Billionaire's Possession
Chapter 18
Part 1
Tambak ang mga folders at envelopes sa mesa ng prime minister ng Thailand. Nasa ikaanim na folder na siya. Isa-isa niyang binasa ang laman ng folder. Ngumiti siya ng makita niyang may nakaipit na maliit na punit ng notebook. Binasa niya ang sulat. Alam niya kung kanino galing ang sulat na iyun dahil sa sulat kamay ito.
"Turong sahuran mo ako dahil ako ang tumapos sa mga trabaho mo. Lalayas layas ka. Alam mong malaki ang responsibilidad mo sa bansa mo." Tumawa ng bahagya si Andromeda. " Maldita ka talaga taba. Paano kita sasahuran? Hindi naman kita empleyado. Bahala ka dyan." Alam ni Andromeda na isang buwan na ang report na iyun dahil report pa iyun noong naglayas siya.
Tinapos ng basahin ng prime minister ang ikapitong reports. Ngumiti siya ulit ng makita ang mga numero. Tumataas ang pera ng kabang yaman ng Thailand. 22 araw na hindi nagtrabaho si Andromeda at alam niyang marami siyang hahabulin. Isa sa sector ng agrikultura ang kailangan niyang tutukan. Isang report ang binasa niya. Ilang probinsya na ng Thailand ang gumagamit na ng mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka ang nakita niyang asensado na. Nakahanda na ang mga probinsyang iyun para mag-export ng kanilang mga produkto. Isa pang sector na kaniyang tututukan ay ang transportasyon. Kailangan ng Thailand ang mga makabagong TREN at siguradong hindi sasapat ang pondo kung walang mga donors.
Pulido ang mga reports. At kilala niya kung sino ang mga taong nagtrabaho para sa kaniya. Si Hanna na mahilig pumitik ng gitara ay pumipitik na rin sa calculator para sa computation ng pondo ng mga proyekto. Si Sela na galit sa mga numero at graph ay mahusay na rin sa pagtatally. Ang mabangis at may pagkasira ulong negosyante na si Jakrii ay ang siyang dahilan ng mga makabagong teknolohiya. Si Vyneth na dating prime minister ay ang siyang dahilan ng pagpasok ng mga foreign investors. Si Xyril na dating family lawyer ng pamilya ni Jakrii ay ang siyang dahilan ng malinis na pagpaplano ng mga proyekto. Si Khaliv na malditang ina ni Yuri ay ang humahawak ngayon sa mga national army. Pinamumunuan niya ang territorial defense ng bansang Thailand. Hindi man siya general ay hawak niya ang malaking porsyento ng bilang ng mga army general. At si Dominika Viveka na isang Jungslagger ay ang nagbabantay sa trono ni prime minister Andromeda Rashitackchun. Isang siguristang ina ng maffioso ang tahimik na kumikilos para bantayan ang pwesto ng kaniyang apo. At si Z, siya ang mukha ng prime minister.
Hindi basta empleyado lang ang mga tauhan ng prime minister ng Thailand kundi mga mahuhusay sa negosyo, mababagsik sa digmaan at mababangis sa kalaban.
Lahat ngayon ay abala sa trabaho. Si don Luis ay nasa Russia. Ang donya ay nasa palasyo. Si doktor Michael ay lumipad patungong Sri Lanka. Si Feng ay nasa Hongkong at si Yuri naman ay lumipad patungong Germany. Lumipad din sa Indonesia si Cain para ayusin ang military base nila sa Bali.
Nahagip ng mga mata ni Andromeda ang kaniyang relo. "$hit." Tumayo siya. "Alas dos na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Hindi man lang kasi kumalam ang tiyan ko." Kinuha niya ang kaniyang coat sa kaniyang power chair. "Saan kaya ako maaaring kumain?" Kinapa niya ang kaniyang bulsa. "Wala pala akong pera." Sandaling napaisip si Andromeda. "Mahaba na pala ang listahan ko sa cafeteria. Si Hanna ay nasa palasyo. Si Sela ay sumama kay kuya Erc sa Europe. Si Clint ay nasa Timor Leste." Tinitigan niya ang pintuan. "Sina kuya Max at kuya Tetsu lang ang kasama ko." Ngumiti si Andromeda ng may biglang pumasok sa kaniyang isipan. "Magpapalibre ako sa kanila. Hehehe. Libreng pagkain is waving." Tuluyan ng lumabas mula sa kaniyang opisina ang magandang asawa ng Yakuza.
___________________________________________________________________________
Nasa Yate ang Yakuza kasama sina Ave, Kazumi at Cris. Nasa kandungan ng Yakuza ang kaniyang bunso.