Chapter 14

30 3 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 14

Part 1

"Anong problema Yuri?" Nakadapa ang crimelord.

Mula sa kabilang linya ay napahalakhak si Yuri. "Dalhin mo dito yang babae mo sa tahanan ng iyung kapatid."

" May sarili akong tirahan. Bakit ako pupunta dyan? " Umalis si Raj mula sa ibabaw ng isang babae.

" Raj kailangan kita sa aking laro. Hindi kumpleto ang aking paglalaro kung wala ka. Kaya pumunta kana dito."

Tumayo si Raj. Dinampot niya ang isang bath robe sa sahig." Anong laro?"

Muling tumawa si Yuri. "Chess. Malapit ko na siyang macheck mate."

" Okay.Fine. Give me two hours."

___________________________________________________________________________

"Gori dito ka muna." Hinila ni Andromeda ang kaniyang asawa.

"Magsa shower lang ako."

"Ayaw mo sa amoy ko kaya ka magsa shower agad?" Hawak ng prime minister ang braso ng kaniyang asawa.

Bumalik sa higahan ang Yakuza. Niyakap niya agad ang kaniyang asawa. "Happy?"

"Very." Pumikit muli ang buntis. "Wag kang aalis. Dapat paggising ko ay nandito ka pa rin. Armalite ang gagamitin ko sa babaeng iyun kapag nakita kong hinawakan ka niya." Tuluyan ng nakatulog si Andromeda.

Tahimik na tumawa ang Yakuza. "Possessive ka din pala."

___________________________________________________________________________

Nakatutok ang mga mata ni Liandres sa tv. Konektado na ang surveillance at audio devices sa television ng kaniyang condo unit. Alam niyang papasok na sa kaniyang  silid ang prime minister. "Ang tagal."

Sa monitor ay makikitang pumasok na sa silid ang isang babae. Masayang masaya ito habang nagsusuklay ng kaniyang buhok. Isa pang lalaki ang sumunod na pumasok.

"Feng." Galit ang tono ni Zenny. "Totoo ba na nakipag-sex ka kay Tito Yuri? At dito pa mismo sa kwarto ng kapatid ko." Suklay ang gamit ni Zenny sa pagduduro sa Chinese.

Niyakap ni Feng si Zenny. "Ikaw ang mahal ko. Hindi siya. One night stand lang iyun."

Yumakap din si Zenny kay Feng. "Pakakasalan mo ako diba?"

"Oo naman. Dalawang buwan ka ng buntis. Magiging ama na ako."

Umalis mula sa yakap ni Feng si Zenny." Labas na tayo dito. Baka pumasok ang prime minister. Doon tayo sa kwarto natin."

Kita ni Liandres ang paglabas ng dalawa mula sa silid." Bruha. Sisirain ko ang relasyon niyo para magaya ka sa akin. Papatayin ko ang magiging anak niyo. Double kill ang gagawin ko sa iyo. Mawawala si Feng sa iyo at babalik siya sa akin. Mawawala pa ang magiging anak niyo. Pati ang tiyuhin mo ay aangkinin ko din."

___________________________________________________________________________

Madaling araw na. Dahan dahang tumayo ang Yakuza mula sa kama. Saglit muna niyang pinagmasdan ang kaniyang asawa bago siya tuluyang pumasok sa bathroom.

Makikita ang puting tiles ng bath room. Tinanggal ni Cain ang salamin sa itaas ng lababo. Isang button ang pinisil niya at nabuksan ang isang silid. Bumungad kay Cain ang mga matataas na calibre ng baril. Ilang oras ding naantala ang kaniyang balak gawin dahil sa pagpigil ng kaniyang asawa sa kaniya. Isang baby armalite ang kinuha niya mula sa cabinet. Mga bala ang inilagay niya sa kulay itim na bag. Isang armored suit ang kaniyang isinuot. Tinakpan niya ng combat mask ang kaniyang mukha bago niya dinampot ang kaniyang sandata at bag. Muli niyang isinarado ang sekretong silid. Wala siyang imik ngunit mabilis ang kaniyang pagkilos. Tinanggal niya ang manhole sa kisame at doon siya pumasok.

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon