Chapter 6

72 3 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 6

Part 1

Nakatitig din sa monitor ang mga bantay. Hindi sila lumilingon sa katawan na nakahiga sa mahabang couch.

Nagpapalitan ng mensahe ang kanilang mga mata. Nakatindig sila na parang estatwa.

Naglagay na ng gel ang doktor sa tiyan ni Yehudi. Bilang isang nurse, alam niya kung anong gamit ng machine na dala ng doktor. Hindi niya nakikita kung ano ang nasa monitor. Mas concern siya sa ginagawa ng doktor sa kaniyang tiyan.

Bilang isang lalaki ay hindi kailanman sumagi sa isipan niya na maaaring magbuntis ang isang tulad niya anupat natalakay na nila ito sa paaralan. Alam niyang maysakit siya. Yun lang.

Gusto niyang itago ang tunay na nadarama.

Kitang kita ni Cain ang maliit na tuldok sa monitor. Nais niyang tumalon sa tuwa. Nais niyang yakapin ng napakahigpit ang taong bubuo sa kaniyang pagkatao.

Lumulundag ang kaniyang puso. Hindi niya akalaing magiging ama na siya.

"Cain.Anong sakit ko?"  Napatigil ang doktor sa kaniyang ginagawa. Napatingin siya kay Cain.

"Wala."  Direktang sagot ni Cain.

Hindi nagsalita ang doktor. Takot siyang matuluyan.

Pipindutin na ng doktor ang 'print' ng pinigilan siya ni Cain.

Inalalayan ng negosyante si  Yehudi sa pag-upo. Sumenyas na lang si Cain para tulungan si Tan sa pagbitbit ng kaniyang mga gamit.

Inaayos na ng doktor ang kaniyang mga apparatus. Sa pagkakalingat lang sandali ni Yehudi ay iniabot niya sa pamangkin ng kaniyang boss ang kopya ng ultrasound.

Mabilisan ang pagkilos ng mga bantay. Gusto na nilang makalabas mula sa penthouse. Nais na nilang huminga. Tila wala kasing hangin sa loob.

So tense.

Hindi lang sa kasama nila ang kanilang big boss kundi dahil sa balitang sumiksik mula sa dulo ng kanilang daliri hanggang sa pinakamaliit na ugat sa loob ng kanilang katawan.

The best nightmare.

Para sa mga bantay magiging triple ingat na sila sa paghawak sa kanilang young boss.

The best dream.

Para kay Cain, kung nananaginip man siya ay ayaw na niyang magising. Ikukulong na lang niya ang sarili sa loob ng panaginip.

Nakalabas na ang lima. Nakahinga na sila.

Inihatid ni Max si Tan sa kaniyang sasakyan. Sumakay na rin si Tetsu sa kabilang sasakyan para ihatid ang machine sa ospital. Naiwan sina Cris at Kazumi sa may pintuan ng penthouse.

___________________________________________________________________________

Sa loob ng penthouse ay tila lahat ng titigan ni Cain ay nagliliwanag. Walang parte sa loob ng kanilang tirahan ang madilim. Sa bawat sulok ay may nagniningning na liwanag.

Pero mas nagniningning ang  nilalang na nasa kaniyang kandungan. Tila isang napakamahal na babasaging bato si Yehudi.

"Cain. Bakit dinala ng doktor ang mga gamit niya? At saka diba dapat kapag follow up check up ay tayo yung pupunta? At saka pag follow-up check up usually 7 days after discharge. Bakit isang araw pa lang ako nakakauwi ay may follow-up check up na? At saka bakit wala siyang iniwang resulta ng ultrasound? " Diba dapat mayroong printed result? Yung mga doktor sa Arcadia nagsasalita sila habang ginagawa ang procedure para hindi mabahala yung mga pasyente nila. Yung bagong doktor na iyon, napakatahimik. Hindi ba siya marunong magsalita? "

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon