Chapter 11

3.6K 68 8
                                    

Kimberly

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Kagabi halos nakaramdam na ako pagkahilo at Nilalamigan ako. Doble-doble ang kumot na binalot sa katawan ko. Nahihilo ako kaya hindi ako makabangon, Si Tatay muna ang magluto ng Almusal ng dalawa. Hindi ko talaga kaya gumalaw.

"Ate Ito na po ang Mainit na Arozcaldo. Dahan-dahan na nilapag ni Joel ang food tray sa lamesa sa gilid ng kama ko.kinapa niya ako sa leeg."Ate Ang init-init mo nakakapaso. Bumili si Tatay ng gamot sa Botika. Kailangan mo inumin yan ate para bumaba ang lagnat mo" Saad niya.

"Maraming salamat Joel may sakit si Ate kaya hindi ako makakilos dito sa bahay." Saad ko. Masakit ang lalamunan ko. Sumabay pa ito sa lagnat ko. Kaloka.

"Okay lang Ate. Magpagaling ka muna" Saad niya."Sige ate labas na ako" Aniya.

Tumango ako"Sige lumabas ka muna, Kakain na rin ako para makainom ng gamot" sabi ko.

Mainit ang Arozcaldo na nakahain sa harapan ko kaya nilantakan ko agad. Uminom ako ng gamot para gumanda ang pakiramdam ko. Nakatulog ako pagkatapos nakainom ng gamot. Medyo umo-okey na ang Pakiramdam ko kaso yun lagnat ko bumabalik. Mahinang-mahina ang katawan ko at medyo mahina pa ang katawan ko.

Pumasok si Joel sa loob ng kwarto ko.

"Ate Kimberly may bisita ka sa baba. May dala mga prutas at pagkain, Boyfriend mo ba yun ate?" Nagulat ako sa sinabi niya..

"Ano!" Namilog ang mata ko nakatingin sa kaniya.

"Anong sabi mo may bisit------ Nakita ko siya nakatayo sa Pintuan ng kwarto ko. Ano ginagawa niya dito sa bahay. Kanino niya nalaman ang Home Address ko.

"Hi babe!" Kumaway siya sa akin. Nakatingin si Joel kay Brett.

"Ate Kimberly boyfriend mo ba si Kuya Brett?"Tanong ni Joel.

"Yes Joel girlfriend ko ang ate Kimberly mo, anong masasabi mo Joel, bagay ba kami ng dalawa?" Tanong niya. Ano kaya alam ni Joel tungko sa ganun bagay.  Pati bata tinatanong niya.

"Opo bagay na bagay kayo dalawa kuya Brett" Pati bata inuuto niya na naman sa mga paandar niya sa buhay."Ayeeee si ate may Boyfriend na"

"J-Joel hindi ko Boyfriend ang lalaki yan. Naniniwala ka naman agad. Sige na bumalik kana doon sa kusina. Dalhin mo pala ito pinagkainan ko" sabi ko.

"Sige ate"kinuha niya agad ang food tray. Nakatingin siya sakin na tila binabasa ang bawat kilos ko.

"May sakit ka pala ngayon bakit hindi mo sinabi sakin. Nalaman ko kay Bryan may sakit ka kaya pinuntahan kita dito sa inyo."

"Boyfriend lang ang peg, okay na ako Brett huwag ka mag-alala medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon" Saad ko.

Nakita ko sa mga mata niya ang labis na pag-alala.

"Sinungaling ka. Look at yourself Kimberly halos namumutla ka,yan ba ang sinasabi mo okay ang pakiramdam mo, kumain kana ba?"

"Tapos na" sagot ko.

"Nakainom kana ba ng gamot mo?"

"Done" sagot ko.

"Good. Mabuti naman" Sinara niya ang pintuan at bigla niya ako tinabihan sa kama.

"Hoy Brett ano binabalak mo sakin ah? Huwag ka lalapit" Sabi ko. Hinarang ko sa katawan ko ang unan dahil alam kung may binabalak siya hindi maganda sakin.

"Huwag ka nga OA diyan, Hihiga ako sa tabi mo. Ako ang nurse mo ngayon araw" Saad niya.

"Ano? Diba may ginagawa ka ngayon sa opisina? Akala ko ba may tinatapos ka?" Tanong ko.

HMS #2 My Bully Lover (R-18) CompleteWhere stories live. Discover now