scene 11

205 4 0
                                    

* ronel's POV *

sa paglalakbay namin ng mga bago kong kasama para sa paghahanap sa kapatid ko at sa mga kasama nito..
at maging sa pamilya ko at sa lugar na kung saan sinasabi nilang ligtas kami..

ay napadpad kami sa isang court..
malawak ito at may pailan ilan na mga zombies..
ng mapansin ko si Jasmine at James na may tinitingnan..
tinanong ko sila kung ano ito..
at tinuro nila ang isang zombie na nakasando at naka suot ng jersy..
iyon daw ang tatay nila..
umalis daw ito at pinabayaan sila para sumama sa babae nito..

naawa ako sa kanila..dahil sa nangyari sa kanilang ama ...
na kahit iniwan sila nito ay hindi maaalis ang katotohanan na ama padin nila ito...

umalis na kami sa lugar na iyon at bakas pa din ang lungkot ng magkapatid...

hanggang mapunta kami sa isang simbahan...
pumasok kami doon wala na man na zombies doon bukod sa mga nakahandusay sa labas at loob ng simbahan..
malamang ay may nauna na saamin dito at sila ang pumatay sa mga zombies...

ng sa may nahagip ng aking mata isang patay na binalutan ng puting sapin ng mesa ng simbahan..
kung zombie ito ay hindi na din naman ito pag-aaksayan na takpan pa ng tela...

at tila ba may nag-uudyok sa akin na tingnan kong sino ang bangkay..
kaya lumapit ako roon at hinawi ko ang nakatakip sa naturang bangkay..

nabigla ako ng mapagmasdan ko ang mukha nito...
at agad ako nawalan ng lakas..
ng mapagtanto ko na isang kaibigan ang bangkay..

Ruel.....
sambit ko dito..
tumulo ang luha ko ng hindi ko namalayan...

"galing dito ang kapatid ko at mga kasamahan ko.."
sigaw ko sa kanila..
lumapit sa akin si Andrea at nakita niya din si Ruel nawala ng buhay..
at bigla itong napayakap sa akin at umiyak..

dito muna tayo matulog..
maggagabi na..
sigaw ni Mang Anton..

andoon nga kami natulog..

nag-aalala ako sa kapatid ko...
sana ay hindi siya napahamak..
tulad ni Ruel...
maging ang iba pa...

sana ay muli na kaming magkasama at sabay na hanapin ang pamilya namin..

nakatulog na si Andrea sa paghiga sa mga hita ko..
para na siyang isang bata..
naaawa ako sa kanya
kanina ay iyak siya ng iyak..
kaya niyakap ko siya para maibsan ang takot na nararamdaman niya...

sa gilid ko naman ay nakahiga ang magkapatid...
pinagmasdan ko si Jasmine..
maganda talaga siya..
hindi ko maiwasan na humanga sa kanya...

at sa kabila ng lahat ng mga nangyayari ay matatag parin siya...
marahil ay para sa kapatid niya..

mahimbing na din na natutulog ang iba pa...at nakatulog na din ako...

kinaumagahan pagkatapos namin kumain ay aalis na kami sa lugar..

umaasa ako na sa unahan ay nandoon sila Nelrose at magkikita kami ulit..
sa biyahe ay bigla tumirik ang sinasakyan namin..

pilit iyon na inaayos nina Mang Anton at Alvin pero hindi na iyon umaandar..
kaya nag lakad na lamang kami...
doon kami sa kakahuyan dumaan para iwas sa mga zombies...

malayo layo na din ang nalakad namin ng napunta kami sa isang ilog...
malalim-lalim ito at kailangan namin tumawid...
akay akay ni Mang Anton si Angel at akay-akay ko naman si James na tumawid sa ilog..

ng makatawid kami ay bigla nalang sumigaw si Tanya...
at agad namin siya na nilapitan..
nakita niya ang isang zombie na papalapit sa kanya..
at agad naman ito na inatake ni Mang Anton gamit ang combat knife...
pero di lang iisa ang mga zombies dahil sa unahan ay madami pa...
at papalapit ito sa amin..

ang ikinabahala ko ay wala kaming mga sandata...
paano kami makakalaban...
at mapagtatanggol ang mga sarili namin...

takbo! sigaw ni Mang Anton..
sabay turo nito sa isang deriksyon..
agad naman kami tumakbo papunta sa deriksiyon na iyon..

puro mga tanim na mais ang direksiyon na tinakbuhan namin..
hindi namin makita ang unahan ng tinatakbuhan namin....
ng sa pagtakbo namin ay biglang may humablot kay Tanya na isang zombie..
napadapa si Tanya pero malayo na kami sa kanya sa bilis ng mga takbo namin..
binalikan siya ni Alvin para iligtas at nilalayo rito ang zombie na kumakagat kay Tanya pero maging si Alvin ay nakagat ng zombie na nasa likuran niya pala...
at mas dumami pa ang zombies na umaatake sa kanila..
wala na kaming nagawa kundi ang iwanan sila...

narating din namin ang labasan ng taniman ng Mais...
nakahinga kami ng maluwag sa paglabas namin sa taniman na iyon..

pero hindi pa pala tapos ang lahat dahil madami pa ang zombies na nasa di kalayuan...
hindi na ata kami makakaligtas..
wala na ata kaming matatakbuhan..

pero nakakita ng kubo si Mang Anton..
at tinungo namin yon..
sa loob ng kubo ay wala na mang zombies..
agad na sinarado ni Mang Anton ang kubo at umupo kami sa may papag..

hinalungkat ko ang mga gamit sa kubo..at may nakita akong isang itak..
meron ding pala at palakol...at ilan pang gamit sa pagsasaka...
kinuha ko ito para gawing sandata laban sa mga zombies..
binigay ko din ang iba pa kina Jasmine,Andrea at Mang Anton pati sina Angel at James ay pinapili ko ng angkop sa kanila na pwedeng gawing sandata iyong kaya nilang madala...

sinilip ni Mang Anton ang kinaroroonan ng mga Zombies at naghanap ng ligtas na pwedeng madaanan...
palabas sa bukirin..

nakisilip na din ako...
ng mapansin ko ang tila mga kabahayan sa gawing kaliwang bahagi ng bukirin....
nakita din ito ni Mang Anton..

at nagdisisyon kami na doon tutungo...
pero alam namin na hindi magiging madali iyon..
dahil sa mga zombies na nagkalat sa bukirin..
marahil ay ginawa nila itong evacuation sa paniniwalang ligtas sila rito..

sa ngayon ay magpahinga muna tayo..
alam kong napagod din kayo sa pagtakbo kanina..
medyo malawak din ang taniman ng Mais na iyon...
sabi ni Mang-anton..

ilang oras din kami doon sa kubo..
ng nakapagdisisyon na kami nalisanin ito..
lumabas kami dala dala ang kanya kanyang mga sandata..

madami talaga ang mga zombies na naroon...pero maingat kami na tumakbo sa bahagi na unti lamang ang mga zombies...
may mga nakasagupa kami na mga zombies at napipigilan naman namin ito na makalapit at masaktan kami...

sa pagdating namin sa bungad ng mga kabahayan na nakita namin ay hindi namin inaasahan na mas madami pa pala ang mga zombies na nandito...

ng bigla ay sumigaw si James na kanina ay nasa likuran lang namin..
hawak hawak siya ng isang zombies at kinakagat sa leeg at may mga palapit pa na mga zombies..

gusto na lumapit ni Jasmine para iligtas ang kapatid pero pinigilan ko siya..
at pinatakbo kasama namin ..
tumakbo kami..sa loob ng siyudad
nakipaglaban sa mga zombies at tumakbo ulit...
hanggang napunta kami sa may Pier..

sa pier ay may bangka kami na nakita...at doon ay sumakay kami..
umiiyak pa din si Jasmine sa nangyari sa kapatid niya..
hindi ko siya masisi dahil maging ako ay masasaktan din...

nagsagwan kami..na hindi alam kung saan patungo.wala na kaming choice dahil pagnanatili kami doon ay mapapahamak lang din kami...

matagal din kami sa laot..
sa tirik na tirik na araw..
halos nawalan na kami ng pag-asa...
"pero hindi pa huli ang lahat makakaligtas din kami at makakadaong sa mas ligtas na lugar.."
sa isip isip ko.
at muli akong nagsagwan..

nagsagwan naman din ulit si Mang Anton...naisipan namin na dumaong na sa malayo layo sa siyudad...
at dumaong na nga kami..
wala namang masyado kaming nakikitang mga zombies..

Meron mang ilan pero napapatay namin ang mga ito..
naglakad kami patungo sa kalsada..
Nakikita namin ang mga sasakyan na nakaparada sa kalsada..
naghanap kami ng pwede namin pang magamit...

at sa wakas ay may nahanap kami..
agad na pinaandar ito ni Mang Anton at nilisan namin ang lugar...
hapong hapo kami sa mga pinagdaanan namin.....
at nagluksa sa mga kasama namin na iniwan na kami...

Survive the World of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon