Chapter 5

66 3 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 5

Part 1

Malapit na naman dumilim sa Tokyo. Ngunit tila nakikiayon din ang panahon. Tila nabalot ng kalungkutan ang Tokyo sa kabila ng napakaraming taong naglalakad at tumatawid sa mga pedestrian lane at mga sasakyang parang naghahabulan. Ang ilaw ng mga stop light at mga traffic lights ay parang nagkaroon din ng emosyon.

Sa kabila ng kalungkutang bumabalot na sa Tokyo ay wala na talagang makakapigil pa sa digmaang magaganap.

May kaunti ng pagpatak ng ulan. Nagsisitakbuhan na ang mga taong walang dalang payong para maghanap ng masisilungan. Nag-uunahan na rin sila sa pagkuha ng masasakyan.

Nagsisimula na ring sumindi ang mga ilaw sa mga gusali at mga pamilihan.

Nakatanaw si Feng sa isang matayog na gusali. Nagniningning ang gusaling iyon. Kasabay ng mga musikang maririnig mula sa mga pamilihan ay tila sumasabay din ang pagningning ng gusaling nasa kabilang kanto. Napakatayog ng gusaling may malaking logo na SION. Kulay asul ang logo at tila nagsilbi itong ilaw sa buong siyudad.

"Sion. Tatanggalin ko ang iyong ilaw sa gabing ito. At hindi ka na muling magniningning."

Napakatagal bago sumapit ang kalagitnaan ng gabi.

Gustong gusto na ni Feng makaharap si Cain. Gusto niyang ubusin sa katawan ni Cain ang bala ng kaniyang baril. " Cain go to h3ll."

Kinuha ni Feng ang cellphone ni Yehudi mula sa kaniyang bulsa. Binuksan niya ito at pumunta sa Google photos. Doon niya muling nakita ang mga nakatagong larawan_ larawan ni Yehudi, mga larawang kuha sa parke, kuha sa kalye, at mga larawan ni Yehudi habang nakasakay siya sa big bike suot ang itim na cargo pants, itim na fitted black t shirt at itim na jacket. Suot din ni Yehudi ang silver earing sa kaniyang kaliwang tenga.

Tinitigan ni Feng ang mga larawan ni Yehudi habang napakabilis ng pintig ng kaniyang puso. "Yehudi ano ang kaugnayan mo kay Cain? Sino ka sa buhay niya at sino siya sa buhay mo? "

___________________________________________________________________________

Hindi na pumasok si Cain sa trabaho. Nagdahilan na lang siya kay Yehudi. Hindi rin pumasok si Yehudi sa ospital dahil nakipagtagisan siya ng diskarte kay Cain sa larong chess. Lagi siyang talo. Sa bawat talo niya ay kailangan niyang ngumuya ng napakaasim na prutas.

Paraan din ito ni Cain para mapakain si Yehudi ng prutas na puno ng vitamin c. Paraan din niya ang paglalaro ng chess para mawala sa isipan ni Yehudi ang gumala o lumabas.

"You will never win against me Yehudi."

Muling dumampot si Yehudi ng kalamansi. Maluha luha siya habang nginunguya ang maasim na prutas. Halos lumabas sa kaniyang bibig ang kaniyang laway.

Napangisi si Cain.

Muli silang naglaro. "Yehudi anong gagawin para mabihag mo ang reyna?"

Sumagot si Yehudi ng hindi man lang yata siya nag-iisip." Paano mabibihag ang reyna kung mas malakas pa siya sa hari? Ang reyna ang nagsisilbing frontliner ng hari kung tutuusin."

Isang sagot na  aprobado ng mga tao ni Cain. Napataas ang mga kilay ng mga bantay na nanonood sa kanila.

Isang horse ang ginalaw ni Cain. " Paano kung gayon mabibihag ang kalaban?"

Ginalaw ni Yehudi ang bishop. "Ipain ang reyna ngunit hindi siya maaaring lumayo sa hari dahil ang hari ang poprotekta sa reyna."

Ginalaw muli ni Cain ang horse."Paano mo nasabing mapoprotektahan ng hari ang reyna kung mas malakas ang reyna? "

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon