Chapter 12

44 3 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 12

Part 1

"Tito darating na si Gori mamaya. Akala ko aabutin ako ng isang daang linggo maghihintay. Apat na araw lang pala." Kaharap ni Andromeda si Michael. Nakahubad pang-itaas ang buntis.

"Huminga ka ng malalim sweetie." Isang stethoscope ang ginagamit ng doctor para suriin ang baga at puso ng buntis. Dinig ng doktor ang malusog na baga ata puso ng buntis.

"Tito may problema na naman ba ako sa kalusugan?" Nag-aalala ang buntis.

"Wala sweetie." Dinampot na ng doktor ang isang oversize polo shirt. "Sige na isuot mo na ito."

Bumukas ang pintuan at pumasok ang don. "Sweetie." Nilapitan ni don Luis ang kaniyang bunso. Isang halik sa noo ang iginawad niya sa buntis. Nag-usap ang mga mata ng magkapatid.

"Andromeda. Pwede ka ng bumalik sa baba." Tinulungan ni Michael ibutunes ang polo shirt ng kaniyang pamangkin.

"Okay." Tumayo si Andromeda mula sa kahoy na upuan. "Dad. Bumaba ka agad. Wala kaming kalaro. Abala si Tito Yuri."

Ngumiti ang don. "Oo naman. Magpapasuri lang ako kay Michael."

" Sige po. Bye Tito."

Hinintay muna ng don na makalabas ang kaniyang anak."Michael. Nasa black forest na ang responsable sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol kay Andromeda. Dinala nina Cris at Max ang assistant executive director ng world bank. Ibinenta niya ang impormasyong iyun sa isa ring bank manager sa Thailand. At ang bank manager na iyun ang nagbenta sa mga Rashitackchun."

Nakatitig si Michael sa hawak niyang stethoscope. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Ang batang inaalagaan niya ay nasa panganib na naman. "Target na si Andromeda. Mukhang hindi na natin siya maitatago. Malaking angkan ang mga Rashitackchun. Malawak ang saklaw ng kapangyarihan nila sa underground. Malalakas ang kanilang mga armas nukleyar. Kinaya nilang pasukin ang sistema ng ating komunikasyon. Ilang oras ding inayos ni Cain ang system ng ating satellite. Hindi sana nadala ni Zacky si Andromeda sa Thailand kung hindi nila nakontrol ang ating satellite."

Kita ng don ang mga bitamina sa mesa. Isang maliit na plastic cup ang katabi ng isa pang bote." Michael. Nasa private airport na si Cain. Pag-usapan natin kung paano natin ipapaalam ang mga nangyayari kay Andromeda." Tumingin si don Luis sa kaniyang kapatid. "Mahal ko ang bunso ko mike. Ayokong mawala sa akin si Andromeda. At kapag di Andromeda ang mawala ay siguradong mawawala rin ang aking panganay. Mahal na mahal ko ang mga anak ko mike. Kung maaari lang ay ayokong mawala silang dalawa sa aking paningin. Kung maaari lang ay mananatili silang mga baby. At akin silang aalagahan ng paulit-ulit." Napakalungkot ng don.

Ramdam din ng doktor ang kalungkutan ng kaniyang kuya. Ang kaniyang kuya Luis ang naging kasangga niya noong mga panahong parehong nawala sina Rosenthal at Lindsey. Silang dalawa ang nanatili sa Russia at namuhay sa kalungkutan. Ayaw ng doktor na muli nilang naranasang mamuhay sa kalungkutan. Malaki at masaya na ang kanilang pamilya ngayon dahil sa pagdating ng nag-iisang Andromeda. Iginala ni Michael ang kaniyang paningin. Dati ay isang napakadilim na silid ang kwaro ni Michael. Walang mga dekorasyon. Wala ring mga laruan. Walang mga larawang nakasabit sa dingding. Pero ngayon, kita na sa dingding ang mga larawan ng napakaraming individual. Mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda. Kung dati ay dalawa lang sila ng kaniyang kuya na kumakain at nag-uusap, ngayon ay halos hindi na sila magkarinigan dahil sa ingay ng mga taong napabilang sa pamilya. Lumabas din ang kaingayan ni Yuri ng dumating si Andromeda. "Kuya. Hindi kakayanin ni Andromeda kung ngayon natin ipaalam ang mga nangyayari. Maaaring malakas ang kaniyang katawan ngayon ngunit paano naman pagdating sa emosyonal."

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon