Simula
Kimberly
H-Hindi lahat ng Nag-tatatrabaho sa Abroad may maayos na bahay sa Pilipinas, nakapag pundar ng lupa,Oh kaya mga negosyo. Hindi lahat ng nasa Abroad may ipon, maganda ang buhay sa Ibang bansa. Si mama resibo lang ang naipon niya sa Saudi Arabia dahil pangtustos sa pag-aaral ni Karen at Joel, Dalawa ang kapatid ko nag-aaral sa Elementary. Kailangan lumuwas ng bansa ni mama para mabigyan kami ng maganda buhay at para makapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko.
Mabuti nalang may maayos na ako trabaho ngayon, Mabuti nalang na promote ako nakaraan taon bilang Head Manager ng Sales Department sa kumpanya pinapasukan ko. Ang tagal-tagal ko na nagtrabaho sa kumpanya yun,Pero hindi ko pa Nakilala kung sino ang CEO. Si Mister Reyes at Mister Buenaventura ang nagpapatakbo ng negosyo. Masyado private ang Totoo CEO kaya tinatago ang totoo identity.
Ayaw ko naman magtanong sa mga kasamahan ko sa trabaho dahil wala naman sila maisasagot sa akin. Parehas lang kami lahat ng mga empleyado sa kumpanya yun, Hindi kilala ang Totoo CEO, ang sabi sakin ni Rena, nasa America nakatira ang may-ari ng kumpanya. May mga tauhan lang siya nagpapatakbo ng negosyo niya dito sa Pilipinas. Sana all mayaman.
Ganun talaga ang mayayaman masyado Private ang buhay.
"Anak kumusta kayo ng kapatid mo diyan? Pumasok na ba sa school ang dalawa mo kapatid? Si Karen at Joel kumusta ang pag-aaral nila? Mataas ba ang mga grades?" Tanong ni mama habang kausap ko sa messenger! Maaga kami nag-uusap kasi gabi na doon sa Saudi. Sakto nag-aalmusal ako. Mainit na kape at masarap na pandesal sa umaga.
"Okay lang kami dito Ma, pumasok na si Karen at Joel dahil may exam si karen ngayon sa Math at Science, si Joel naman sasali sa Essay writing sa darating na Nutrition month" sabi ko habang hinihigop ang mainit na kape.
Swabe!
"Ikaw nalang ang inaasahan ko dyan sa Pilipinas para alagaan ang mga kapatid mo Kimberly, Na recieve mo na ba ang pera pinadala ko sayo? Diniposit ko yun sa bank account mo, Pambayad yan sa school ng dalawa at panggastos diyan sa bahay" Saad niya.
"Mama hanggat nandiyan kayo sa Saudi, mag ipon ka ng pera mo para pag-uwi mo dito sa Pilipinas may ipon ka naman kahit paano, para hindi kana bumalik diyan dahil miss na miss ka namin ni papa, Si Kuya Jack tanong ng tanong sakin kung kailan ka uuwi dito sa Pilipinas, wala naman ako maisasagot kay kuya dahil hindi ko alam kung kailan?" Sabi ko sa kaniya."Ako nalang bahala sa mga gastusin dito sa bahay dahil maganda naman ang trabaho ko ma, malaki ang sweldo ko kaya, ako na po, Keep your money nalang diyan para may ipon ka" sabi ko.
Nilagyan ko ng Palaman ang pandesal. Masarap ang palaman na Peanut butter kaya ito ang paborito ko.
"Maraming salamat Kimberly tinutulungan mo ako sa mga gastusin diyan sa bahay, mag-iingat kayo palagi diyan, ikaw na bahala sa mga kapatid mo" Saad niya.
"Sige mama, ingat ka rin diyan sa Saudi" sabi ko.
Malungkot na magkalayo kami ni mama pero Kailangan ko Tiisin na hindi ko siya kasama at makita para makapagtapos ng pag-aaral Ang dalawa ko kapatid.
"Oh siya sige na Kimberly, Bye na muna anak matutulog na ako" sabi niya.
Tumango ako.
"Sige mama magpahinga kana, Bye po ingat ka lagi diyan" sabi ko.
"Mag-iingat kayo diyan lahat" Pinatay ko ang tawag. Pagkatapos ko mag almusal pumasok ako sa banyo para maligo dahil maaga ang pasok ko. Ni lock ko ang bahay bago sumakay ng Triycle papunta sa trabaho ko.
Inabot ko ang bayad kay Manong.
"D-Diyan lang po ako sa tabi Manong" sabi ko sa Driver.
Huminto ang triycle sa tabi ng daan at bumaba ako. Masakit sa paa ang mag suot ng heels kaya doll shoes nalang muna ang sinusuot ko. Pasamantala. Nagkakaroon ako ng paltos at sugat sa paa kapag nag heels ako.
YOU ARE READING
HMS #2 My Bully Lover (R-18) Complete
Lãng mạnUnang araw palang ng Pagkikita nila dalawa ay Inis na Inis si Kimberly kay Brett dahil palagi siya inaasar nito, Mas lalo siya na buweset ng Harangan siya nito sa Entrance Door. Kapag hindi niya hinalikan ang Binata sa Mukha ay hindi siya makakapaso...