Billionaire's Possession
Chapter 8
Part 1
Nakangisi ang babae sa harapan ng lalaking nakahiga na tila ba natutuwa. Hindi mapigilan ni Lindsey ang matuwa sa kabila ng sakit sa dibdib na kaniyang nadarama.
Para sa isang kagaya niya ay ang pagpapatawad at paghihigante ay iisa. Marami na siyang pinagdaanan ngunit ang mawala ang kaniyang bunso ay hindi kailanman sumagi sa kaniyang isipan.
Walang sino man ang nakakaalam ng kaniyang mga plano at kung bakit nakikinig na lamang siya sa kaniyang asawa.
Hinahayaan din niyang magtrabaho ang kaniyang asawa at anak.
__________
Iminulat ni Zacky ang kaniyang mga mata. Ibang kulay na ang kaniyang nakikita. Wala na rin ang mga malalaking vase. Puting dingding na ang kaniyang nakikita at hindi na mga salamin. Wala na rin siyang swero. Ibang kasuotan na rin ang suot niya at hindi na siya nakasuot ng hospital robe.Bumangon siya at sinubukan niyang maglakad. Wala na ang tali sa kaniyang mga paa.
Lumapit siya sa may bintana. Isang napakagandang hardin ang natanaw niya.
Isang lalaki ang pumasok sa bagong silid ni Zacky.
Nadatnan ni Cain si Zacky na nakatanaw sa bintana. Lumingon ang babaeng pangalawa ni Z sa panganay ni Luis.
"You."
Umupo si Cain sa long couch dalawang metro ang layo mula sa kama ni Zacky.
"Good thing you're awake."
Naglakad palapit si Zacky. "Now, tell me the truth why am I here?" Umupo siya sa isang single seater couch.
"For family of course." Cain cross his legs.
"You want to revenge for what happened to your brother?" Bahagyang tumaas ang boses ni Zacky.
"Yes. Kaya ka buhay pa hanggang ngayon."
"Just kill me." Napatayo ang babae at lumipat siya sa kaniyang kama.
"Kill you? Why should I?"
Tila naiinis na ang babae. "You're crazy."
"Litung-lito ka na ba?" Tumayo si Cain at lumipat naman siya sa may bintana.
"Just tell me the truth." Lumingon ang babae sa lalaking nakatanaw sa bintana.
"The truth is you hurt yourself." Simpleng sagot ni Cain bago muling bumalik sa sofa.
"You assh*le."
"Don't push your luck lady. Mahirap bang intindihin ang sinabi ko? "
Hindi na nagsalita pa si Zacky.
" Bago ka umatake dapat inaalam mo muna kung sino ang target. Ganoon ang matalinong predator. Baka isa sa kapamilya mo ang intake mo at sa bandang huli ay magsisisi ka."
" Who are you? "
" I am Cain Kagami Jungslagger brother of Zyke Tine Andromeda Pavlov Jungslagger. Did I answer your question______lady?"
" Ma-may kapatid ka? I thought mag-isa ka lang._____________ Yung kabit, Yung babaeng kabit, siya ba ang mommy ng kapatid mo? "
"You're absolutely correct. But my mom is not a mistress. She's married to my father."
" Yung mommy mo kabit ng daddy ko. Baka hindi mo yun alam? " Tuluyan ng sumigaw ang babae.
Nanatiling kalmado ang lalaki." Baka ikaw ang walang alam." Ngumisi si Cain.
![](https://img.wattpad.com/cover/362889772-288-k472799.jpg)