* charles POV *
halos mag-iisang buwan na din ng mahiwalay si Ronel at Andrea sa grupo....
kung ano man ang nangyari sa kanila ay hindi namin alam..
sana lang ay ligtas sila...buti nalang at may nakuha kami na sasakyan sa parking lot...
yun ang ginamit namin para makaalis sa lugar....hinanap namin sila pero walang anino nila Ronel kaming nakita..
nagbakasakali kami na iniwas lang nila ang sasakyan sa mga zombies at dahilan kung bakit sila nag papaputok..pero hindi.mukhang mali kami...
baka nga iniwan nila kami..
yan lang ang tanging naiisip kung dahilan..
pero sana may iba pang dahilan..sa ilang linggo na dumaan napadpad kami sa isang resort...
doon kami nagtagal ng mga isang linggo..
naging maayos naman kami doon..
binarakadahan namin ang paligid ng isang inn at ginawa itong pansamantalang tuluyan namin..sa pananatili namin doon ay ilang beses na may nangyari sa amin ni Pamela...
hindi ko maipagkakaila na nagugustuhan ko na siya...
sa mga sandaling iyon ay masaya ako...
bumabalik na ng paunti-unti ang dating ako...
hindi ko alam bakit pero tila binago ako ni Pamela...marami ang nakapansin sa pagbabago ng ugali ko..
marahil nga ay naimpluwensiyahan ako ni Pamela...
masyado kasi siyang malambing at makulit..maalaga din siya..at sa kanya ko lang naramdaman muli ang magmahal..na akala ko ay hindi ko na mararanasan paulit..sa 22 years kung nabubuhay sa mundo ay iisang babae lamang ang minahal ko...pinag-alayan ng lahat- lahat sa akin..
buong pagmamahal,panahon at kung ano pang kaya kung ibigay sa kanya naikapagpapasaya niya..
tumagal kami ng halos 6 years...
siya si MAE Siera galing siya sa mayamang pamilya..
naging patago ang relasyon namin...pero sadyang walang lihim ang hindi nabubunyag...
nalaman ng pamilya niya ang tago naming relasyon..
at pilit kaming pinaglalayo..
pinsan niya si Ruel at ito ang naging tulay namin para kahit hinahadlangan na kami ng pamilya niya ay nakakapagkita parin kami...naging ganun ang sitwasyon namin...
pero hindi iyon nagtagal..
dahil isang araw sa aming tagpuan sa kubo sa may pampang....
ay nangyari ang hindi namin inaasahan....nasundan si Mae ng kanyang lalaking mga kapatid at mga barkada nito...
halos ikamatay ko ang pagbugbog sa akin ng mga ito...
pinilit kong lumaban..
pero masyado silang marami at hindi ko sila kinaya ...buti nalang at sa ilang minuto ay dumating si Ruel sa lugar at nadatnan akong wala ng malay...
umalis nadin ang mga gago kasama si Mae
at agad ako dinala ni Ruel sa pinakamalapit na hospital...
nanatili ako doon ng ilang linggo..lagi kong tinatanong si Ruel kung kumusta na si Mae at kung kinukumusta ba niya ako...
sa pagkakataon paring iyon ay naging tulay namin si Ruel..sa paglabas ko sa hospital ay nakiusap ako kay Ruel na sana ay magkita kami ni Mae..
nagkita kami ni Mae muli...
pero isang balita na di ko matanggap ang sinabi sa akin ni Mae..
pinakita niya sa akin ang suot niyang singsing..
kasal na siya..
kasal na siya sa ibang lalaki...
at buntis na daw siya...gumuho ang mundo ko sa rebelasyon na iyon ni Mae..
nagsorry siya sa akin at sinabi niya sa akin nakalimutan na niya ako..at may tamang babae na darating sa akin..
iyong para talaga sa akin..
at higit pa sa kanya...mahal niya pa ako at nararamdaman ko yon at nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot..
ang sakit na hanggang doon lang ang kwento ng pagmamahalan namin...hindi ko natanggap yun at kahit alam ko na kasal na siya ay pumupunta ako sa bahay nila at sinisigaw ang pangalan niya...
sinasabi ang lahat ng nararamdaman ko..sinisigaw kung gaano ko siya kamahal...at nagmamakaawa na sana bumalik siya sa akin...
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Hororpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...