* Andrea's POV *
labis akong nalungkot noong sinabi sa amin ni Charles na maaaring patay na si Ale...
ilang gabi din akong palihim na umiyak...ng mga panahon ng iyon...hanggang isang araw biglang gumawa ng matinding ingay ang hinuli naming zombie...
na naroon sa Laboratory...
nakuha nito ang atensyon ng mga zombies at kalaunan ay palapit na ang mga ito sa tinutuluyan naming bahay...kaya nagdesisyon kami na lisanin ang lugar...dumaan kami sa likurang pinto..at doon ay nilabanan namin ang napakaraming zombies...
narating namin ang sasakyan at pinasakay kami ni Charles kasama ang mga bata....
at iniwanan namin sila...pumunta kami sa plaza at doon hinintay sina Charles..
ilang minuto lang ay dumating sila sakay ng isang delivery truck...ng makita ko si Ale na bumaba ng sasakyan...
patakbo ko siyang nilapitan at niyakap...
mahal ko na si Ale..
at mahalaga siya sa akin...
pero alam ko na wala itong nararamdaman para sa akin...
pero kailan man ay hindi ako umaasa na mamahalin niya rin ako ...
ang importante sa akin ay ang hayaan niya akong mahalin siya...napagtanto ko na nakatingin sa amin ang mga kasamahan ko ...
kaya agad ako na napabitiw sa pagkakayakap kay Ale at agad na nagpaliwanag sa kanila...buti na lang at nabaling kay Charles ang atensiyon na noon ay naka brief lang...kaya nakahinga ako ng maluwag....
nagtawanan kami sa naging reaksiyon ni Charles...at umalis na nga kami at tinungo ang mga taong nagligtas kay Ale...
at narating na nga namin ang lugar..
agad ay sinalubong kami ng isang ginang at isang binatilyo.....
magiliw nila kaming pinatuloy sa tahanan nila...madami kaming napag-usapan at doon nga ay nabanggit namin ang tungkol sa Ship of Noah...
na ikinatuwa nila..
may pag-asa pa daw pala na maligtas sila...doon ay naghanda sila ng makakain...
napinagsaluhan namin...madami pa kaming nalaman tungkol sa kanila at ganon din sila sa amin...
sumapit ang gabi at natulog na kami...
katabi ko si Jasmine..
napansin ko na tila nanaginip ito at may binabanggit siya..
pangalan ng nakababata niyang kapatid..at ang tungkol sa Ship of Noah...agad ko naman siyang ginising...
at kinuwento niya ang panaginip niya...
ilang beses na daw niya itong napapanaginipan...
sa panaginip niya ay sinusundan niya ang kapatid niya patungo sa isang malawak nalugar...
madami ditong tao at wala ni isang mang zombie...
nakangiti daw ang kapatid niya sa panaginip niya....niyakap ko siya dahil umiiyak ito...
at muli ay nakatulog na kami...kinaumagahan ay nakita ko si Ale sa may sasakyan..at nilapitan ko siya....
nilakasan ko ang loob ko...
kinausap ko siya...
alam kong batid ni Ale ang nararamdaman ko sa kanya..namayani ang katahimikan sa aming dalawa...
at binasag ko iyon...
tinanong ko siya tungkol sa Ship of Noah....
sinabi niya sa akin na gagawin niya ang lahat para marating namin ito ng ligtas...nais ko man tanungin sa kanya kung ano ba talaga ang namamagitan sa aming dalawa...
alam ko na masayado akong assuming..
pero kailangan kong mabatid kung ano ba talaga ang estado namin dalawa...kung sakali man na sabihin niya sa akin na wala at hindi niya ako mahal..
matatanggap ko!
ahmm...siguro?
tatanggapin ko...
ewan ko...bahala na...
pero bakit hindi ko matanong sa kanya?
ano ba ang nangyayari sa akin...
ohh baka hindi lang ako handa sa magiging kasagutan niya..
...umalis si Ale at pumasok na sa loob ng bahay..habang naiwan ako sa sasakyan...nasa pinto pa lang siya..
ng lumingon siya at ngumiti sa akin at kumakaway tanda na pinapasunod ako sa kanya ..
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Horrorpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...