binalikan nga nila Charles at Ale sina Pam at Charie...
natanaw na nila ang dalawa...
pilit na pinoprotektahan ni Pam ang anak ni Charles...naubusan na ito ng bala at halatang napapagod na...
nabuhayan ng pag-asa si Pamela ng makita na niya si Charles..alam niya sa sarili niya na babalikan sila ni Charles...pero bago pa man nalapitan nila Charles sila Pamela ay nakagat ito ng zombie sa braso..
nalapitan nila ang isat-isa at ngayon nga ay parehas ng nakikipaglaban sa sandamukal na mga zombies...
nakabalik nga sila sa private plane kasama sina Pamela na hapong-hapo...
pero sa pagkakataong iyon ay nababahala sila at nalulungkot dahil ano mang oras ay magiging zombie na si Pamela...naging mahirap para sa kanila iyon..
napuno ng iyakan ang grupo lalo na si Charles at ang mga anak nito...na labis na masasaktan..nagpaalam si Pamela kay Charles at sa anak nila..
na niyakap niya ng ubod ng higpit at hinalikan ang mga ito sa huling pagkakataon...
at namaalam din ito sa mga kasamahan..
namayani ang lungkot sa nito at umagos ang mga luha...dumating nga ang oras na ayaw sana na nilang mangyari...
naging zombie si Pamela at binaril ito ni Sgt.Valdes...sumakay sila sa private plane at nilisan ang lugar na puno ng pighati...
sa pagkawala ni Pamela ay binalikan at naisip nila ang masasayang sandali na pinagsamahan nila..at ang pakikipaglaban nila na magkasama...sa biyahe ay kinontak ni Sgt.Valdes ang headquarters ng Ship of Noah...
nakausap naman niya ang mga ito...
ngunit sa di inaasahan ay nagkaroon ng problema ang engine ng sinasakyan nilang private plane..at kailangan nila mag-emergency landing...isuot niyo mga seatbealt niyo at maghanda...nagkaproblema ang sinasakyan natin at kailangan natin mag-emergency landing...
sigaw ni Sgt.Valdes...papunta sa may kagubatan ang sinasakyan nila....
ginawa naman ni Sgt.Valdes ang buong makakaya niya na maging maayos ang paglapag ng kanilang sinasakyan...sumadsad ang sinasasakyan nila at nadaanan nito ang mga sanga ng puno..saka ito tumigil....
naging matindi ang pinsala ng sasakyan...at halos lahat sila ay nawalan ng malay....sa pagkabalik ng ulirat ni Charles ay agad niya na tiningnan ang mga kasamahan...
agad siya na tumayo at tinungo ang mga anak...
sa paglapit niya sa mga ito ay sakto naman na pagkabalik ng malay ng mga ito... umubo ang mga ito sanhi ng usok ng pagbulusok nila...mabuti naman at naging ligtas ang mga ito...tinanggal niya ang mga nakasuot na seatbelt ng mga bata...
at saka ito pinatayo..
nagising naman na din ang iba pa niyang kasamahan...ligtas ba kayong lahat?
sigaw ni Charles...sumagot naman si Nelrose..
shit...pakiramdam ko nabali ata ang buong buto ko sa katawan...
at sabay na pag-unat sa likod nito...guys?....
sigaw ni Andrea...
nilapitan ito ni Charles..at nakita ito na naipit ang braso sa isang malaking sanga ng puno...
pinagtulungan nila na matanggal ang pagkakaipit ng braso ni Andrea...
naging matagumpay naman sila...
at agad na tinalian ng pinunit na tela ang naging sugat nito...lumabas sila sa naturang sasakyan at sa labas ay nakita nila ang naging pinsala ng sasakyan...
hindi na ito mapakikinabangan pa...tiningnan ni Charles ang mga kasamahan...
at napansin niya na tila kulang sila...
naalala niya si Sgt.Valdes na siyang nagmamaneho ng private plane...
at agad ito na tinungo sa may pilot section ng plane...nakita niya ito na walang malay....
at sinuri ito kung humihinga pa...
may mahina itong pulso kaya agad niya nilagay ang mga palad niya sa may dibdib nito at binugahan ito ng hangin sa bibig nito...
tumagal ng halos isang minuto iyon at napahabol ito ng hininga at napaubo....
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Terrorpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...