Chapter 9

63 3 0
                                    

Billionaire's Possession

Chapter 9

Part 1

Unti-unting naglalaho ang usok sa ere. Muli pang humithit si Cain. Nakatanaw siya sa pinagdausan ng kasal.

Napakaliwanag pa rin ng glass palace sa kabila ng mag-aalas dos na ng madaling araw. Limang kilometro ang layo ng diamond castle mula sa glass palace. Pumasok muli si Cain sa kanilang silid. Isang sliding door ang binuksan niya mula sa balkonahe. Nakadapa ng natutulog ang kaniyang bride. Nakalabas ang isang hita nito samantalang natatakpan naman ng kumot ang kaniyang buong katawan.

Nanatili pang nakatayo si Cain sa may pintuan. Pinagmasdan niya pa ng ilang minuto si Andromeda bago tuluyang pumasok sa loob.

Hinawi ni Cain ang buhok na tumatakip sa kabilang pisngi ni Andromeda. Natapos naman ang kanilang kasal ng matiwasay ngunit nababahala siya dahil sa sinabi ng kaniyang ama.

Walang balak pakawalan ni Cain si Andromeda. "It will rain blood if they will take you away from me."

Isa pang problema ni Cain ay ang kaniyang tito Yuri mismo. Hindi pa rin nawawala sa kaniya ang sakit niyang obsession. Obsesses siya kay Andromeda. Maaaring inaalagaan ni Yuri ang kambal ngunit nasa isip niya ang nagluwal sa kambal.

Humiga na si Cain sa tabi ng kaniyang asawa. Hinila niya ang CEO sa kaniyang dibdib at kaniya ng ipinikit ang kaniyang mga mata.

___________________________________________________________________________

"Ano kaya ang balak ni kuya?Minanmanan niya ng walong buwan si Rashitackchun sa El Salvador ngunit hindi siya kumilos kahit may mga pagkakataon na siya." Nakaupo si Yuri sa isa sa mga dining table. Hubad na ang kaniyang pang-itaas.

Damang dama ni Michael ang lambot ng carpet. Nakahiga siya sa red carpet na nilakaran ng mga bride. Nasa dalawang carrier basket naman ang kambal sa tabi mismo ng doktor. "Hindi ko mabasa ang isip ni kuya. Wala rin siyang sinasabi tungkol sa mga plano niya. Ang tanging nasabi lang niya sa akin ay talagang kikilos siya para linisin ang daraanan mo. Maraming grupo at mga maffia lider ang gustong itumba ang bagong namumuno sa Bratva. Kaya mag-ingat ka Yuri." Lumingon si Michael sa kaniyang kapatid. "Mag-ingat ka kay Cain. Hindi mo alam kung ano ang takbo ng isip niya. Lalo na____ alam niyang may balak kang kunin ang asawa niya." Ngumisi ang doktor.

Tumayo ang don. Lumapit siya sa kambal. Binuhat niya ang basket kung saan natutulog si Adrianne." Hindi ko mapigilan ang sarili ko kuya. Pakiramdam ko kasi isa akong failure. Sa tuwing nakikita kong umiiyak ang batang iyun ay parang gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit. Gusto ko siyang ikulong na lang para Wala ng makapanakit sa kaniya."

" Naiintindihan kita Yuri." Nanatiling nakatitig si Michael sa kalangitan. "Pero si Cain, Hindi. Labanan mo ang sakit mo Yuri. Si Andromeda ay hindi siya katulad doon sa mga alaga mong leon at tigre. Hindi mo maaaring ikulong ang batang iyun katulad ng sa mga hayop."

"Nanginginig ako sa tuwing nakikita ko ang mga marka sa katawan niya. Damang dama ko ang sakit." Muling umupo si Yuri sa pahabang mesa. Ipinatong niya rin sa ibabaw ng mesa ang basket. " Parang naririnig ko ang mga sigaw niya."

"Kung ang mga marka ni Cain ang tinutukoy mo ay ipinikit mo na lang ang iyung mga mata. Marka iyun ng pagmamahal. Pero syempre kung marka iyun gawa ng kamay na bakal ay ibang usapan na." Umupo ang doktor. Pinagmasdan niya ang mukha ni Cain sa sanggol na natutulog sa basket."Hindi sasaktan ni Cain si Andromeda." Nakamamatay ang titig niya sa sanggol na natutulog."Sa oras na saktan niya ang bata ay siguradong katapusan na ng mundo. Kaya ikaw Yuri, wag mong hayaang kainin ka ng sakit mo. Pareho nating mahal sina Cain at Andromeda kaya dapat lang na tayo ang manguna sa pagprotekta sa kanila."

Billionaire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon