Chapter 11

73 3 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 11

Part 1

"How is he?"

"We've got a problem Cain." Nasa kamay pa rin ng doktor ang kaniyang laptop. " There's something wrong in his blood."

" Andito naman si Yuri. Magkapareho sila ng blood type." Mula sa glass panel ay ibinaling ni Feng ang kaniyang paningin sa doktor." Eh yung puso niya , kumusta? " Muling tiningnan ni Feng ang lalaking nakahiga sa loob ng silid.

"Malakas na ang kaniyang puso. Normal na ang pagtibok nito." Itiniklop na ng doktor ang laptop.

"Ano bang problema sa dugo niya kuya?" Napahawak si Yuri sa glass panel. Nais niyang hawakan ang kaniyang pamangkin.

"Hindi siya nangangailangang masalinan. Mababa lang ang bilang ng kaniyang red blood cells." Seryosong nakatutok ang mga mata ng doktor sa kaniyang pasyente.

"Congratulations Cain."

Tumaas ang kilay ng Yakuza. Napaisip siya. Napalunok siya ng makuha agad ang sinasabi ng kaniyang tito.

"Congratulations? May sakit ang bata. Tapos. Congratulations. Tinamaan na yata ng bulalakaw iyang utak mo doktor Michael." Sarkastikong pananalita ni Yuri. Naiinis na siya sa kaniyang kuya.

Ngumiti si Feng. "May bagong dagdag na pasaway Yuri. Ano ka ba? Ikaw yata ang tinamaan ng asteroid."

Napanganga ang crimelord. Wala talaga siyang ideya. "May bago? Sino?"

Umiling si Michael. "Buntis si Andromeda."

"Ow. Delikado ka Cain. Magpupuyat ka ulit sa pagtitimpla ng gatas." Napahalakhak si Yuri." Siguradong may matatatnggalan na naman ng butunes at magugulo ang buhok."

Napasandal si Feng sa glass panel. Nakatalikod na siya sa batang natutulog sa hospital bed ni Michael." Baka may uuwi na naman sa mga gwardiya na nakapaa na lang." Napatawa na rin si Feng.

Ngumisi ang Yakuza. Napailing iling siya." You're unpredictable Andromeda." Lumingon si Cain kay Michael. "Maybe it's time for you to take Alexander in your custody."

Namilog ang mga mata ng doktor. Hindi man niya ipahalata ay natutuwa siya.Nginitian niya ang kaniyang pamangkin. "I will take good care of him. Sisiguraduhin kong hindi ko kukunin ang karapatan mo bilang ama niya." Tumatalbog na ang kaniyang dibdib. Nagbunga rin ang kaniyang paghihintay. Lumaki bilang isang magiliw na tagapag-alaga si Michael. Siya ang nag-alaga noon kina Yuri at Cain. Tila muling babalik sa nakaraan ang doktor-ang muling alagaan ang batang Cain sa katauhan ni Alexander. Pareho ng ugali sina Cain at Alexander.

Muling pinagmasdan ni Cain ang kaniyang asawa."May tiwala ako sa iyo Michael. Kung sabagay malapit lang ang Sri Lanka. Madali namin siyang mabibisita ni Andromeda."

Hindi namalayang napaakbay si Yuri kay Feng." Bakit hindi mo hayaang alagaan ko din si Adrianne Cain? Katulad ni kuya mike ay hindi ko kukunin ang karapatan mo bilang ama ni Adrianne. Katulad ni Andromeda ay aalagahan ko din si Adrianne." Nanatiling nakasandal si Yuri sa glass panel. Nakaakbay pa rin siya kay Feng.

Ibinaling ni Cain ang kaniyang paningin sa lalaking nakasandal sa glass panel." Subukan mo. Baka sakaling gusto ka rin ni Adrianne."

Napalunok si Yuri. Hindi niya akalaing papayag agad ang kaniyang pamangkin sa kabila ng mga di kaaya-ayang nangyari sa pagitan nila.

___________________________________________________________________________

Isang babaeng nakamaskara ang sumasayaw sa isang club sa Tokyo.

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon