* charles Anggeri's POV *
nasapak ko si Ale ng makita kong pinagtangkaan niyang halayin si Joanna...
gusto ko siyang bugbugin pero napigilan kami ng mga kasamahan namin...umalis siya dala-dala ang sasakyan...
tuluyan na ata siyang lumayo..
ilang araw na din hindi pa siya bumabalik....kahit papaano ay naging malapit kami sa isat-isa ni Ale...
kaya kung may mangyaring masama sa kanya ay hindi makakaya ng konsensiya ko...bakit nga ba hindi pa siya bumabalik?
kilala ko si Ale...
minsan narin nagkasagotan sila ng ilan sa mga kasamahan namin..
umaalis siya para magpalamig ng ulo..
at bumabalik naman at humihingi ng tawad...
pero ngayon hindi padin siya bumabalik...baka kung ano na ang nangyari sa taong yon...gamit ang motor ni Joanna ay hinanap namin siya...
ng matagpuan namin ang sinakyan niya ..
nakabalandra ito sa daan at nakatihaya....
agad namin na tiningnan ang loob ng sasakyan pero walang Ale kaming nakita...tanging ang espadang binigay ko sa kanya ang nakita ko...nadismaya ako...maari kayang wala na siya...
malungkot isipin na mangyayari iyon...
nakokonsensiya ako dahil sa akin kung bakit siya umalis..bumalik kami sa mga kasamahan namin dala ang masamang balita...
ng malaman nila ito ay kitang-kita ko ang lungkot at pag-agos ng luha nila....humingi ako ng tawad sa kanila...pero tuloy parin ang buhay...
kailangan namin magpakatatag...dito kami sa silid kung saan gumagawa ng gamot si Joanna..
ininjectionan ni Joanna ang zombie na nakatali sa mesa..
ng maobserbahan niya na tila nawawalan na ito ng buhay....
lumipas ang halos isang oras na hindi na talaga gumagalaw ang zombie...
nalungkot si Joanna sa naging resulta ng gamot na itinurok niya...lalabas na sana ako ng silid ng bigla akong halikan ni Joanna...
natinugunan ko naman...
at naging mapangahas ang sumunod na mga sandali...ng sa kalagitnaan ng aming pagtatalik ay pinigilan ako ni Joanna...
Charles...teka lang...
ngunit patuloy padin ako sa ginagawa ko...
teka lang!! tingnan mo!
sabi nito pagpigil sa ginagawa ko..
ano ba iyon?
inis na sabi ko....iyong zombie tingnan mo?!!!
nanilingon ko naman...nakita ko na nagbago ang anyo nito...
agad na nilapitan ito ni Joanna at naiwan ako na bitin sa ginagawa ko...
kaya sumunod nalang ako,na napakamot sa ulo ko...sa paglapit ko sa kanya ay napagmasdan ko ang zombie...
nagulat ako sa nakikita ko...
unti-unting nagiging normal ang itsura at katawan ng zombie...
pero wala pa din itong buhay...
agad naman na sinuri ni Joanna ang vital signs ng zombie...noong una ay may mahina itong pulso ngunit kalaunan ay tumigil na rin ito....
ginawa ni Joanna ang lahat ng makakaya niya para muling magkabuhay ang zombie...
pero sadyang hanggang doon lang ang kinaya nito...ngunit sa kabilang banda ay may napagtagumpayan siya yun ay ang muling ibalik sa normal ang zombie...
sa tagumpay na iyon ay lubos ang saya niya...napayakap siya sa akin at hinalikan ako...
at tumugon naman ako at muli ay pinagpatuloy namin ang kaninang naudlot na pagpapakawala ng tawag ng laman...magkasama kami ni joanna at ng iba pa na tumungo sa may plaza para humuli ng zombie para sa pag-aaral ni Joanna...
ng biglang tumakbo si Haki papasok sa isang gusali..
hindi namin alam kung bakit pero parang may naamoy siyang malapit sa kanya..marahil dating nagmamay-ari sa kanya...tinawag ito ni Joanna pero tuloy-tuloy lang ito...
madami ang zombies sa loob ng gusali...
kaya maaring mapahamak si Haki...kaya agad kong sinundan si Haki at sinundan naman ako ng iba pa....
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Horrorpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...