scene 9

208 3 0
                                    

* Mae's POV *

aalis sana kami ng bansa dahil nga sa mga nangyayari..
dumadami na ang mga zombies pero pati ang airport ay affected na ng zombies..

sa pagdating namin sa airport ay madami ang mga zombies sa lugar..
at papalapit na ito sa sasakyan namin..

pilit pinapaandar ng Driver ang makina ng kotse..pero ayaw nito umandar...
Maam ayaw na ho umandar ng sasakyan..!?

Ano? kuya palapit na ang mga zombies..
sigaw ko sa driver namin habang karga ko ang anak ko..

kailangan na natin umalis..
maam delikado dito sa sasakyan..
hindi sila aalis hanggat may nakikita silang pagkain...
maaari tayong matrap dito..
sabi sa akin ng driver...

kaya agad ay lumabas kami ng sasakyan..
hindi ko alam kung saan kami pupunta may mga zombies sa bawat sulok ng lugar...
doon maam doon tayo pupunta..
sabi nito sa akin..

agad naman kami sumunod..
tinungo namin ang tila isang silid sa gilid ng airport..
may mga zombies sa dinadaanan namin..
kaya pinapalo ito ng dala ng driver na kahoy na nakuha niya kanina malapit sa sasakyan..
sa pagpunta namin sa naturang silid ay nahawakan ng isang zombies ang binti ng katulong...na ikinatumba nito..
rinig na rinig ko ang paghingi nito ng tulong...
nakapasok kami sa silid na iyon..at naiwan ang isang katulong na pinagtutulungan na kainin ng mga zombies...

ilang oras na din kami na nandito sa lugar na ito buti na lang at nabitbit ko ang ilang pagkain at tubig na dinala ko galing sa bahay...

nawawalan na kami ng pag-asa namakakaalis ng buhay sa lugar na ito...
naghalungkat ako sa naturang silid..
at may mga nakita akong mga papeles at isang set ng computer..
mayroon din akong nakitang dalawang flashlight...

ilang oras pa ang lumipas at madilim na din sa labas..madami pa ding mga zombies na aalialigid palibot sa pinagtataguan namin...

ng may narinig kaming parang tunog ng sasakyan..
agadnaman itong tumigil..
sinilip ko sa bintana nitong pinagtataguan namin..
at nakita ko na sasakyan nga iyon..
at may ilang tao ang lumabas roon..

agad ko kinuha ang flashlight at pinailaw iyon patutuk sa kinaroroonan ng sasakyan..
pinatay sindi ko ito..
at ng mapansin ko na tila na pansin ito ng mga tao sa naturang sasakyan ay nilabas ko ang kamay ko sa may bintana at kinawayan ang mga ito..

buti nalang at napansin nila kami at patungo na sila sa kinaroroonan namin...
may mga hawak silang espada..at ginamit nila ito sa ilang zombies nahumaharang sa daraanan...

sa pagdating nila ay agad ko binuksan ang pintuan..at nabigla ako sa aking nakita..
isang mukha na matagal ko ng gusto na muling makita...
pinanabikan na muli mayakap..
mahagkan at humingi ng tawad...

sa pagkakita ko kay Charles na nakatayo sa harap ko ay agad ko siya nilapitan..
hinawakan ko ang mukha niya..
tinitigan ito..
at ng mapagtanto ko na ito nga ang lalaking minamahal ko ay niyakap ko siya..
at hinalikan ko siya ng puno ng pangungulila..at pagmamahal..

lumapit naman sa akin ang anak ko sa aking likuran at kinarga ito ipinakilala sa daddy niya..
agad naman ito ni Charles na kinarga at niyakap hinahalikan ngbuong pagtanggap at pangungulila at pagmamahal...

at bigla ng umalis ang isa sa mga kasama ni Charles sinundan naman ito ng iba pa..
at pinasunod narin kami ni Charles nasa likuran namin si Charles at sa unahan naman namin ang isa nitong kasamahan na babae...

sinagupa nila ang mga zombies na nakaharang sa daraanan..
at narating namin ang sasakyan nila...

sa sasakyan ay nakita ko din si Ruel..
agad ko siyang sinampal...
malinaw pa din kasi sa alaala ko ang katrayduran at kasinungalingan nito sa akin..
sa lahat ng tiwala namin ni Charles sa kanya siya din pala ang magpapahamak sa amin...

Survive the World of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon