Chapter 10

51 4 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 10

Part 1

"Max may pagbabago sa schedule. Ikaw at si Tetsu ang magkakasama sa air base. Kaming dalawa naman ni Kazumi." Hawak ni Cris ang papel na naglalaman ng mga panibagong gawain para sa mga bantay. "Max pamunuan mo ang mga tao sa hilaga. Tetsu pamunuan mo ang sa kanluran. Si Kazumi ang sa timog at ako naman sa Silangan." Seryoso ang mga mukha ng mga nangungunang opisyales ng Yakuza. Maituturing silang mga army general pag dating sa sagupaan at pagpaplano.

Naka on ang professional mode ng mga magkakasintahan. Seryoso sila sa kanilang papasaning tungkulin.

"Nasa headquarter ngayon si Mr. Liu. Siya muna ang nag-aalaga sa kambal." Nanatiling nakatayo si Max. Nasa gitna sila ng runway ng kanilang aircraft. Tila mga army sa isang pagsasanay ang kanilang mga tao. Nakahilera sila habang naghihintay ng kanilang ipapasang tungkulin.

Ilang aircraft at chopper din ang makikita sa napakalawak na runway.

"Abala ngayon ang donya sa bago niyang laruan. Napakabilis mainip ngayon ni donya Lindsey." May pagkabahala sa tono ni Kazumi.

"Mas maigi na iyun may pinagkakaabalahan siya kaysa kung ano na namang maisip niyang gawin." Seryoso namang sumagot si Tetsu.

" Yun nga eh. Ang pinagkakaabalahan ngayon ng donya ay tiyak na panibagong sakit sa ulo." Namomroblema na ngayon si Kazumi. Sigurado siyang sa mga susunod na mga araw ay mababago na naman ang kanilang papasaning trabaho.

" Sir." Isang babaeng mandirigma ang lumapit sa pinuno ng hukbo." Sir  Cris. Nakatawid na ang hukbo ni sir Yuri. Ngunit wala sa hukbo sina sir Yuri at sir Andromeda."

" Wag mo na silang alalahanin. Nasa pangangalaga na sila ni sir Michael."

Sumaludo muna ang babae bago umalis.

___________________________________________________________________________

"Raj. Inutusan ko ang internal investigator ko. Natuklasan niyang si Yuri na iyong pinsan ang may pakana ng pag-atras ng mga investor."

Sunod sunod na putok ang narinig ni Z mula sa kabilang linya. "Z. Utusan mo ang mga tao mo na tugisin ang mga bumaliktad sa emperyo. Ako na ang bahala kay Yuri."

"Malamang nakalabas na ng Japan ang buhok mong pinsan." Nakaupo si Z sa tuktok ng mga pinagpatung patong na mga lumang gulong.

"Paano ka nakakasiguro?"

Nagdalawang isip si Z kung sasabihin niyang tinangay ni Yuri ang kaniyang anak. "May kinuha siyang isang napakahalaga sa akin. Kaya alam kong bumalik na siya sa kaniyang lungga."

"Dalawang lugar lang ang alam kong maaari niyang puntahan. Sa Sri Lanka o sa Russia."

"Sa Sri Lanka nakatayo ang kaniyang mansion. Alam kong naroon siya ngayon." Natitiyak ni Z na sa Sri Lanka nga bumalik ang Russian.

"Magpapadala ako ng sasalakay sa kaniyang lungga."

"Raj."

"Ano yun z?"

Napalunok ang addict at obsess na ama." Wag mong idamay ang batang nasa pangangalaga ng iyung pinsan." Wala ng nagawa si Z kundi ang magsalita.

" Bata? Sinong bata? "

Nanahimik lang si Z.

" Z ang tinutukoy mo ba ay ang anak mo sa ibang babae? "

Umamin na si z." Tinangay niya si Andromeda."

" Ibabalik ko sa iyo ang anak mo kapalit ng ulo ng anak ni Luis."

Tumawa ang crimelord." Deal."

___________________________________________________________________________

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon