Chapter 3

2.8K 58 5
                                    

Kimberly

Pinagmamasdan ko ang kalangitan, masungit ang panahon ngayon, Nakita bumabagsak ang malakas na ulan galing sa kalangitan na may kasama kulog at kidlat. May paparating siguro bagyo kaya malakas ang buhos ng ulan..Pasado ala singko palang ng hapon pero ang dilim-dilim ng paligid. Seven o'clock ang off ko sa trabaho. Kung hindi hihinto ang ulan paano ako makakauwi nito?

Ang lakas talaga ng buhos ng ulan, na trap ako sa lobby. Ala-otso na pero ang ulan ang lakas-lakas parin. Ano kaya ang gagawin ko para makauwi? Wala ako dala payong! Kaloka!

Kailangan ko lumusob sa ulan dahil gagabihin ako ng uwi kapag mag stay ako sa Main lobby. Bag ko ang ginawa ko payong habang lumulusob sa malakas na ulan. May sport car na huminto sa harapan ko bago bumaba ang tinted ng salamin.

"Get in Miss Kimberly malakas ang ulan" Umalingawngaw ang boses ni Brett.

"Brett" napaawang ang bibig ko.

"Sakay na basang-basa ka ng ulan" Saad niya kaya sumakay ako sa sport car.

"Mayaman ka Brett kasi may sport car ka?" Naitanong ko sa kaniya bigla.

"Haha, hiniram ko lang ito sa kaibigan ko" Saad niya.

"Oh di nga, maniwala ako sayo" Sabi ko. Kinagat niya ang labi nito.

"Oh B-Bakit ayaw mo maniwala, hiniram ko lang ito" Saad niya.

"Brett sino ka ba talaga? Alam mo hindi ako naniniwala mahirap ka, sa tindig at kilos mo, para ka anak mayaman e" sabi ko sa kaniya.

"It's up to you kung maniniwala ka sa sinasabi ko."Aniya.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo Brett Montenegro, Sino kaba talaga? Ano ang mga sekreto mo? Ano ang totoo identity mo? Ang dami tanong pumapasok sa isipan ko ngayon kasama ko siya.

"Oh sinasauli ko na yun jacket mo, Salamat sa pala kanina ah,nag-abala kapa bilhan ako ng napkin sa Seven eleven.

"Sayo na yan, kapag nagpapahiram ako ng gamit ko, hindi ko na tinatanggap. That your's" sabi niya.

"Ano sakin na ito. Sigurado ka, signature Jacket ito eh" sabi ko.

He's chuckled.

"Yes, where do you live huh ihahatid na kita sa inyo. Malakas ang ulan.may payong dito gamitin mo yan. Para hindi ka mabasa ng ulan" Saad niya.

"Brett Matanong ko lang may asawa kana ba? Oh kaya girlfriend?" Na intriga tanong ko sa kaniya.

"Gusto mo ikaw nalang ang jowain ko" bigla ako nabulunan sa sinabi niya.
"Are you single, I'm single, wala ka naman boyfriend, ako wala ako girlfriend kaya bagay tayo" Saad niya.

"Seryoso Brett nagagawa mo pa magbiro" sabi ko.

"Oh relax napipikon ka na naman kaya sarap mo asarin" Saad niya.

"Hoy tigil-tigilan mo ako sa mga pang-aasar mo sakin.Hindi ko makakalimutan yun kinuha mo ang Burger ko. Grabe ka kinagat mo agad." Sabi ko.

"Nagutom kasi ako that time, gusto mo ba dumaan tayo sa Jollibee libre kita, para makabawi naman ako sayo." Saad niya.

Bigla kumalam ang sikmura ko. Tumingin siya sakin dahil narinig niya yun.

"D-Dont tell me gutom ka kasi kumakalam na yan sikmura mo. Daan tayo sa Drive thru." Saad niya.

Dumaan kami sa Jollibee at bumili siya ng Value meal at binigay niya sakin. Medyo humihinto na ang ulan. Bumaba ako sa kanto kung saan papasok sa bahay. Nag bosena siya bago umalis.

Pumasok ako sa Kanto pauwi sa bahay. Bitbit ko yun binigay niya sakin Value meal. Kakainin ko ito pag-uwi ko sa bahay.

**************

HMS #2 My Bully Lover (R-18) CompleteWhere stories live. Discover now