Chapter 7

67 4 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 7

Part 1

Buhay prinsipe ang lalaking may bigote. Nakaupo siya ngayon sa isang napakalambot na upuan at may mga espesyal na pagkaing nakapatong sa isang pabilog na mesa sa di kalayuan. May parisukat na mesa na rin sa kaniyang harapan. Russian table set-up. Iyan ang pumasok sa isipan ng lalaking may bigote ng makita ang set-up.

Dalawang matatangkad at magagandang unipormadong kababaihan ang   nagsisilbi sa kaniya. Suot nila ang uniporme ng mga stewardess.

"Sir. Let me introduce myself and I'm the one in charge for your meal sir. Would you let me to lay down your table napkin sir? "

Umupo ng maayos ang lalake." Yes please! "

Isang babae ang nagpatong ng masarap na pagkain sa hapag ng lalaki." Excuse me sir . Here is one of our best appetizer. "

Napakasarap na pagkain ang nasa harapan ngayon ng anak ng prime minister. Talagang napaka espesyal ang trato nila sa anak ng prime minister.

Naghain din ang dalawang blonde ng mga salad, main course at dessert. May mga espesyal na tinapay din silang inoffer.

"Excuse me sir. Let me present to you our best wine. It has 11 percent volume and made from Germany. Would you like me to pour your wine glass sir? "

" Yes. Please. "

Habang iniinom ni Shinjie ang wine ay nakatanaw siya sa labas. Makakapal na ulap ang kaniyang nakikita. Sa kaniyang tantya ay may halagang $300 milyon ang private jet na sinasakyan niya ngayon.

Halos maihi sa takot ang anak ng prime minister ng pumarada ang kaniyang van sa abandonadong paktorya. Sa isang mamahaling sasakyan siya isinakay patungo sa isang private airway.

Sinalubong siya ng mga kababaihan at dinala siya ngayon sa kinauupuan niya. Ayon sa babaeng nagdala sa kaniya sa loob ay magkikita sila ng kaniyang ama sa isang isla.

Muling pumasok sa isipan niya ang kaniyang masamang balak. "Papatayin na kita tanda. At kapag ako na ang prime minister ay mapapasakin na ang private jet na ito. Ang dami mo palang itinatagong kayamanan." Ngumisi ang lalaki.

Ilang oras ding nakaupo sa napakalambot na upuan ang lalaki bago niya narinig ang piloto.

Umayos na ng upo si Shinjie. Kahit hindi niya alam kung saang lugar siya dinala ng piloto ay naging excited siya. Isang babae ang tumayo sa may harapan niya bago ngumiti. "Sir would you like me to escort you out from the jet?"

Ngumiti ang ambisyoso.

Sa red carpet naglakad si Shinjie. Dinaig pa niya ang presidente. Napakalawak ng kaniyang ngiti. Isang lalake ang sumalubong sa kaniya. Hindi Asian ang lalaki at iisa lang ang ibig sabihin, wala sila sa Asya. Inilibot ni Shinjie ang kaniyang paningin. May nakita siyang napakalaking logo sa itaas ng building.

SION
Intercontinental air transport.

Napalunok siya. Muli niyang ibinaling ang kaniyang paningin sa private jet na sinakyan niya. Pangalan ang nabasa niya.

Yuri

Napansin niyang nawala na ang mga kababaihang kasama niya at mga unipormadong kalalakihan na lang ang tila lumitaw sa kung saan. May mga itim ang buhok, may mga blonde. Nakita rin niyang may mga itim na lahi din ngunit mas marami ang mga puti. Matatangkad sila at may malalaking pangangatawan. Para silang mga pupunta sa gyera sa mga tindig at kilos nila.

"Sir. This way please."

Kahit hindi alam ni Shinjie kung siya dadalhin ng army ay sumama pa rin siya. Sa isang limousine isinakay ang ambisyoso.

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon