Chapter 17

37 1 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 17

Part 1

Dumating na sa Hongkong ang pinakamalaki at pinakamakinang na star. Pinagkakaguhan na siya sa airport. Kahit marami ng nakapalibot na private goons sa bitwin ay hindi nagpatinang ang mga fans ni Angelica. Nagtutulakan sila para lang makita at mahawakan ang singer hanggang sa nakasakay na sa isang armored vehicle ang singer at ang kaniyang mga kasama.

Tatlong grupo ng mga gwardiya ang nagbabantay sa singer. Ang unang grupo ay  ang mga tao ng pamilya Rashitackchun. Ang pangalawa naman ay ang mga tao ng pamilya Jungslagger. At ang pangatlo ay ang mga gwardiya na binabayaran ng tv network. Hindi lang kasi basta artist o singer ang bagong mukha ng singing industry kundi isa ito sa pinakamakapangyarihang tao sa balat ng lupa. Galing siya sa angkan ng pamilya Rashitackchun na pumapangalawa sa listahan ng pinakamayamang angkan sa 'the forbs magazine, napangasawa ng isang Jungslagger na siyang kinikilalang pinakamakapayarihang angkan sa buong mundo.

Mabilis na tumatakbo ang sasakyan kung saan nakasakay sina Angelica at Leonardo.

"Kuya bakit ang bilis mo?" Nababahala na si Angelica.

"Ma'am kanina pa kasi may nakasunod sa atin na hindi kasama sa ating convoy." Nagsalita ang isang gwardiya mula sa passenger sit.

Nagkatinginan sina Angelica at Leonardo maging ang iba pang staff. "Sino kaya sila? Anong balak nila?" Lumingon ang singer sa likuran. Kabado na siya.

Hinawakan ni Leonardo ang palad ni Angelica para palakasin ang loob nito. " Wag kang matakot. Hindi kita pababayaan. Hindi tayo pababayaan ng daddy mo." Nginitian niya ang singer.

Tumango lang si Angelica.

Pabilis pa rin ng pabilis ang patakbo ng kanilang drayber. Nakarating na sila sa tulay na hindi pa tapos pagdugtugin. " F@ck. It's a dead end." Pinahinto ng drayber ang sasakyan. Lumingon siya sa likuran para umatras ngunit nakita niyang parating na ang humahabol sa kanila.

Mabilis na nag-isip si Angelica. Alam niyang hindi tao ng kaniyang ama ang humahabol sa kanila. Tinanggal niya ang kaniyang eyeglasses, ang maiksing wig, hinubad din niya ang kaniyang kulay itim na fitted gown at kulay puting boots. Mabilis siyang nagpalit anyo bilang si Andromeda Rashitackchun-ang prime minister ng Thailand. Lalaking lalaki na si Andromeda kahit mahaba pa rin ang kaniyang kulay buwang buhok.

"Anong ginagawa mo?"

"Trust me Leonardo." Tumingin si Andromeda sa mga tao ng kaniyang ama. "We have no choice. Ayokong masira ang image ni Angelica. At gusto kong malaman kung sino ang humahabol sa atin."  Nanghihinala na si Andromeda. " Mahilig si Cain sa mga kabataang babae. Gusto kong makita ang reaksyon niya kung makita niyang ako ang hinabol niya at hindi si Angelica."

Hindi na umimik ang mga staff ni Z ngunit nakaalerto sila.

Isang lalaki ang bumaba mula sa sasakyang dumating. Nakilala agad siya ni Leonardo ngunit itinikom niya ang kaniyang bibig. "Andromeda mag-ingat ka."

Tuluyan ng bumaba si Andromeda mula sa armored vehicle.  Nakangiti siyang humarap sa lalaki. "Napansin ng drayber ko na hinahabol mo kami. May problema ba tayo sir?" Namukhaan na rin niya si Barielle. Si Barielle ang pangunahing sponsor ni Angelica sa Russia.

Namukhaan ni Barielle si Andromeda. Alam niyang si Liandres ang kaniyang kaharap. Wala siyang kamalay malay na ang tunay na Andromeda na ang kaniyang kausap. "Ow. Nice to see you Lian_." Natigilan siya. Nginitian niya ang inaakala niyang pekeng prime minister ng Thailand. "Nice to meet you mr.prime minister." Kinindatan niya ito. Tila gusto niyang asarin ang kaniyang kausap. "Nakita ko kasing dito sumakay yung singer." Tiningnan ni Barielle ang bintana ng sasakyan ngunit madilim sa loob. Tinted ang salamin.

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon