Kimberly
Nakita ko si Bryan palabas sa Opisina at sakto nakita niya ako nakatingin sa kaniya. Lumapit siya sa akin.
"Naku mabuti nalang nakita kita Kimberly, sumama ka sa akin sa Basketball court kasi may laro sila si Sir Brett laban sa Lion Heart. May laro ngayon sa Court kaya sumama ka sakin" Hinawakan niya ang kamay. Kumunot ang noo ko.
"Ayaw ko pumunta doon, ikaw nalang kaya manood at isasama mo pa" Saad ko.
"Bakit ayaw mo ba mapanood kung paano maglaro ng basketball ang Prince Charming mo" Nakangisi Saad niya.
I-I Just rolled my eyes at the ceiling.
"A-Ano ba pinagsasabi mo Prince Charming diyan" Tinapik ko ang kamay niya.
"Bakit hindi ba totoo ang sinabi ko. Totoo naman Prince Charming mo si Sir Brett, ang laki kaya ng gusto sayo nun kaso ikaw lang ito ayaw. Alam mo Kimberly marami nagkakagusto diyan kay Sir Brett, bakit ayaw mo sa kaniya? May problema kaba sa kaniya kaya ayaw mo siya sagutin?" Na intriga tanong niya sakin.
I bite my Lower lips. Aray ang sakit. Parang dumugo yata ang labi ko.
"Hindi naman sa ayaw ko, kasi kung sakali sinagot ko si Sir Brett at naging kami, anong iisipin ng mga tao nakapaligid sa amin. Pinatulan ko ang boss ko. Ano yun Mayaman-Mahirap tandem, ang baduy ah" sabi ko.
"Alam mo iniisip mo agad ang sasabihin ng iba tao Kimberly, paano ka magiging masaya niyan kung iniisip mo ang mga tao nasa paligid mo Aber?" Saad niya.
"Basta" Hinawakan niya ang balikat ko sabay tumingin sa mga mata ko.
"Kimberly alam ko may gusto ka narin kay Sir Brett kaso pinipigilan mo lang ang damdamin mo para sa kaniya. Kung ako sayo ilabas muna yan para hindi ka nagkakaganiyan. Perfect man si Sir Brett. Gwapo, matangkad, matalino, mayaman at higit sa lahat marami talent. Ayaw mo ba sa kaniya?"
Natigilan ako bigla. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Teka saan tayo pupunta Bryan?" Umigting ang panga ko.
"Sumama ka sa akin sa Gym, manonood tayo ng laro ngayon" Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa Gym. Sa banda itaas kami umupo ni Bryan. Ang dami nanonood sa laro nila.
"Alam mo girl ang gwapo talaga ni Sir Brett nu, Kinikilig ako sa kaniya, ang Hot-hot niya pa." Kinikilig na sambit ng babae nasa harapan ko nakaupo.
"True. Ang sabi nila single pa daw yan si Sir Brett kaya may pag-asa tayo mapansin niya diba girl" sambit ng babae katabi niya, ang kapal ng lipstick sa labi.
"Sana nga mapansin niya tayo girls" segunda Saad ng isang babae. Bigla ako kinalabit ni Bryan.
Tumingin ako sa kaniya.
Tumirik ang mga mata niya kaya natatawa nalang ako.
"H-Hoy huwag ka tumawa diyan Kimberly, See, nakikita mo ang mga babae na yan sa harapan natin, mga Fangirl yan ni Sir Brett" Pabulong na sabi ko.
I sighed.
"Pssst! Yun bibig mo huwag mo masyado lakasan baka marinig ka" sabi ko.
"Bakit totoo naman ang sinasabi ko ah" Aniya.
Malapit na magsisimula ang laro. Nakita ko si Brett na nag try out.
"Go Baby Brett ko galingan mo sa laro ah"Umalingawngaw ang boses ng isang babae. Binaliwala lang ni Brett ang mga babae nagpapansin sa kaniya. Naka focus siya sa Pag try out sa Court. Tama ang sinabi ni Bryan gwapo talaga si Brett Montenegro, Kahit saan anggulo gwapo talaga siya. Kaya minsan humahanga ako sa kaniya. Na alala ko bigla kung paano niya ako halikan sa labi.
I shake my head. Ano ba ito nasa isip ko! Ang dami nga pumapasok sa isip ko dumagdag pa ito si Brett Montenegro. Bigla-bigla nalang siya pumapasok sa isipan ko na hindi ko alam kung bakit.
Hindi kaya nagugustuhan ko na siya.
"Naku girl nakatingin sa atin si Sir Brett." Saad ng isang babae sabay tumitili sa kilig.
"Yeah I saw him, Gosh girl tinitignan tayo ni Sir Brett" Singit na sabi ng isang babae makapal ang Lipstick. Akala mo rarampa sa bar dahil sa Lipstick at pananamit niya.
"Gosh, girl kanina pa siya nakatingin sa atin" Segunda Saad ng isang babae. Kinalabit ako ni Bryan.
"Alam mo Kimberly mga feelingera talaga ang mga babae ito sa harapan natin. Feeling talaga nila, sila ang tinitignan ni Sir Brett. Eh ikaw nga ang hinahanap ng mata niya. Kaloka" Saad ni Bryan."Na Highblood ako girl kaya lumipat tayo ng upuan." Saad niya. Umiiral na naman ang katarayan ng bakla ito. Hinila ako sa Row two, malayo sa mga babae may gusto kay Brett.
"Oh bakit nakasimangot ka diyan?" Tanong ko.
"Naiinis lang ako sa malalandi babae na yun Kim. Jusko sa hitsura palang ng mga yun, hindi basta-basta papasa sa Taste ni Sir Brett nu" Saad niya.
"Bakit triggered na triggered ka diyan" natatawa sabi ko.
"Narinig mo naman kung makatili akala mo hinuhugot ang tinggil." Saad niya.
"Hayaan mo na, alam mo ikaw ang ma Stress niyan kapag pinatulan mo pa." Sabi ko.
"N-Naiihi na ako Kim, maiwan muna kita dito. Babalik ako. Ihing-ihi na kasi ako" sabi niya.
"Okay." Sabi ko.
Nakita ko nakatingin sa akin si Brett kaya nilapitan niya ako. Pumunta siya sa Row two para lapitan lang ako. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga audiences sa loob ng basketball court. Nakakahiya.
'Hi miss beautiful" Kinindatan niya ako.
"Anong Kailangan mo?" Nasa harapan ko siya nakatayo at nakatitig na naman sa Mukha ko.
"Nag video call kami dalawa ni mama kagabi, nagpaalam ako ligawan ko ang anak niya at ayon pumayag naman siya. Kinikilig pa nga e kasi gwapo ang Manliligaw ng anak niya. Kahit ano iwas mo sakin wala ka kawala." Saad niya.
"Ano nag video call kayo ni mama at paano mo nalaman ang messenger niya Aber?"
"Basta, sakin nalang yun" Kinindatan niya ako."Baby ko may laro kami ngayon manood ka ah, ipapanalo ko ang laban na ito para sayo" sabi niya.
"Ewan ko sayo" Inirapan ko siya.
"Bakit ba nag susuplada ka na naman?"
"Wala" sabi ko.
"Gusto mo e kiss kita sa labi para hindi ka nagsusungit sakin" Nakangisi sabi niya.
"Subukan mo lang Mister Montenegro susuntukin talaga kita."
Hinarap niya sakin ang isang pisngi niya. Ang harot talaga.
"Slap me baby ko. Mas gusto ko pa sampalin mo ako kaysa sa hindi mo ako pinapansin." Saad niya.
"Ewan ko sayo. Pwede ba bumalik kana doon sa Court." Sabi ko.
"Mamaya pa magsisimula ang laro. Gusto ko muna titigan ang baby ko." Saad niya.
"Umalis ka nga sa harapan ko pwede" Bweset na lalaki ito maharot.
"Kung sabihin ko ayaw ko" Saad niya.
"Isa"
"Count one to ten and then I'll kiss your lips" bigla namula ang pisngi ko.
"Ayaw ko nga, bahala ka sa buhay mo"
"Okay." Bigla niya hinalikan ang labi ko sa harapan ng marami tao. Smack kiss lang yun pero marami ang kinikilig. Bweset ka talaga Brett ka. Ninakawan mo pa ako ng halik.
"Pwede ba umalis ka nga sa harapan ko" Pilit ko siya tinataboy paalis sa harapan ko dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Mamaya. I love you baby ko." Pinisil niya ang baba ko. Tinapik ko ang kamay niya at tumawa lang siya sa inasal ko. Bweset na lalaki ito pinagtatawanan na naman ako.
YOU ARE READING
HMS #2 My Bully Lover (R-18) Complete
RomanceUnang araw palang ng Pagkikita nila dalawa ay Inis na Inis si Kimberly kay Brett dahil palagi siya inaasar nito, Mas lalo siya na buweset ng Harangan siya nito sa Entrance Door. Kapag hindi niya hinalikan ang Binata sa Mukha ay hindi siya makakapaso...