeng lagi na lang kaming magkasama. Hindi ko naman sila kilala.

Agad na binigay sakin ni Levin ang tubig kaya agad ko rin itong kinuha at ininom. Pagkatapos kong uminom ay kinuha niya ang baso at nilapag sa may table na katabi lang ng kama. Bumalik na rin siya sa may sofa at tinuloy ang ginagawa.

Napasadal na lang ako sa head board ng kama at tumingin sa bintana. Asan na kaya sila papa? Ok lang ba sila? Naging masaya ba silang wala ako? Paniguradong oo eh saklam na saklam sakin si Emelia. Hindi ko na siya tatawagin pang mama dahil hindi ko naman siya tunay na ina.

Asan rin kaya ang tunay kong ina? Buhay pa kaya siya? May mga kapatid ba ako? Hinahanap niya rin kaya ako? Sana naman mahanap ko na siya. Napangiti na lang ako ng mapait at inalis ang pagkakatingin sa binata.

Napadaan yung tingin ko sa kanilang tatlo at tumigil ito kay Lexus dahil nakatitig siya sakin. Nagtaka naman ako ng lumapit siya sakin at naupo sa kama. Hindi nako nanginginig sa tuwing lumalapit silang tatlo sakin. Nasanay na rin siguro ako.

"Are you bored?" Tanong niya sakin at inalis ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko. Umiling naman ako bilang sagot. "Are you sleepy?" Tanong niya ulit, nagkataon naman na napahikab ako. Natawa siya ng mahina.

"Ok haha, sleep now, My baby." Nakangiting sabi niya at pinahiga ako. Sunod na lang ako, sa tuwing may inuutos sila hindi ko alam kong bakit ko sinusunod. Kusa na lang kaseng gumagalaw ang katawan ko. Pero bago pa ako makatulog ay bigla na lang may malakas na nagbukas ng pinto dahilan para mapabangon ako bigla.

"What the fuck!" Inis na bulalas ni Lexus. "Heyy! Guys! Namiss ko kayo!" Sigaw ng isang lalaki at pumasok sa loob may sumunod ding iba. Bali lima silang lahat na pumasok. Ang gwagwapo nila pero mas gwapo nga lang sila Lexus hahaha.

"What the hell are you doing here?" Malamig na sabi ni Levin at tumayo ganon din si Lewis. "Ouch! Hindi ba pwedeng gusto lang naman kayong makita, daddy Levin. Namimiss ko na kayo eh, pakiss nga ako." Aniya nong isa sabay hawak sa may dibdib na animo'y nasasaktan at ngumuso pa.

"Shut the fuck up, Garcia!" Bakas sa boses ni Levin ang inis at pandidiri. Para kaseng bakla kong magsalita yong lalaki.

"What the fucking hell are you all doing here?" Inis na sigaw ni Lexus sa tabi ko. Napatingin naman silang lima kay Lexus bago napunta sakin. "Owww, she's finally awake." Aniya nong isang lalaki at lalapitan sana ako ng humarang si lewis.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon