CHAPTER 9

288 11 1
                                    

Felicia

NAALIMPUNGATAN ako na nasa isang malawak na kwarto. Nang ilibot ko ang tingin ko bumungad sakin ang malinis at magandang kwarto. Kulay puti ang pader. May malaking kama na kasiya ata ang limang tao.

May nakikita rin akong dalawang pintuan. Anong oras naba? May nakita akong oras na naka digit sa pader. 12 o-clock na pala ng gabi. Dito ba ako dinala si Lexus? Tsaka asan sila?

Bumangon ako sa kama at naglakad palapit sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sakin ang tahimik na pasilyo. Nagsimula akong maglakad habang tinitignan ang paligid.

Marami akong nakikitang mga picture na nakadikit sa pader. May nakita rin akong picture nila Levin nong bata pa sila. Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayan na asa tapat na pala ako ng hagdan.

Dahan dahan akong naglakad sa hagdan dahil nalulula ako sa haba ng hagdan. Para akong naglalakad sa isang palasyo sa haba. Nang makababa ako ng tuluyan ay naglakad naman ako pero hindi ko alam kong saan ba ako pupunta.

Asan naba kase sila? Bigla bigla na lang nila ako iniwan. Napatigil naman ako sa paglalakad ng makarinig ako ng mga taong nagsasalita. "Damn, it's fucking hard to find them." Sabi ng isang boritong boses. Sila ba yung nakita ko kanina?

"Calm down, dad. Mahahanap din natin sila."Aniya naman isa pang boses. "I fucking kill them sa oras na malaman ko kung sino ang dumukot sa asawa ko!" Diing sabi ng malamig na boses. Nagtaasan naman ang balahibo ko sa katawan dahil sa lamig ng boses niya.

"What are you doing their miss?" Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Napaatras din ako ng makita ang isang lalaki. Isa siya sa mga lalaking nakita ko kanina. Gwapo naman siya.

"Hey, miss." Tawag pansin niya muli sakin. Napaatras naman ako muli ng maglakad ito palapit sakin. Nang mapansin niya ang pagatras ko ay tumigil din siya. "I won't hurt you miss, baka mapatay ako ng tatlo." Sabi niya at tumawa ng mahina.

"Why you aren't speaking? Hinahanap mo ba sila Levin?" Tanong niya ulit. Nang marinig ko ang pangalan ni Levin ay mabilis akong tumango. "Halika puntahan natin sila." Sabi niya at lumapit muli pero umatras ulit ako. Napakamot naman siya ng ulo.

"Ahm, ok sundan mo na lang ako." Nahihiyang sabi niya at nagsimulang maglakad nang dumaan siya sa gilid ko at napaatras ulit ako. Nagdadalawang isip pa ako kung susundan ko siya pero kalaunan ay sumunod na rin ako ng dahan dahan.

Nakarating kami sa malawak na sala kong saan ko sila nakita kanina. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa dami ng tao at puro pa sila lalaki. Kumabog na rin ng malakas ang dibdib ko. Napansin ko rin na madami silang ginagawa lalo na sa pagtipa ng loptop. Seryoso rin silang lahat.

"Hey! Kuya Levin! I saw this girl!" Tawag pansin nong lalaking nakakita sakin kanina. Mabilis naman silang napalingon sakin kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapaatras. "Why are you awake?" Tanong ni Lewis at nagmadaling lumapit sakin. Pagkalapit niya ay agad akong hinapit palapit sa katawan niya.

Agad rin na lumapit samin sina Lexus at Levin. "Bakit gising kana? Malalim pa ang gabi." Nag aalalang sabi ni Lexus. "Don't mind us dad. Just continue what your doing." Malamig na sabi ni Levin habang nakatingin parin ito sakin.

Napansin ko naman na tumango yong tatlong magkakamukha at tinuloy na ang ginagawa kanina miski na yong iba at tinuloy na rin ang ginagawa. Bigla naman ako nahiya dahil baka naisturbo ko sila sa ginagawa nila.

Tumingin ako kay Lewis at nag sign language 'naka istorbo ba ako?' tanong ko ng maintindihan niya ang sinabi ko ay agad siyang umiling ng mabilis. "No, no, no, my little bunny. Kahit kailan hindi ka naging istorbo samin." Kunot noong sabi niya pero napayuko ako.

Can't Get Away From Them | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon