scene 19

271 11 13
                                    

* Jasmine's POV *

naging mahirap sa akin ang pagkawala ng kapatid kong si James...
pero lately ay lagi siyang nagpapakita sa panaginip ko...
at tila ba may nais siyang iparating sa akin...
pinapasunod niya ako sa kanya sa isang lugar...
at ang lugar na yon marahil ang Ship of Noah...

at ng makita namin ang mga sasakyan sa himpapawid na patungo sa iisang diriksiyon..
batid ni Sgt.Valdes na iyon ang hudyat na uumpisahan na nila ang pagpapakawala ng mga bomba at poison gas...

nawalan kami ng pag-asa sa tinuran nito..
kaya sinabi ko sa kanila ang tungkol sa lugar sa panaginip ko...
at ngayon nga ay doon kami patungo...
malayo daw ito mula sa kinaroonan namin...at kailangan pa sumakay ng barko o eroplano...

pero wala ng panahon para maghintay..kailangan na namin na kumilos...

sakay ng van at delivery truck ay umalis kami...
huminto kami sa isang paliparan..
madami ang mga zombies doon at hindi naging madali ang pagpasok namin...
gamit ang mga espada at baril nilabanan namin ang napakaraming zombies...

nahawakan ako sa likuran ng isang zombie..
buti nalang at napatay ito ni Ronel...
si Ronel oo madalas niya akong naililigtas...
matagal na ang naging relasyon namin....
at sana hanggang sa huli ay magkasama kami...

napasok na nga namin ang loob ng paliparan...maging sa loob ay madami ang mga zombies...
at sa kasawiang palad ay nakain ng mga zombies ang dalawa sa mga kasama ni Aling Berta....

at ngayon nga ay tumatakbo kami patungo sa isang plane...
madami ang mga zombies na humahabol padin sa amin...

karga karga na ni Charles ang anak nito na si Caliex..
habang hawak hawak niya sa kamay si Charie...

agad na kami na sumakay sa plane...
pero sa di kalayuan ay pilit na humahabol sina Ronel,Joanna at Andrea..napalayo pala sila sa amin kanina...

pinaandar na ni Sgt.Valdes ang makina ng plane..at naghudyat na aandar na...pero hindi pa sila nakakalapit...
sigaw na ako ng sigaw pati ang iba pa...
na bilisan nila dahil aandar na...

at umandar na nga ang eroplano...hindi padin sila nakakasakay....
takbo sila ng takbo...at malapit na sana sila ng mas bumilis pa ang takbo ng eroplano tanda na malapit na itong pumunta sa eri...
hinubad ni Joanna ang suot suot niya na bag at hinagis ito kay Charles bago pa man lumipad ang eroplano...

at sumara na nga ang pintuan ng eroplano...naiwan sina Joanna,Andrea at ang pinakamamahal ko na si Ronel...
na sinasagupa ang naparaming zombies...

hindi ko napigilan ang aking emosyon..at iyak na ako ng iyak...
batid ng lahat ang namamagitan sa amin ni Ronel.,..

nasa eri na ang eroplano at patungo na kami sa Maynila...
ilang minuto din ang itinakbo ng sasakyan...
At natungo na namin ang paliparan sa Maynila...
sa pagbaba namin ay panibagong pakikipaglaban sa mga zombies...
kulang na kami...at naging mahina na ang depensa namin...

masyado madami ang mga zombies...
wala na kaming lakas...nawalan na nga marahil kami ng lakas dahilan sa pagkaiwan ng ilan naming mga kasamahan...

sa pakikipaglaban namin ilan pa sa mga kasamahan namin ang napahamak...

hindi na kinaya nina Aling Berta at dalawa pa sa kasamahan niya...
at nakain narin sila ng mga zombies...
pati si Angelito ay napahamak...dahil sa pagliligtas kay Nelrose....
maging ang anak na babae ni Charles ay hindi nadin kinaya...at napahamak ito....

labis ang lungkot,galit at inis ni Charles sa sarili niya dahil feeling niya ay wala siyang nagawa para iligtas ang anak niya...feeling niya ay wala siyang kwentang ama...

Survive the World of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon