Felicia
MAG-ISA ako ngayon sa kwarto dahil umalis sila Levin ang sabi nila ay may importante daw silang pupuntahan. Ayaw pa nga sana akong iwan ang kaso lang importante daw kaya kailangan.
May inutusan naman silang nurse para bantayan ako. Umalis nga lang saglit dahil mag babanyo raw. Pero mag iisang oras na wala parin yung nurse. Asan naman kaya nagpunta yon? Mukhang nalunod na ata sa iniduro haha.
Umalis ako sa kama at nagpunta sa may pinto. Kanina pa kase ako naboboring hindi naman ako makatulog dahil kagigising ko lang kanina. Puro tulog na lang ginagawa ko.
Nang makita kong unti lang ang tao dito sa hallway ay lumabas ako ng kwarto at naglakad lakad. Madami akong nadadaan na nurse pero mukhang busy silang lahat kase hindi nila ako napansin.
Napahinto ako sa harap ng elevator kaya pumasok ako. Wala naman nakasakay kaya pinindot ko na agad yung last floor. Gusto ko kaseng magpahangin sa rooftop kahit sandali lang.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa loob ng elevator. Agad itong bumukas ng makarating ako sa rooftop. Pagkalabas ko ay sumalubong agad sakin ang malamig na simoy ng hangin kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapayakap sa sarili.
Naglakad ako papunta sa pinaka gilid at tinanaw ang baba. Napaka ganda! Parang betwin ang mga ilaw sa ibaba. Gabi na kase ngayon kaya medyo madilim na rito sa rooftop.
Pano ko kaya sisimulan hanapin ang tunay kong ina? Mahahanap ko kaya siya?
Asan na kaya ngayon si daddy at ang asawa niyang batugan? Hindi ko na tinatawag pa na mommy si emelia dahil siya na rin ang nagsabi na hindi ko siya tunay na ina. Hindi ko alam kong magiging masaya ba akong hindi ko siya ina o malulungkot dahil sa mga napagdaan ko sa kamay niya?
Ilang minuto lang ang nilagi ko sa rooftop kaya napagpasiyahan ko ng bumaba. Habang naglalakad ako sa hallway ay nagtaka ako ng mapansin kong madaming naka itim na lalaki sa tapat ng kwarto ko.
Balisa silang lahat. Ano naman kayang nangyayare don? Lumapit ako ng tuluyan sa kwarto ko. Napasilip ako sa loob dahil bukas naman ito.
"What the fuck! Asan siya? Bakit hindi mo siya binantayan!?" Napapitlang ako dahil sa lakas ng sigaw ni Lexus. Kaharap niyo yung nurse na inutusan nilang bantayan ako. Pansin kong nanginginig ito at nakayuko rin. Wala man lang akong nababakasan na emosyon sa kanilang tatlo. Parang anytime ay mapapatay na nila yung nurse.
"Wala kang kwenta! Ang simple simple lang ng pinapagawa ko sayo hindi mo pa magawa! Pagbabantay lang ang utos namin sayo hindi mo pa ginawa!" Sigaw na naman ni Lexus. Bakit ba siya nagagalit sa nurse?
"S-sorry po sir." Rinig kong sabi ng nurse. Napagpasiyahan ko ng pumasok sa loob. Pagkapasok ko pa lang ay agad na napatingin sila sakin.
Bigla na lang na lang silang naging maamong tupa ng tignan nila ako. "Baby!" Aniya ni Lexus at agad akong nilapitan. Nabigla pa ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Damn, where have you been? Hmm." Tanong niya at hinarap ako.
Lumapit rin sila Levin sakin at niyakap. "Saan kaba nagpunta? Pinag alala mo kami ng sobra." Nagaalalang sabi ni Lewis. Nakita ko naman na pinaalis ni Levin yung nurse pero bago siya makaalis at sinamaan niya ako ng tingin na hindi napansin nila Lexus dahil nasa akin ang tingin nila.
Ops anong kasalanan ko sa kaniya?
"Don't do that again? Kung aalis ka magpaalam ka naman para hindi kami nag aalala ng ganito, ok, Mi Reina hmm?" Lumambing na ang boses niya ngayon. Tumango na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit comportable ako sa kanilang tatlo. Pakiramdam ko ang tagal na nila sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Can't Get Away From Them | ✓
RandomMeet Felicia Addison, a girl of the darkness. She lived full of fear of other people. She grew up afraid of other people, especially her parents. All she thinks about is living so that her parents will hurt her. But one day she found that truth so s...