Billionaire's Possession
Chapter 13
Part 1
Tahimik lang ang mga kalalakihan. May kani-kaniya silang mundo. As usual, si don Luis ay nasa pagbabasa pa rin siya ng newspaper nakatuon. Si Michael ay abala kay Alexander. Si Yuri at Feng ay abala kay Adrianne.
Nasa kabilang mundo rin ang mga Rashitackchun. Abalang nagkakape si Raj. Tanaw niya ang isang view mula sa balkonahe. Katabi ni Raj ang dati nilang family lawyer-si Xyril. Magkaharap naman sina Vyneth at Jakrii. Larong chess ang pinagkakaabalahan nila. Nasa tablet naman ang paningin ni Z kaharap niya ang don.
Katahimikan ang namayani sa hotel tower.
So relaxing.
So calm.
There's peace.
Yapak ang maririnig. Napakalakas na yapak. Natigilan ang mga barako. Ayaw nilang tingnan kung sinuman ang dumating. Ayaw nilang magtrabaho ngayong araw. Nais nila ng katahimikan.
"Wag ako." Panay ang dasal ni Yuri. Hawak niya ang isang toy car. Nakaupo siya sa rubber mat kasama sina Feng at Adrianne.
Nakatutok lang ang mga mata ni Raj sa isa pang gusali. "Wag kang titingin dito." Nadasalan na rin ni Raj ang kaniyang budha.
Nanatiling naglalaro sina Jakrii at Vyneth. Nag-uusap ang kanilang mga mata. Ayaw din nilang makuha ang atensyon ng kung sinumang dumating.
Nawala na sa report ang binabasa ni Z. Hindi na siya makapagpokus dahil sa pag-aabang kung sino ang unang matatawag.
Tila nasa isang paghahatol ang mga mababangis na lobo. Takot ang namayani sa kanilang dibdib.
Naramdaman ni Raj ang magaang bagay na dumapo sa kaniyang balikat. Napalunok siya. "Nandito na siya. Patay." Dahan-dahan niyang nilulunok ang mainit na kape. Liningon niya ang may-ari ng palad. "Go-good morning Andromeda." Nginitian ni Raj ang pasaway na boss.
"Good morning Tito Raj." Umupo si Andromeda sa isang bakal na silya katabi ni Raj. "Nabasa ko na ang report galing sa finance. May pondo na para sa transportasyon. Ikaw na ang bahala doon Tito. Kailangan ko yung report mo mamayang hapon."
Nginitian muli ni Raj ang makulit na prime minister." Oh. Oh. Sure. No problem."
Tumayo ang pasaway." Thanks." Naglakad paalis si Andromeda.
Liningon ni Raj ang kaniyang mga kasama. May pambubully sa kanilang mga mata.
Napapangiti si Z." Buti nga sa iyo Raj." Nais ng isigaw ni Z ng 'I am free today'.
"Dad."
Natigilan sa kaniyang tahimik na pambubully si Z. Kita naman niya na si Raj naman ang tahimik na nambubully sa kaniya. "Yes my son."
Umupo ang buntis sa tabi ng kaniyang ama. "Kailangan niyo ng magpatawag ng business meeting para sa mga proyektong ipapatayo sa Thailand."
Mula sa balkonahe ay napapatawa si Raj ng tahimik. Kita niya ang dismayadong hitsura ng kaniyang pinsan.
"Dad." Nilapitan naman ni Andromeda ang don-ang Luis Jungslagger na natutong magdasal kanina-kanina lang.
Ibinaba ng don ang newspaper. "Ano yun baby?" Nais tanggihan ni don Luis ang anumang sasabihin ng kaniyang anak.
Nagpakalong ang prime minister sa don. "Dad. Tulungan mo naman ako."
Nagpakalong ang prime minister sa don.Kay don Luis na nag-iba agad ang pananaw sa buhay. Nais na niyang gawin lahat ang anumang ipag-uutos ng kaniyang anak dahil sa pagiging magiliw nito. "Anong klaseng tulong?"