Billionaire's Possession
Chapter 3
Part 1
Namalagi ang mag-ina sa Atari villa. Napakaganda ng view ng villang ito. Napagod silang pasyalan ang mga naggagandahang parke. Pareho nilang ibinabad ang kanilang katawan sa onsen. Napakasaya nila na tila ba wala silang pinoproblema.
Taas-baba ang dibdib ni Zyke, indikasyon ito na siya'y buhay na buhay. Pinagmamasdan siya ngayon ng kaniyang ina habang siya'y natutulog ng mahimbing. Hinahaplos ni Lindsey ang buhok ni Zyke bago niya ito halikan sa noo. "Good night Tine anak, sweet dreams."
Tatabihan na sana ni Lindsey ang anak ng biglang nagring ang kanyang cellphone at nagmadali siyang bumaba ulit mula sa kama para kunin ang kanyang cellphone sa kanyang bag na nakapatong sa may couch. Sinagot agad niya ang tawag dahil baka magising si Zyke dahil sa ingay ng ringtone. Sa pagmamadali niya hindi na niya tinignan kung sino ang caller. "Hello."
Halos manigas siya sa kinauupuan niya ng marinig niya ang boses ng taong nasa kabilang linya.
"Sa tingin mo nakalimutan ko na ang panlulukong ginawa mo?"
" Do-don Luis." Napabulong siya. Takot ang kaniyang nadarama anupat kasama niya ngayon ang kanyang anak.
"Malapit na ako sa inyo kaya humanda ka. Babalatan ko ng buhay ang iyong anak mismo sa iyong harapan. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo yung araw na itinago mo sa akin ang lahat."
" Hi-hindi mo naiintindihan Lu-lui do-don Luis."
" Saang banda ang hindi ko naiintindihan?"
Tumayo si Lindsey mula sa couch at dali-daling pumasok sa shower room. Ayaw niyang magising at marinig ni Zyke ang kanilang pag-uusap ni Don Luis."Minahal kita. Alam mo yan."
"Lindsey pera ko lang ang minahal mo. At ginamit mo pa ang anak mo para makuha ang gusto mo. Ngayon mo matitikman ang poot at galit ko sa iyo. Nakahanda na kabaong niyong mag-ina. "
Bumuhos na ang mga luha ni Lindsey. Hindi na niya mapigilan ito.Nabitawan na niya ang kanyang cellphone. Humandusay siya sa malamig na sahig ng shower room. Nanginginig siyang pinulot ang kaniyang phone at muli niyang pinakinggan si Don Luis. "Kaya ako umamin sa iyo dahil hindi na kaya ng konsensya ko. Mahal kita kaya ayoko din namang lukuhin ka. Pinilit kong mamuhay kasama ang anak ko sa Thailand kahit na matindi ang pangungulila ko sa iyo. Nagsisisi ako sa nagawa ko sa iyo at sa pamilya mo."
" Kahit ilang beses ka pa magsisi hindi mo na maibabalik pa ang mga panahong nasayang lang dahil sa iyo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Rosenthal at kinamuhian ako ng aking anak."
" Handa akong tanggapin ang kaparusahan wag mo lang idamay ang mga bata." Hinawakan ni Lindsey ang kanyang dibdib. Tila ba mabibiyak ito kapag hindi niya hawakan ito ng mahigpit.
" Matagal na silang damay dito. Sila ang naging collateral damage sa kagagawan mo. Magpakasaya ka hanggat di pa nag-uumaga dahil sa oras na lumabas ang araw bukas iyon na ang huling pagsilay mo sa liwanag."
Wala ng narinig si Lindsey kundi ang kanyang paghikbi.
Nanginginig na umupo si Lindsey sa nakasaradong bowl. "Cain." Hinanap niya sa kanyang cellphone ang numero ni Cain.
"Hello mommy."
Tahimik ang pag-iyak ni Lindsey. Pigil na pigil ang kanyang paghikbi. Pinilit niyang kontrolin ang kanyang sarili. "Cain anak."
"Mommy may problema ba?"
Muling hinawakan ni Lindsey ang kanyang dibdib. Habang patuloy na dumadaloy ang kanyang mga luha. "Anak I'm sorry."